Marahil nagtataka at nagtatanong kayo kung paanong nagkaroon ng mga 'kakaibang' nilalang sa bahay namin.
Pareho lang tayo, naisip ko na rin yan dati. Diba lahat naman may history? Merong dahilan kung bakit naging ganun yung mga bagay bagay.
Yung bahay namin, mejo matagal na siyang nakatayo, mga more or less 1950's. Eversince, wala pang major major changes sa bahay na yun.
Sa likod bahay dati, bakanteng lote lang. May mga puno ng saging, papaya, yung mangga nga, may langka pa, may kaimito, at kung anu ano pa.
Malapit sa dagat yung bahay namin. Pag nasa bubong ka, kita mo na yung dagat. Dati rin, matarik yung pababa sa likod bahay, tapos dagat na.
Base sa kwento ng nanay ko pati na rin ng mga tito at tita ko na kapatid nya, kapag nagbubungkal daw sila ng lupa dun sa likod para magtanim ng kung anu ano, nariyan yung may mahuhukay silang mga medals, helmets, etc. Paano nangyari yun? Kasi nga, malapit sa dagat. Diba, base sa history, sa dagat dumadaong yung mga mananalakay dati, madalas, dun sila inaabangan ng mga katutubo, dun sila naglalaban.
So ayun. Pero, hindi yun yung dahilan, well, mejo pero not totally.
Sabi ni mama, yung lola daw nila, bale lola namin sa tuhod, mejo weird.
'Babaylan' daw siya. Kaya nyang magpagaling ng mga may sakit, nakakausap nya yung mg hindi nakakausap ng ordinaryong tao, at kung anu ano pa.
May isang pagkakataon daw na nagkasakit yung tita ko. Bata pa sila noon, hindi pa uso yung telepono. Sobrang bagal pa rin ng snail mail. Wala pang internet at email.
E di yun na nga, nagkasakit si tita. Dahil ulila na sila sa ama at teacher lang yung lola ko, walang pera yung lola ko para maipagamot si tita. Hikahos sila dati.
Namomroblema na yung lola ko, kasi nga wala siyang maipagamot sa anak nya.
Maya maya, biglang dumating yung lola nila, nagulat silang lahat. Kasi bihira lang siyang dumalaw dahil nga mabagal pa ang mga bagay bagay dati, kahit transpo.
Tinanong nila kung anong sadya. Ang sagot:
"Nasabi kasi sa akin ni 'chuchu' [hindi ko alam ang pangalan] na may sakit daw ang apo ko. Gagamutin ko."
Sino si 'chuchu'?
Hindi ko rin alam. Yung lola ko sa tuhod lang ang nakakaalam.
Isa daw si 'chuchu' sa mga 'tagabantay' nya.
Yung babae na bantay sa bahay, sabi ni mama, iniwan din daw siya ni lola sa tuhod para magbantay sa kanila, sa amin. Pati yung mga iba pang nilalang na nasa bahay, galing din sa kanya.
Kapag may mga nawawalng bagay sa bahay, yung talagang hindi na mahanap, itatanong lang sa kanya, itatanong nya sa mga bantay tapos sasabihin nya, "Sabi ni ano nandun daw sa may kwan."
Pagtingin dun sa location na ibinigay nya, nandun nga.
Sabi ko nga, sana pati true love pwedeng ipahanap sa nga bantay. :D Diba?
Pero, may mga iba pa ring 'creatures' na nagpapakita dun. May nurse, at kung anu ano pa. Siguro, dahil nga sa may something sa kinatatayuan ng bahay, kaya ganun.
Hanggan dito na lang muna. Next time na lang ulit.
********************************************
BINABASA MO ANG
Kwentong Kababalaghan
ParanormalThis contains stories that happened in real life. It happened to me, or to my relatives. I am not forcing you to believe them. Basahin nyo na lang them be the judge. :D