Chapter 11 - THE ROYAL TABLE

119 4 2
                                    

Chapter 11 - THE ROYAL TABLE

" SINO KA ? " tanong ng isang boses lalaki..

' shemai.. Lagot! ' di niya ito nilingon.. Di siya sumagot..

" hoy miss... Im asking you.. Sino ka? " pangungulit pa nito.. " bakit nasa kotse ka ng Shadows ? "

Waahhhhh... Wala na siya nagawa.. Tumakbo nalang siya ng mabilis! Yung takbong magnanakaw.. Hahaha..

" hey--! " narinig niya pang sigaw ng mystery guy.

Hinihingal siyang nakarating ng highschool building. Pagtapat naman niya sa classroom niya, may teacher na sa harapan at nagsasalita. Nang mapatingin ito sa kanya, pumasok na siya at hiniitan yung hawak sa backpack niya..

" Good Morning. Are you Miss Reyes? " tanong nito.

" yes ma'am.. "

" you're a little late.. " nakataas kilay nitong sabi.. Mukhang masungit ito. Naku.. Mapapagalitan pa ata siya eh first day niya pa naman..

" Sorry ma'am.. Medyo naligaw po ako.. " pagdadahilan ko na lang.. Tiningnan lang ako nito ng matiim na parang di kumbinsido sa sinabi ko.. Tapos, humarap na ito sa klase.

" okay class.. I'll introduce you to your new classmate, Miss Luna Reyes. Since she's a 'special case', " in-emphasize niya sa nakakainsultong paraan yung salitang special case..

" kaya na-late siya mag start sa klase natin. Kindly assist her on the lessons she missed.. " tiningnan niya lang ang mga kaklase niya. Nasa mukha ng mga ito ang halo-halong emotion na di niya maintindihan.

" you can seat beside Ms. Samonte.. " tukoy nito sa isang bakanteng seat sa may bandang likod. Paglapit naman niya sa upuan, doon niya nakilala ang seatmate niya..

" Mika!?" Eto yung girl na tumulong sa kanya kahapon! Classmate niya pala ito.. Pagtingin niya sa likod nito, nandoon naman si Narisse..

" classmates pala tayo! " excited na sabi ni Narisse.. " grabe, di namin akalain na dito ka din pala sa klase namin mapupunta.. "

" mabuti pala at dito ako napunta, at least may mga kaibigan na ako.. " tuwa kong sabi.

" sige, maya sabay tayo mag lunch ha! " yaya ni Narisse sa akin.

" sure! "

Ayon nag start na ang klase.. Pero nasa isip pa din niya yung inasal nung teacher nila.. Weird...

LUNCH TIME..

Tumunog na ang bell... Yehey, lunch time na. Niyaya ako nila Narisse at Mika sa cafeteria. Dun na daw kami bumili ng Lunch.. Pagdating namin, dun kami umupo sa may bandang gilid malapit sa entrance nung pinto. Excited si Narisse at Mika na magpunta dun kasi yung cafeteria daw, halo yung college at highschool students na kumakain dun,kaya nagkikitaan daw yung mga estudyante.

Nawindang ako pagdating namin dun. Ang dami ngang estudyante pero dahil malawak yung lugar, sobra pa yung mga upuan. Pagpila naman nila, nga-nga siya sa presyo ng mga pagkain.. Sobrang mamahal..

' grabe, may ginto bang halo yung mga pagkain ng mayayaman? ' parang nanghinayang tuloy siya bumili. ' sana pala, nagdala na din ako ng baon. Hay naku, pero ok lang. Pipili na lang ako ng mura. '

Pumili na lang siya ng isang hotdog sandwich tsaka juice. Combined brunch na niya yun.. As in breakfast at lunch. Pagkabayad niya, naghihintay na yung dalawa sa table nila..

Habang kumakain, may napansin siya. " girls, anong meron dun? " turo niya sa gitnang part ng cafeteria.

Medyo elevated kasi yung gitnang part tapos may hagdan na 3 steps ang taas. Sa taas may dalawang bilog na table at may mga estudyante na halong highschool at college.. Na curious siya kasi napansin niya na yung tingin ng mga estudyante doon lahat naka tutok.

Tiningnan din ng dalawa yung tinuturo niya. Si Mika na yung sumagot sa tanong niya..

