Epilogue

607 21 9
                                    

Hi I just want to say thank you sa mga nag basa at sumoprta, alam kong sobrang bagal ko mag update pero andiyan parin yung mga readers na humihingi ng update. Samantalang ako ay nakalimutan na yung mga characters at plot.

So 2 years na tayo nga besh hahaha. Grade 7 ako nung first na sinulat ko ito and grade 9 na ako ngayon, and yupp sinakto ko talaga.

And as you can see, this story is an open ending.

Hope you're not gonna hate me.

○○○

Hundred years ago...

Nakangiti siya habang nakatingin sa repleksiyon sa salamin, sa wakas dumating na ang araw na hinihintay niya. Hindi mapakali at panay ang ngiti... iyan ang kanina niya pang ginagawa.

Ngunit may mga bagay na bumabagabag sa isip niya, ano kaya ang mangyayari katapos ng araw na ito. Magiging masaya kaya siya...sila?

"Anak, hindi ka pa ba mag aayos? Masamang paghintayin ang mga bisita." Nakangiting turan ng kakapasok na nanay niya.

"Eto na nga po ina." Sabi niya at dali daling kinuha ang kolorete sa mukha ngunit nalaglag iyon. Agad siyang dinaluhan ng kanyang ina sa pag ligpit ng nabasag na kolorete.

"Bakit pa kasi ikaw ang nag aayos sa sarili mo? Marami diyang bihasa anak." Nag aalalang sambit ng kanyang ina.

"Hindi na kaylangan ina, kaya ko na po ito at saka mas gusto kong ako ang mag ayos sa sarili ko sa araw ng kasal ko." Matamis na ngiti ang iginawad niya sa kanyang mapupulang natural na labi.

"Hindi mo na kaylangan ng kolorete sa iyong mukha anak ko, napaka ganda mo na." Malambing na sabi ng kanyang ina at dali dali siyang niyakap.

"Madali ka at may aayusin lang ako sa baba." Ani ng kanyang ina at mabilis na bumaba.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa salamin. Sa ika sampung pagkakataon, napaisip nanaman siya.

"Ikakasal ako sa isang Diyos, ano ang magiging buhay ko pagkatapos nito." Tanong niya sa sarili at sa pagkakataong iyon, biglang bumalik sakanya ang ala ala nila. Kung paano sila nagkakilala at nag sama noon.

Ngunit alam niyang hindi kaaya aya sa paningin ng ibang nilalang na ikasal ang Diyos sa isang diawata. Dahil sa mata ng iba, uri sa uri. Lahi sa lahi.

Ngumiti siya sa harap ng salamin at tumayo upang kunin ang kanyang puting manipis na bistida. Napangiti siya ng nasoot na niya ito, talaga namang maganda. Kinuha niya ang bulaklaking at inilagay sa kanyang ulo.

Huminga siya ng malalim bago bumaba, wala ng tao sa baba dahil ang lahat ay nasa labas na. Nang nasa tapat na siya ng pinto ay bigla siyang kinabahan dahil ito na ang araw ng kanilang pag iisa, ito na ang araw na magiging mag asawa na sila.

Binuksan niya ang pinto at sumalubong sakanya ang dami ng uri na nakatingin sakanya. Kahit gabi at kitang kita ang lugar dahil sa mga magagandang ilaw na uri nila. Habang nag lalakad ay sumasayaw ang kanyang napaka habang abong buhok.

At sa gitna ng kanyang paglalakad, nakita niya sa unahan ang lalaking pinaka mamahal niya. Si Aegus, ang Diyos ng kalawakan. God of the Galaxy.

Nang makarating siya sa unahan ay naglahad ng kamay ang lalaki na siyang tinanggap niya. Nagtama ang kanyang mata sa lilang mga mata ng lalaki.

Mahal na mahal kita Alena       
Anito sa kanyang isip na siyang mabilis niyang tinugunan.

"Mahal na mahal di-----" hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin ng biglang kumukog ng malakas. Ang mga puno ay nag sisi tumbahan, ang mga nilalang ay nagkakagulo at ang hangin na sobrang lakas.

"Ang propesiya." Ani Aegus at naging puti ang mga mata nito. Bigla siyang nataranta at hindi alam ang dapat gawin. Dumudugo na ang ilong nito, dali dali niyang pinunasan iyon ngunit napa atras siya ng mahawakan niya ang balat nito na sobrang init.

"ALENA." Tawag ng kanyang ina, napalingon lingon siya sa paligid at nakita ang kanyang ina na nadaganan ng isang puno. Dali dali siyang tumakbo dito at pilit tinutulak ang puno. Panay ang lingon niya sa lalaki at nakita niya itong naka handusay. Agad siyang nataranta at gamit ang buong lakas ay nagawa niyang itulak ang puno. Niyakap siya ng kanyang nanay at gumanti siya ng yakap ngunit agad ding kumalas upang daluhan si Aegus.

Gusto man niyang hawakan ay hindi niya magawa dahil sa sobrang init ng katawan nito. Nag simulang pumatak ang kanyang luha.

"Pagkakamali." Huling salita na lumabas sa bibig nito bago tuluyang masunog at maging abo.

Hinagpis ang kanyang nararamdaman, sobrang sakit sa pakiramdam na parang gusto na niyang mamatay.

Parang sumasabay ang malakas na ulan sa pag durusa niya dahil saksi ito kung paano siya humagulgol.

Ang panahong pinag bubuntis niya ang kanilang nagiging anak.

Pagkatapos ng isang taon ay iniluwal niya ang napakagandang babae na nag pinangalanang Ellena Rihanne, isang kalahating diwata at kalahating diyos.

Ilang buwan matapos niyon ay pinagka sundo siyang ipakasal sa magiging hari na siyang mahigpit niyang tinanggihan ngunit ano nga ba ang magagawa niya kung hindi wala.

Masasabi niyang sapilitan ang kasalang nagawa, dahil kung hindi siya mag papakasal ay buhay ang kapalit. Gabi gabi siyang pinag sasamantalahan ng kanyang asawang hari na ang tanging magagawa nalang niya ay umiyak dahil sa iba ang mahal niya, at ang mahal niya ay wala na.

Ginawa niya ang lahat upang makahanap ng lunas sa pag kawala ng mahal niya at nalaman niyang namatay ito sa isang pag kakamali at muling mabubuhay kung muling magkakamali ang propesiya.

Lihim siyang nagpatawag ng pagpupulong upang isagawa ang kanyang plano. Wala siyang paki alam sa kanyang pamilya dahil ang lalaking mahal lang niya ang nasa isip niya.

Ang kanyang buhay ang kapalit ng kanyang makasariling desisyon kung saan muling magkakaroon ng pagkakamali ang propesiya na siyang bubuhay muli sa kanyang mamahal na lalaki upang sirain ang propesiya.

At sa oras na masira ang propesiya ay tuluyan siyang mabubuhay muli at tuluyan nilang sisirain ang mundo para sa kanilang pag mamahalan.

                -----The End-----

🎉 Tapos mo nang basahin ang The other world: The beginning (BangPink #1) 🎉
The other world: The beginning (BangPink #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon