*** guys ! Again reminders hindi na po ito mala dialogue . iibahin ko po to . mala paragraph na po ang gagawin ko dito dahil marami ang nag susuggest. Thank you po***
Chapter 15 : prepare the coffin
Lahat ay nagsiuwian na sa kani kanilang kwarto para mag impake ng kanilang mga gamit bukas.
"Patrick ! Prepare mo na ang dadlhin mo bukas . kaysa magbasa kalang diyan ng magbasa." Sigaw ni justin kay patrick na abalang abala sa paggamit ng laptop.
" di ako nagbabasa ng wattpad dito nu. Nag search ako dito kung saan matatagpuan ang pupuntahan natin bukas." ani naman ni patrick
"Teka ano nga bang lugar ang pupuntahan natin bukas? Nakalimutan ko kasi eh" tanong ni bernard na parang curious na curious kung saan ba talaga.
" nakalimutan mo na agad? Yan kasi ,masyado na kasing marami ang naiinom mong kape sa isang araw. Sobra ka pa sa matanda kung uminom." Singit naman ni justin
" sa rose cliff hills ang pupuntahan natin bukas nard! Nag search ako ng mga pictures dito .marami daw mga misteryo ang napapaloob dito." Takot na takot na sabi ni patrick.
" yan kasi sa sobra mong panonood ng horror movies diyan ay halos lamunin ka ng takot sa utak mo!" Seryosong pagkakasabi ni justin.
Agad naman nag impake si patrick . ipanasok niya ang lahat ng mahahalagang gamit sa bag nya.habang si bernard ay abalang abala sa pagluluto at pagpapasarap nito.
" kunin mo nga ang tuyo pat. Baka kasi kung iwan ko to masunog o ma overcooked ang niluluto ko dito." Pakiusap ni bernard kay patrick pero dahil sa abalang abala ito sa pag impake ng gamit ay hindi agad niya ito narinig.
"Pat! Patrick!! Hoy tabatchoy!!!
"Pat ! Kunin mo daw yung tuyo ,dahil busy si bernard sa pagluluto." Sabi ni justin na abalang abala sa pag aayos ng kanyang mga gamit.
" sandali! ... Ano kaya ang tuyo? Ang hirap talaga kapag ang kinalakihan mo ay amerika. Ito na po! " sambit ni patrick
Agad namang kinuha ni bernard ang iniabot ni patrick sa kanya.
"Tang ina !!! Ang bobo mo pat !!!! " sigaw ni bernard kay patrick na kanina pang inis na inis.
" ano naman ba?" Reply ni patrick.
" ang bobo mo talaga, asin to!! "
" tuyo naman talaga yan ehh. Baka ikaw ang bobo ? " mahinahon na sabi ni patrick , pero may konting kaba ang namamayani sa kanya.
Binato ni bernard si patrick sa ulo ,gamit ang kaninang ibinigay na isang garapon ng asin.
" aray!! Ang sakit naman nun!. Parati nyo nalang ako binabato dahil sa kaunting problema ko. Indi niyo alam ang nasa kalagayan na binabato! Alam nyo , tao din ako marunong din ako masaktan! " unting unting lumuha ang mga mata ni patrick dahil sa ginagawa ng kanyang mga kaibigan.
Pero di alam nina bernard at justin na umiiyak na pala si patrick. Nalaman lang nila ito ng marinig nila na parang humihikbi na talaga ang pag iyak nito at agad naman nila ito nilapitan.
" ohh baby boy, bakit ka umiiyak? " mapangharot na tanong ni justin.hindi ito pinansin ni patrick dahil sa palagay niya ay parang wala na siyang puwang dito.
" halika bernard ! Tingan mo ,umiiyak ang piigy boy natin dito. "
Dagdag pa ni justin.Nang matapos magluto si bernard ay agad niya ito pinuntahan , para alamin ang nangyari.
" oh bakit ano ba?" Nakita ni bernard si patrick na talagang umiiyak ito. " oyy sorry na patrick , alam mo naman na joke lang yun eh" dagdag niya.
" hindi ko na talaga kaya ehh ,ok lang kung ang ano ang binabato niyo sa aking salita. Basta wag lang nagkakasakitan ,hindi ko talaga matatanggap yun " sambit ni patrick.
" oyy sorry na! Alam mo naman na mahal na mahal ka namin ,alam mo yan diba? Kaya wag kanang malungkot , gusto pa naman na magbonding tayo bukas ." seryoso na sabi ni justin. Na parang hindi na justin ang nakasanayan na laging nagbibiro .pero ang nasa loob pala nito ay may konting mapagmahal na tao.
" oh bakit parang nag change mode ka ngayon ? Anong nakain mo? Parang hindi pa naman tayo nakakain kanina ehh." Sabi ni bernard kay justin.
" alam mo kasi nard, may konting puso rin ako . hindi ko lang pinaparandam sa inyo . " sabi ni justin na himalang seyosong seryoso ang pagkakasabi...." Oh wag kanang umiyak diyan patrick!." Agad iniabot ni justin ang kanyang kamay kay patrick upang mag shake hands. Iniabot naman agad ni patrick ang kanyang kamay para mag shake hands simbolo ng pagkakaibigan.
" oh panu naman ako ? " tanong ni bernard na kanina pang nag titinginan sa kanila.
" halika ka dito" sabi ni justin at agad nag pile ng kani kanilang mga kamay at nag bilang ng 1 ,2,3 .
" ohh ano pa ang hinihintay niyo diyan ? Tara tsibugan na! " anyaya ni bernard sa dalawa.
Kumain agad sila ,kasabay nun sila ay nagkukuwentuhan at nagkakatuwaan.
10: 49 pm
" oh mag aalas 11 na pala ,tara na sa kwarto" remind ni justin sa kanila.
" mabuti pa nga para maaga pa tayong makaalis bukas ." pagsang ayon ni bernard.
Sa kabilang kwarto naman Kung saan kwarto nila ni chrysller.
Tok tok! Tok! .
" guys kayo na ang mag bukas ng pinto" sabi ni chrysller.
" hay naku kahit kailan matatakutin ka pa rin talaga." Sabi naman ni orlaine na agad binuksan ang pinto.
Hi guys!!!
Agad bumugad sa kanila ang mala diyosang mukha na si julliene.
" magandang gabi queen orlaine ! Tatanungin ko lang sana kung magdadala pa ng tent para bukas." Tanong ni julliene na kaygandang pagmasdan ang mala asong mukha nito.
" ahh.. Magdala ka nalang, at least ready ka " sabi ni orlaine.
" ahh sige bye! " sambit agad ni julliene.
Kasabay nun , agad sinirado ni orlaine ang pintuan at agad bumalik sa kama at humiga .

BINABASA MO ANG
novem-pente
Mystery / ThrillerIsang section na kinalilibutan ng lahat , lahat siguro na magagandang kasabihan na dapat sabihin sa section na Ito ay nandito na, mayaman,maganda,gwapo,matalino,at iba pa. Pero ang masahol ay isang demonyo pala ang gigiba sa section na to ,isang dem...