Napangiti ako ng makababa ako sa veranda, 5:10 na at ilang minuto nalang ay magsisimula na ang event tatakbo na sana ko papalayo ng may marinig akong sigaw kaya napailing nalang ako, nahuli ako."Payback time bitch." Sabi ko at sinuot ang hood ko bago ako tumakbo palayo, narinig ko naman siyang nag sisisigaw dahil sa ginawa kong pagsunog sa dress na susuotin niya ngayong ball, bagay lang sakanya yan.
Hingal na hingal akong umakyat sa veranda ng kwarto ko bago ko binuksan ang sliding door at pumasok, padapa akong humiga sa kama. Napagod ako don at medyo kinabahan na rin.
Nakarinig ako ng mga pag katok sa pinto kaya padabog akong tumayo sa pag kakahiga at padabog na binuksan ang pinto.
"Ano?!" Inis na bulas ko pagkabukas ko ng pinto. Bumugad sakin ang naka ayos na na si Rosè. She look stunning with her above the knee white dress paired with heels.
Dare daretso siyang pumasok sa loob kaya napataas ang kilay ko.
"Ba---"
"Zoe anong susootin mo niyan? Ilang minuto nalang oh? 5:30 na. Maligo kana." Aniya kaya napaisip ako. Yung dress na dapat ay susootin ko ay sinira nung babaeng masama ang tingin sakin last nung pumasok kami sa portal. Kaya kanina ay sinunog ko ang kanya.
"Marami pa naman akong damit diyan, or maybe di na ko a-attend at matutulog nalang ako dito."
"What?! No!?" Sabi niya at tumayo sa pagkakaupo sa kama ko at sapilitan akong ipinasok sa loob ng banyo kaya wala na kong nagawa, padabog kong sinara ang pinto ng banyo at nag simulang maligo.
Pagkalabas ko ng banyo ay wala na si Rose kaya nag simula na kong mag-kalkal ng damit na isusoot ko sa aparador.
Isusoot ko na sana ang black na dress kaso may kumatok kaya binitawan ko yon at pinagbuksan ng pinto ang sino mang kumakatok.
Bumugad sakin si Rose na may hawak namalaking box, linakihan ko ang pag bukas ng pinto para makapasok siya.
"What's that?" Tanong ko, nilapag naman niya yon sa kama ko at humarap sakin.
"I don't know, may nag doorbell lang tapos pag bukas ko ng pinto nakita ko yan, may letter nga oh. To Zoe daw." Nagtataka naman akong lumapit doon dahil sa sinabi niya, kinuha ko yung Card na may nakasulat.
To Zoe,
See you soon
Bigla naman akong nagtaka kaya binuksan ko ang box at tumambad sakin ang isang pulang tela, kinuha ko naman yon at pinagmasdan.
Lumingon naman ako kay Rose na naguguluhan sa nangyayari, sino ang nag pabigay neto?
"Wow, I think yung nagpapabigay niyan ay pinapasuot yan sayo." Aniya.
"Oo nga, parang ganon na nga. No, ganon na nga." Sabi ko pero inilapag ko pa ang gown sa kama.
"Sino naman ang magbibigay niyan sakin? Isa pa ang mahal yata niyan eh."
"Oo nga, kaya isuot mo na. Sayang effort nung nagpapabigay niyan." Sabi niya kaya tumango nalang ako at isinuot yon, nahirapan pa nga akong mag suot eh, tinulungan pa ko ni Rose.
"Rose, ang bigat naman neto, pano ako makakakilos ng ayos mamaya? Lalo na't may surprise pa na nakakaba?" Kinakabahang tanong ko pero ngumiti lang siya.
"It will be okay, akong bahala sayo." Nakangiting sabi niya kaya tumango nalang ako, pinaupo ako ni Rose sa harap ng salamin at inayusan.
Messy bun ang ginawa niya sa buhok ko at nagustuhan ko naman yon dahil bumagay sakin.
BINABASA MO ANG
The other world: The beginning (BangPink #1)
Vampire(tagalog story) Zoe Alexandrei Ashton isang simpleng babaeng naulila na sakanyang mga magulang. Ang walang kwentang buhay nya ay napalitan ng napakasaya ngunit misteryoso nang magaral sa sa BlueStone Academy. Abangan... ps. vampire story po ito The...