"Malungkot ka parin ba dahil sa nangyari nung nakaraang linggo? Yung pumasok sa portal?" Tanong ni Rosè pero hindi ako sumagot, nanatili akong nakayuko at tikom ang bibig.
Bakit kahit anong effort ko ay ganon pa din? Nakagat ako, nag kasugat ako at nagkanda bali bali ang mga buto ko pero bakit ganon? Bakit walang puntos ang nakalagay sa card ko. Ini-expect ko na tataas kami pero nagkamali pala ako, panghuli pala ang grupo namin.
Ang dami ngang nagalit sakin eh, halos ka grupo ko, yung iba ang sabi ay mesyado daw akong nagmamagaling tapos wala namang puntos ang meron sa card ko.
Di kaya dahil tao ako kay ganon?
"Don't worry, andito lang ako para sayo." Ani Rosè at niyakap ako kaya gumanti rin ako ng yakap.
"Iiyak mo lang yan, ayos lang yan Zoe. Meron pang susunod at trainibg lang to." Sabi niya at sa tingin ko ay ngumiti siya habang yakap ako kaya naman yumakap ako pabalik at umiyak sa balikat niya.
"Ayos lang yan Zoe." Tinapik niya ng mahina ang likod ko. Feeling ko kumportable talaga ako kay Rosè.
"Thank you dahil lagi kang nandiyan sa tabi ko, nung isang linggong to. Yung feeling kong down na down ako pero andiyan ka para sakin. Salamat Rosè."
"Okay." Sabi niya at tinapik nanaman ako ng mahina sa likod ko.
Lumipas ang mga araw at pumasok na ko sa traning, maayos na ang training ngayon. Tinuturuan kami ng mga combat skills at pano ang tamang pag gamit sa mga armas like arrows, guns etc...
Nang matapos kami sa pagtetrain ay umalis agad ako para kitain si Rosè, dahil may usapan kaming sabay kami mag lu-lunch.
Nahinto ako sa paglalakad dahil pakiramdam ko ay may nasunod sakin. Lumingon lingon ako pero wala talagang tao sa hallway medyo natakot ako sa inisip ko na baka may multong sumusunod sakin.
Umiling iling nalang ako para nabura yon sa isipan ko at mabilis na naglakad patungong garden.
"Rosè sorry late ako." Sabi ko ng magkita kami, tumango lang siya at naglalakad na kami patungong cafeteria.
Pasulyap sulyap ako kay Rosè habang kumakain kami dahil pansin ko na ang tahimik niya at parang wala siya sa sarili kaya medyo nagtaka ako.
"Bakit anyare?" Tanong ko sakanya nung matapos akong kumain.
"Eh kasi eh, S-si Seige." Nahihiyang sabi niya,
"Oh anong meron sakanya?" Nakataas kilay kong tanong sakanya.
"W-wala." Sabi niya at tumango nalang ako kahit alam kong may mali.
"Bahala ka." Sabi ko sabay inom nung juice na inorder ko. Nagisip isip ako ng mga positibong dahilan kung bakit nagkakaganyan si Rosè pero napasapo nalang ako sa nuo dahil pakiramdam ko ay mali ang mga naiisip ko.
Habang nakapila kai para sunod sunod na kumuha ng weapon ay naiilang ako dahil sa tingin nung babaeng nag guguide samin.
Aggad akong kinilabutan ng maisip ko na baka alam niyang tao ako, agad akong umiling dahil sa mga negatibong bagay na naiisip ko.
"Anong iniiling iling mo diyan?" Agad akong nabalik sa huwisyo, ako na pala ang pipili.
Tinignan ako nung babae mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo ulit at umirap.
Pinili ko nalang yung dalawang pares ng baril dahil mas master ko ng gamitin 'to kesa sa iba. Paalis na sana ko pero agad din akong napatigil ng magsalita siya.
"Mabubunyag din ang pinakatatagong sikreto mo." Agad akong napalingon ng mag salita sita.
"H-huh?" Tanong ko pero ngumiti lang siya, mala demonyong ngiti to be exact.
Pumikit muna ko at huminga ng malalim bago ako naglakad papaalis don.
Sumunod ako sa mga naglalakad din patungong gubat.
Bored akong pumila sa pila ng mga grupo ko, nakita ko pang sumulyap ng tingin sakin si Jane sabay irap. I guess she really hate me, simula nung pumasok kami sa portal pag kaalis namin ay ganyan na siya, I mean silang lahat na tinulungan ko.
"All you have to do is Kill all the wolves na makikita niyo, Isang patay ay katumbas ng isang puntos. At kung sino man ang may mataas na puntos na nakuha ay siyang maglelevel up." Pagka-announce na pagka-announce ay agad na kaming pumasok sa gubat. Pinasadahan ko pa ng tingin ang iba. Karamihan ay pana ang hawak, meron ring katana at baril pero mas marami ang may hawak ng pana.
Kinasa ko ang baril ko at tuluyan ng tumakbo sa loob ng gubat, maraming bampira ang nagtatakbuhan sa iba't ibang direksyon pero ako ay nanatili lang sa pwesto ko. Nakakarinig na ko ng putok ng baril, sa tingin ko ay marami ng nakarami.
Nakalimutan kong sabihin na napabilang nako sa Tres samantalang si Rosè ay sa dos na. Masaya ako na napasama ako sa Tres pero may parte sakin na nalulungkot din dahil sabi ng mga quatro noon na hindi ko ito deserve. Well I will show them that I really deserve this.
Nakarinig ako ng alulong kaya hinigpitan ko ang hawak sa baril sabay lingon sa likod, dun ko nakita ang mga wolves.
Napamura ako sa isip ko dahil sa dami nila, 5 6 7...Sinimulan kong pagbabarilin ang malapit sa kinatatayuan ko pero parang hindi tumatalab sakanila yon.
Tumakbo ako ng mabilis at tumalon pabaliktad at naglanding ang paa ko sa ulo ng isa sa mga wolf kaya bumagsak yon. Ganon na ba kalakas ang sipa ko?
"6 more to go." Sabi ko at tumakbo bago humarap sa likod at naghintay ng pagdating nila. Ng mapansin kong nakakalapit na sila ay agad akong pumadausdos sa ilalim ng isa sabay baril sa tiyan at leeg niya.
"5 more to go." Sabi ko sabay baril sa mata ng mga wolf, napangiti naman ako ng saktong sa mata nga yon tumama.
"Dapat papa pana ang kinuha ko." Dismayadong sabi ko dahil sa tingin ko ay may lason ang palaso ng pana.
Pinagbabatil ko lang ang mga wolf habang tumatakbo paatras. Habang umaatrad ako ay hindi sinasadyang napatid ako kaya napahiga ako sa lupang may tuyong dahon.
Nang makita kong dadambahin nako ng 3 wolf na natitira ay pumikit nalang ako dahil kahit umusad pako ay madadamba parin ako. Naghihintay ako ng may dumamba sakin pero nagtaka ako dahil wala.
Natagpuan ko nalang ang tatlong wolf na nakabulagta sa lupa at may napansin ako sa gilid ko na naka itim na cloak, nakaharap siya sakin pero tanging bibig lang ang nakikita ko.
"S-sino ka?" Kinakabahang tanong ko, ang bigat ng nararamdaman ko parang ang lakas ng presensiya niya kaya nagsimula na kong kabahan.
"Nice seeing you again, Zoe." Sabi niya at bigla nalang nawala. Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko. Sino siya at bakit niya ko kilala? At ang mas nakakapagtaka ay pamilyar ang boses niya.
🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄
MATATAPOS NA PO ANG BOOK 1, ewan ko pero mesyado kong minamadali hahahaha ang ganda kasi ng plot for book 2 eh. Atsaka dalawang istorya ang magiging sa book 2.
BINABASA MO ANG
The other world: The beginning (BangPink #1)
Vampire(tagalog story) Zoe Alexandrei Ashton isang simpleng babaeng naulila na sakanyang mga magulang. Ang walang kwentang buhay nya ay napalitan ng napakasaya ngunit misteryoso nang magaral sa sa BlueStone Academy. Abangan... ps. vampire story po ito The...