" ahh ayon ba? Ang tawag doon Royal Table. Doon umuupo ang mga Elite students from both the highschool at college department. Required na sikat ka para maka sali dyan. At isang malaking priviledge na mapasama ka sa Royal Table dahil makaksama mo ang crem of the crop.. Meaning those that possess money, brains, beauty and fame.. "

" ang sosyal naman pala.. Sino ba mga andyan? " kaya lang parang discriminating. Pero bago pa man yung dalwa makasagot mAy umugong nang mga tilian at bulungan sa buong cafeteria. Yung tipong nag pass the message yung mga estudyante.. Pagtingin niya sa entrance ng cafeteria,....

' The Shadows?! ' parang mga prinsipe ang mga ito nang mag entrance..habang sa tabi ng mga ito, may entourage ng mga girls.. Humahangin pa sa paligid tapos sige tilian yung mga fans nilang estudyante. Kumakaway pa nga ang mga ito sa mga tumatawag ng mga pangalan nila. maliban syempre kay Rohan na abalang nakikipag usap sa isang mukang dyosang babae.. Doon na focus ang tingin niya saka Dumako naman ang tingin niya sa mga kasama nito. ' bakit kaya parang pamilyar ang mga babaeng ito sa kanya? '

Pagdaan ng mga ito sa kanya.. Tiningnan lang siya ng mga ito. Pero yumuko siya kasi baka may makahalata. Doon naman tumili yung dalawa niyang kasama.. ' aba't fans din ang mga ito? '

"Grabe.. Tumingin dito ang The Shadows! Omg! Kill me now! " sabi ni Narisse.

' kill agad? ' sa isip-isip ko naman.

" ang gagwapo talaga nila.. Haayyy.. " comment naman ni Mika.. " by the way Luna, ang bandang The Shadows ang No. 1 dito.. Sila ang pinaka sikat sa buong campus.. "

" ahh.. Talaga? " Patay-malisya kong sabi.. Kasi mas interesado akong malaman kung sino yung entourage ng mga ito. " sino nga pala yung mga babaeng kasama nila? "

" hay naku.. Sila yung taga ALPHA LADIES.. Isang sikat na sorority ng mga mayayaman.. Tapos nakikita mo yung babaeng mahaba ang buhok nA may higlights? " tukoy nito sa babaing kausap ni Rohan.. " ayon yung Leader nila.. Si Dara Mia De Vega, yan ang tinuturing na Queen Bee dito.. Pero masama ugali niyan., as in.. Lalo na sa mga tulad nating simpleng students lang.. Kaya ingat ka sa kanila.. "

Hmm.. Iba pala talaga ang level ng mga ito.. Higit niya ngayong naiintindihan yung gusto ng mga ito na walang makakaalam na close niya ang mga ito.

Habang nagkukwentuhan silang tatlo, may lalaking college student na lumapit sa kanila at may bitbit na tray ng pagkain. Nagulat naman sila at tumingin rito.

" uhm, girls, excuse me, sino sa inyo si Luna? " tanong nito.

'Huh? ' kilala niya ba ito? Bakit alam pangalan niya? " kuya, ako yun.. Bakit? " tanong niya nagtaas pa ng kamay, parang recitation lang..

"Ahh, may nagpapabigay... " sabi nito saka inabot yung tray sa akin. Pagkatapos nun, umalis na ito agad..

' kanino naman galing to? Di ko man lang natanong.. '

Excited yung mga kaibigan niya kung ano laman. Pagbukas, may steak, vegetable salad at brownies ito.. May kasama din na ice tea. Shock siya. Naramdaman niya na nag vibrate yung phone niya.. May nagtext sa kanya!

From Rohan: why aren't you eating much? Be sure to finish all of that..

Ayyiieeeee...., medyo kinilig naman siya.. Anu kaya yun? Nagpapahatid pa ng foods para sa kanya.. Tiningnan niya ito mula sa pwesto nito.. Saglit itong tumingin sa kanya saka tinuloy makipag usap sa katabi nito...

Inaasar naman siya ng mga kaibigan niya at pinipilit siya kung sino yung nagpabigay.. Sagot nalang niya.. " edi yung mystery man ko.. "

----------------------------------------------------------------24

Princess of the BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon