"Bakit kinikilig ka diyan? Muntanga ka." Simula nung umuwi si Rose kanina ay ganyan na siya, parang tanga.
"Ihh kasi naman eh." Napasalampak ako sa noo ko dahil kanina niya pa sinasabi yan.
"Ano nga?!"
"Halika dito." Sabi niya at hinila ako kung saan hanggang sa makarating kami sa kwarto niya at pinaupo niya ko sa kama, umupo naman siya sa harapan ko.
"Kasi kaninang umaga diba andito sila? Nasakwarto ka non eh. Tapos nung hapon na hinigit niya ko kung saan tapos boom! Hinalikan niya ko tapos non...tapos tapos tapos Kyaaaaah." Dahil wala akong maintindihan sa sinabi niya ay binatukan ko nalang siya sa inis
"Diretsuhin mo na kasi gaga, hindi yung paligoy-ligoy ka pa! Wala ka sa teleserye." Sabi ko saka siya inirapan, mesyado siyang pabitin eh.
"Pag kauwi non yun na, naging kami na kyaaaah! Akalain mo yon. Siya yung first boyfriend ko." Sabi niya na kinikilig.
"Ah." Yun nalang ang nasabi ko dahil wala na talaga kong masabi.
Kamusta na kaya siya? Si Zedd?
"Ang haba haba ng sinabi ko tapos 'Ah' lang sasabihin mo." Sabi niya pero tumango nalang ako.
"By the way, naayos mo na yung gamit mo? Bukas na tayo ng gabi pupunta don. Matututo rin tayo oag dating sa pakikipaglaban." Isa pa yang palaisipan sakin eh, Bakit pakiramdam ko may balak sila samin?
"Teka nga, Bakit nga pala sa Quatro ka napasama?" Tanong niya pero nag kibit balikat lang ako, Wala eh. Yun yung nakatadhana sakin.
"At bakit wala ka sa kwarto mo kanina nung hinahanap kita?"
"Nasa labas lang ako, wag kang OA." Sabi ko at inirapan nanaman siya pero pasimple lang.
"Bukas na ng umaga ko aayusin yung gamit ko." Sabi ko at humiga sa kama niya, ang dami kong naiisip pero alam kong wala namang sasagot sa mga katanungan sa isip ko.
Mababaliw na yata ako sa kakaisip sa mga bagay bagay, kaylangan ko ng kasagutan pero hindi ko alam kung sino ang tatakbuhan ko para humingi ng sagot.
"Bahala ka." Sabi niya pero hindi ko siya pinansin dahil tumagilid lang ako ng higa. Naramdaman ko namang lumubog ang side ng kama kaya siguro ay humiga siya sa tabi ko.
"Magiging ayos rin ang lahat." Sabi niya at niyakap ako, Mabait na kaybigan si Rose, matulungin at maintindihin kaya alam kong hindi mahihirapan si Seige sakanya.
Baka nga si Rose pa ang mahirapan kay Seige eh.Minsan nga naisip ko kung magpakita nalang kaya ako no? Magiging ayos ba ang lahat? Pero tuwing sumasagi sa isip ko so Alex ay nalulungkot ako. Bakit kaya? Posible bang nahulog na rin ako sakanya? Pero hindi eh. Saglit lang kami nagkasama, hindi naman pwedeng mahulog ako agad noh?
BINABASA MO ANG
The other world: The beginning (BangPink #1)
Vampire(tagalog story) Zoe Alexandrei Ashton isang simpleng babaeng naulila na sakanyang mga magulang. Ang walang kwentang buhay nya ay napalitan ng napakasaya ngunit misteryoso nang magaral sa sa BlueStone Academy. Abangan... ps. vampire story po ito The...