"Pwes sayo na laklakin mo, saksak mo na rin sa puso mo kung gusto mo." Sabi ko at inis na inirapan siya, pa stay with me stay with me pa siyang nalalaman, suntukin ko mukha niya eh."Just kidding." Aniya kaya naman tinignan ko siya ng masama.
"Well wag kang magbiro gayong seryoso ako." Sabi ko at inirapan siya bago tuluyang naglakad paalis.
***
Nagising ako gawa ng sinag ng araw, walang pasok ngayon kaya naman wala akong mesyadong gagawin. Wala akong pasok ngayon dahil every Sunday and Thursday ang pasok ko.
Naligo lang ako ng saglit para bago ako lumabas, pupuntahan ko si Zedd para gumala. Gusto ko kasi may kasama para hindi namna loner diba? Ang sagwa kayang tignan kung mag isa kalang.
Nakailang katok pa 'ko sa pinto niya pero wala talagang sumasagot kaya naman nabanas ako at sinipa ko ng malakas ang pader pero ang huli ay ako rin ang nasaktan.
Dahil sa inis ko ay sinuntok ko naman ang pader pero ako nanaman ang nasaktan, para akong tanga ditong sumisipa sa pader pero ako lang ang nasasaktan, wait dipa ko nakakagante eh!
Inipon ko na ang lahat ng lakas ko at susuntukin ko na sana ang pader ngunit may nagsaliya kaya nanatiling naiwan sa ere ang kamao ko.
"Tumigil ka na dahil ikaw lang ang masasaktan sa huli." Kilala ko kung kaninong boses yon kaya napalingon ako at dahil sa inis ko ay siya ang sinuntok ko. Hindi pa naman ako nakakaresbak sakanya sa ginawa niyang paghalik diba?
Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero inirapan ko lang siya at naglakad na palayo. Tinatawag niya pa 'ko pero hindi ko siya pinansin. Bwisit siya peste.
Dahil wala akong mapupuntahan ay pumunta nalang ako sa music room.
Natigilan ako sa pag pasok sa loob non ng may marinig akong kumakanta, maganda ang boses kaya naman sa kagustuhang makita kung sino ang nakanta ay pumasok ako.
Natigilan ako ng makita ko si Alexander na nag pipiano habang nakanta, ang ganda pala ng boses siya sa totoo lang. Nakakahumaling Lol.
Pero ang tanong........Ay bakit nakapunta siya agad rito? Eh kanina lang tinatawag niya pa 'ko, Bampira yata to eh! Ang bilis! Ano siya may magic na kayang mag teleport? K.
Natigilan rin siya sa pagtugtog at tumingin sakin pero saglit lang yon dahil pinagpatuloy niya ang pagtugtog at pagkanta niya.
Nalatulala langa ko sakanya habang kumakanta siya pero dahil may gagawin nga pala ako ay agad akong lumabas ng music room. Makikisabay pa sana ko sa kanta eh, pero may pupuntahan ako.
***
Umabot ang gabi na wala akong nagagawa kaya naman dahil sa inip ko ay umalis ako ng dorm dahil gusto kong gumala o maglakad sa labas. Kahit nakakasuyang tignan na maglakad mag isa ay pipilitin ko ang sarili ko dahil wala akong choice. Kanina ko pa hindi nakikita si Zedd, ewan ko ba kung saan nag sususuot yung babaeng yon.
Dinala ako ng paa ko sa labas ng University, madilim na kaya wala ng mesyadong tao. Patuloy lang ako sa paglakad. Napatingala ako habang naglalakad, Full moon pala.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong gubat, maliwanag dahil sa buwan kaya naman dahil sa curiousity ko ay pumasok ako sa gubat. Bahala na ang abs ni Jimin!
Patuloy lang ako sa paglakad kahit puro puno lang ang nakikita ko, walang basahan ng trip pero nag eenjoy ako.
Pasayaw sayaw pa 'ko habang naglalakad, para akong tanga habang feel na feel yung huni ng ibon.
Napatigil ako sa pagsayaw nung may nakita akong bato na shape star. Dahil nga gusto kong inaalam ang lahat pati na ang buong storya ng Bangtan ay linapitan ko yung batong yon. Actually malaki siya at parang sinadya yon. Pero sino namang tanga ang maglalagay ng ganyang klase ng bato sa gitna ng gubat?
BINABASA MO ANG
The other world: The beginning (BangPink #1)
Vampire(tagalog story) Zoe Alexandrei Ashton isang simpleng babaeng naulila na sakanyang mga magulang. Ang walang kwentang buhay nya ay napalitan ng napakasaya ngunit misteryoso nang magaral sa sa BlueStone Academy. Abangan... ps. vampire story po ito The...