Chapter 1 : FREEDOM

134 4 0
                                    

CHAPTER 1- FREEDOM

Tuwing naaaalala ko yung unang dating ko sa mag-asawang yun, Naiisip ko na doon nagsimula ang kalbaryo ko... Sa loob ng dalawang taong tumira ako sa kanila, kung ano-anong masasakit na salita at panunumbat ang natatanggap ko kay nanay mila. Masahol pa sa katulong ang trato nila sa akin.. Tuwing umaga, matapos gawin ang mga gawaing bahay, sinasamahan ko si nanay mila maglako ng mga bulaklak sa tapat ng simbahan. Sa gabi naman, kasama padin ako niya ako bilang singer at tagalinis sa isang beer house.

Nung una serbidora ako , pero dahil maraming lasing na customer ang nagmamanyak sakin, napilitan si nanay mila na gawin nalang akong singer.. Si tatay manuel, ayon, nagsusugal lang at nambababae, madalas din sinasaktan nya si nanay mila pag lasing siya.. Pero di naman siya maiwan ni nanay dahil mahal daw niya ito..

Sa beerhouse kahit singer lang ako, hindi pa din maiiwasan na may mga pambabastos sakin, tulad ngayon gabi.

"Hubad na yan! "

" kaw na lang ite-table ko miss!"

" ang kinis mo bebe! Akin ka na lang! "

" tanggalin na yang damit! "

Umalis na ako sa maliit na stage.. Ang mga walang hiya, ang tatanda na eh.. Hindi ba nila halatang menor de edad ako? Nakasalubong ko yung dalawang dancer.. Nagtanguan lang kami , kasi kahit matagal na ako dito, di naman ako namamansin masyado..

" oh Luna, mauna ka na umuwi dahil mag uusap pa kami ni terri.. Tukoy nito sa bading na may ari nung beerhouse.. " hintayin mo nalang umuwe ang tatay manuel mo.. " tango lang ang naisagot ko.tinitigan ko sya ng matagal habang busy na sya sa pakikipag huntahan kay terri..

Pagod na pagod ako dahil wala pa akong kain ngayong gabi sa dami ng ginawa ko.. Sumasakit na naman ang ulo ko.. Haayyy.. Same routine araw-araw.. Walang pagbabago.. Maliban ngayong gabi..

--------------------------

Naglalakad ako sa madilim na eskinita pauwe sa amin..madami pang lasing na busy sa pakikipag inuman, may mga kabataang nagdodroga at may ilan ding nag aaway pa.. Ganto ang normal na buhay dito sa squatters area.

' sana may makakain ako sa bahay... ' isip ko. Tulad ng dati, wala ako dalang pera dahil kung ano man ang kitain ko sa trabaho, lahat kinukuha ni nanay mila.. Pero Minsan inaabutan nya ako pambili man lang ng damit at gamit pambabae..

Pagpasok ko, naabutan ko si tatay manuel na nakahilata sa mahabang upuan at madaming nagkalat na bote ng alak sa paanan.

'Tsk, taka pa ko, eh kelan ba to hindi lasing..? '

Dahan-dahan akong pumasok sa maliit na kwarto ko.sakto lang ang laki nito para magkasya ang karton na hinihigaan ko. Nagpalit lang ako ng damit at naghanda na sa pagtulog. Ang totoo, tuwing umuuwi ako sa bahay, dumidiretso na ako sa kwarto kaya lahat ng paglilinis sa sarili sa banyo na lang sa beerhouse ko ginagawa.. May dahilan kaya ganun..

Papikit na ako ng marinig ko na may kumakatok sa pinto..

" L-luna... Gishiing khapa ba? " si tatay manuel yun.. " bukshan mo tong pinto.. "

Hindi ako nagsasalita.. Sa totoo lang, ilang beses na akong muntik gahasain ng lalaking ito.. Pero ni munsan hindi siya nagtagumpay.. Ayon ang dahilan kaya nilagyan ko ng lock ang pintuan ko..

"LUNAAAA... ano ba! Bukshan mo shabii to!!!! " sumisigaw na ito at pilit na binabalya ang pinto... Kinuha ko ang kahoy na pasikreto kong itinabi dito sa kwarto... Oras na para gamitin ko ito.. Natatakot man, kailangan ko lakasan ang loob ko para sa sarili ko..

BLAGGGGG.... Natanggal ang pintuan mula sa pagkakakabit nito sa haligi.. Nakita ni tatay manuel ang dala kong pamalo sabay sugod sa akin..

" walang hiya ka... " sigaw ko sabay hampas ng malakas sa ulo niya.... Natumba ito at nawalan ng malay.... Ito na yung hinihintay kong sandali... Pagod man ang katawan, masama man ang pakiramdam, kumakalam man ang sikmura, umalis ako sa impyernong yun bitbit ang isang maliit na bag na tanging pagmamay ari ko..

-----------------------------

Mga ilang oras na akong naglalakad at malayo-layo na din ang nararating ko. Di ko alam kung saan ako napadpad..basta lakad lang ako ng lakad.. Di ko kasi kabisado ang mga lugar dito dahil di naman ako pinapaalis ng bahay maliban kung mamamalengke ako.. Kaya naman di ko naranasan na mamasyal at mag-enjoy. Kesa unahin namin yun, ipapang sugal nalang ng tatay manuel yun o kaya naman pang kain namin sa araw araw.

Wala din naman akong maituturing na kaibigan dahil una, yung mga baabeng kaedad ko palagi akong binubully.. Ewan ko sa mga yun, mga insecure.. Walang ibang alam gawin kundi ipagkalat na malandi ako.. Pangalawa.. Yung mga lalaki naman puro panliligaw at pagpapahangin ang dahilan kaya lumalapit sa akin.. Di naman sila maka diskarte dahil si tatay manuel ang nakakaaway nila..

Haaayy... Hindi rin naman kasi pasok sa plano ko kung saan ako pupunta.. Wala nga akong mapupuntahan diba? Ang importante lang sa akin, makaalis ako sa bahay na yun. At wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko. Sa ginawa nila sa akin, nabayaran ko na ang lahat kapalit ng pagkupkop nila sa akin. Sobra sobra pa.

Huminto muna ako saglit sa tabing kalsada.. Hilong-hilo na ako at gutom na.. Naghanap ako ng makakainan.. Mayroon lang akong isangdaan na tanging naipon ko mula sa mga bigay sa akin ni nanay mila.. Haaay... Kailangan kong magtipid at mag isip ng diskarte para kumita at maghanap ng matutuluyan ....

Sakto naman at may karinderya sa tapat. Tamang-tama at dun na lang ako kakain.. Tumawid ako pero nasa gitna na ako nang biglang mandilim ang paligid ko at manlambot ang mga tuhod ko....

Narinig ko na lang ang isang malakas na busina at naramdaman kong bumagsak ang katawan ko.... Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay...

-------------------------------

A/N

Sana nag enjoy ka..

Love lots...

Mirmae 24

Princess of the BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon