"Ate ells?!"
Sigaw ko, at tumayo para lapitan sya.
"Finally! Akala ko di mo na ko papansinin."
Sabi neto at sinalubong sya with a hug.
"Bakit di mo ko nilapitan ha? U crazy talaga."
Hinampas nya ko, yaaaan! Diyan magaling si donya,
"Mas baliw ka, eh sa tagal ba naman na nating di nagkita? Almost 1 year na diba without communications talaga. I missed you na!"
At hinigpitan pa nya yakap nya,
"I missed you too, so much!"
Napansin kong nakatingin sya sa banda ni Kat,
"O-"
"Girlfriend mo?"
Tanong nito na ikinagulat ko,
"Luh ka! Pinsan ko yan baliw."
Natatawa kong sabi,
"Akala ko eh pinagpalit mo na si-"
"Bei, di mo ba ko papakilala sakanya?"
Biglang sumulpot sa kung saan si Kat,
"Ay eh, Donya, this is Kat Tolentino my cousin. Kat, this is Ella de Jesus. We call her donya noon sa tropa namin kasi mataray"
Pabulong kong sinabi yung huli pero nakatikim pa din ako ng malutong na hampas.
"Oh, I see. Balik na ko dun Bei ha? Take your time."
Nagpaalam na sya at bumalik sa table namin.
"Wala ka bang nililigawan? In love? Hindi pa din? Hanggang infatuation na lang talaga? Bagal mo kasi kaya nawala sayo si-"
Nagulat ako sa mga tanong ni Donya dahil straight to the point at bigla akong nagsalita para putulin yung sinasabi nya,
"Hindi pa donya, kaya manahimik ka na lang please. Nagmo-move on na ko."
Nanlaki yung mata neto kaya nakaready na tenga ko, tiyak may banat to eh.
"Nagmo-move on? Bakit may pagmo-move on'an ka ba? Naging kayo? Naging kayo? Hindi diba, di mo din naman minahal kamo diba?"
Beastmode agad. HAHAHA!
"Oh ano ngini-ngiti mo diyan?"
Tanong nito habang nakapamewang,
"Wala, cute mo kasi."
Natatawa kong sabi,
"Sira ulo! By the way, saan ka mag study?"
Tanong niya,
"ADLU, you?"
Tinaas nya yung isang kilay nya,
"Adluyu? May school ba na ganun dito?"
Tanong nito, kaya naman natawa ko ng malakas,
Oops! We're on SB nga pala, Bea quiet.
"Oh bakit ka tumatawa?"Tanong nya na lalong nakapagpatawa sakin,
"Anuba! Stop making me laugh na! I mean I'm gonna study sa ADLU, and I'm asking you."
Unti unting tumawa si Donya na parang baliw at hinampas hampas pa ko,
"Hala ka, may baliw!"
Sigaw ko kaya nagtinginan yung mga tao sa loob, di naman nila maiintindihan eh.
"Huy! Tantado! Sira ulo ka talaga eh."
Kahit maliit to nababatukan ako neto. Hays!
"Kaya ka di lumalaki, batok ka ng batok."
BINABASA MO ANG
Out of the Zone (Jhobea)
Fanfiction"What a waste of life it is, to take the easy path, to never know what it is to risk everything for what you love." says Bea de Leon. The girl who believes that getting out of your comfort zone is where the best things happen. READ, UNDERSTAND, ENJO...