Chapter 18

53 5 3
                                    

Chapter 18 : white flower

7:00 pm

" mia mia! Gising .Bumangon kana diyan mag cacamp fire tayo mamaya. Saka pala ay kumain kana muna . ikaw nalang kasi ang hindi nakakain ."  pukaw ni chrysller sa kin.

Sorry ahh? Nakatulog kasi ako. Sige mauna kanalang chrysller. Gutom na gutom kasi ako ehh. Kakain muna ako dito.

"Sige,  magkita tayo dun ahh?"

Agad naman lumabas si chrysller sa tent. Kumain naman agad ako .

Miaa...miaa...tulungan mo sila.....

Biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo ng marinig ko ang mga boses na bumubulong sa aking dalawang tenga. Alam na alam ko ang mga boses na yun. Sila ang mga ................pumanaw na mga kaklase ko. Sina lanang at iba pa!

Mia .. Miaa.... Nandito lang kami.....

Parang may kung ano ano ang sumasanib sa akin . Hindi ko maintindahan kung ano ang kailangan nila. Basta ang pakiramdam ko ay gustong gusto nila akong tulungan.Patuloy pa rin ang pagbubulungan nila sa tenga ko na gusto nilang makamit ang kanilang hustisya." Ano ang kailangan nyo? Jeayhan, lanang vian? Kayo ba yan?!!!!!"sigaw ko dahil sa pagkagulo ng isip ko. Hindi ko napigilang umiyak dahil sa takot .

"Miaa mia! Ako to si keziah? " sabi ni keziah na hawak hawak ang aking mga balikat

" nandito sila!"

" sino ang tinutukoy mo mia?"

"Yung mga kaklase nating namatay! Gusto nila tayong tulungan. Gusto nila na mabigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay."

"Mia, ano ba ang pinagsasabi mo ?  Patay na sila!."

Agad nalang akong huminahon dahil baka akalain nila na parang nababaliw na ako. Bigla akong lumabas at pinuntahan ang aking mga kaklase kung saan sila ay nag titipon- tipon para sa gaganaping camp fire.

"Oy mia! Timing ang kadadating mo. Magsisimula na ang camp fire!" Sabi ni charielyn sa kin. Agad ko naman siyang pinuntahan upang makatabi siya.

Agad na nagsimula ang palabas. Nagkantahan ang kaklase namin , ang iba naman ay nag intermission number. At ang pinakaka abangan ng lahat ay yung camp fire. Merong isang alambre na naka konekta sa susunuging mga kahoy. Sinindihan naman ito ni magada , agad dumaloy ang kanyang sinindihan sa alambre papunta sa mga kahoy na pinag sampaw sampaw.

" wow masaya pala ang feeling ng ganito nu?"

" oo nga mia. Teka, first time mo bang mag camping ng ganito?"sabi ni charielyn.

"Hindi yun ang tinutukoy ko . ang ibig sabihin ko ay ang saya pala ng section natin kapag magkakasama." Habang kami ay nag uusap ay pinagmamasdan namin ang maraming kahoy na pilit nilalamon ng apoy.

"Tama ka nga mia, pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa ganitong panahon ay hindi na talaga makakapagtiwalaan ang mga taing napapalibutan mo. Ang iba ay nagpaplastikan lang  at kapag tumalikod ka ay sinasaksak kana pala . "

"Alam mo cha, natatakot na ko sa mangyayari sa atin dito. Lalo na malayo pa tayo ."

" kaya natin to mia, alam kong malakas kang tao. Alam ko na salikod ng mia na nakilala ko ay hindi ang basta maaapi nalang, kundi yung mia na walang kinakatakutan at handang harapin ang mga hamon ."

Biglang naudlot ang aming pag uusap "Oh cha , tapos na pala ang camp fire. "

" mia, district 4 ka pala nu? Sayang malapit na sana . 5 kasi ako ehh"naghihinayang na sabi ni charielyn habang kaminay naglalakad."

"Oo 4th district ako, . sige punta nako dun ."

" oh sige , ako di naman eh . Baka hinihintay na nila ako dun." Sabay ngiti ni charielyn. Kitang kita sa kanyang mga mukha na masayang masaya ito.

Agad ako lumakad . Papalayo na ako kay charielyn ng biglang nakaramdam ako ng malamig na daplis ng hangin ,dahilan ng pag tindig ng aking mga balahibo. Diretso direstso lang ako hanggang makapunta ako sa tent namin at agad pumasok. Nagsasayahan na naman sila. Habang ako ay out of place dahil siguro na hindi ako masyadong expose sa mga tao. Nilapitan ko nalang si chrysller pero isang makahulugang tingin ang binalik niya sa kin. " bat , hindi niya ako pinansin? Baka siguro kanina. "Gusto niya kasi na magkatabi kami araw araw,pero kay charielyn ako tumabi. Pumunta nalang ako sa higaan ko at salamat na sa dulo ako . humiga ako at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

7:00 am

Bigla akong nagising dahil sa sigawan at tawanan na naririnig ko sa labas. "Teka, ako nalang mag isa sa tent" agad ako lumabas para tanawin kung ano nga ba ang ginagawa nila. Sila ay naglalaro ng tagu taguan. Agad may tumawag sa akin , si charielyn.

" mia halika dito, laro tayo!" Sigaw ni charielyn sa akin habang nagtatago sa likod ng puno.

"Sige lang, kayo na lang ."

"Sige na mia! Sumali kana please??." Sabi ni novelyn

"Sige na nga! " agad naman akong sumali sa kanila . sige magtago na kayo dahil magbibilang na ako dito, agad ko naman pinikit ang mga mata ko" 1,2,3,4" hanggang sa umabot na ako sa 50 . Pagkatapos nun ,binuksan ko na ang mga mata ko. Wala akong naririnig ,tanging tunog lang ng ibon ang naririnig ko.

mia... Mia...tulungan mo sila....

Agad tumindig ang aking mga balahibo dahil sa hangin na dumaan sa akin. Parang may kaluluwang dumaan sa harapan ko. Dahil sa sobrang takot ay napapikit agad ako. Pagbukas ko ng mata ko ay nakita ko silang lahat na tumitingin sa akin. Puro dugo dugo ang kanilang mga itsura. Nakita ko sila ,ang isa ay may itak sa ulo na naka ungot at ang dalawa ay kinuha ang kanilang mga mata, at ang mas masahol pa dun ay nakita ko ang sarili ko sa ibabaw ng puno na nakasabit at puro saksak ang aking ulo at katawan. Bigla niyang binuksan ang mga mata niya. Parang galit na galit ito sa akin.

"Mia ! Ano ba yan, kanina pa kami nagtatago dito . tapos nakatulala ka lang pala diyan?"sabi ni april .

Agad naman akong nabigla . "teka nakatulala pala ako? "Sabi ko sa sarili ko habang gulat na gulat pa rin sa mga nangyari at nakita ko kanina.

"Total ang boring ng ginagawa natin . mag volleybalk nalang tayo!"sigaw ni jonil sa amin.




novem-penteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon