Chapter 2: Stalker

21 2 0
                                    


Maluha-luha na ang mga mata ko dahil sa liwanag ng cellphone ko.

"Ano kaya pangalan niya?" sambit ko habang sinusubukang mahulaan ang pangalan ng lalaking 'yun.

Mark?

Edward?

Jacob?

Elijah?

Wala. Ugh, sumasakit na ulo ko ng dahil dito.

Nagtungo ako sa food area ng kwarto ko para kumuha ng makakain. Oreos at chips lang okay na. Pagbalik ko, may notification na 'ko sa facebook.

"Rye Inigo Pangilinan added you on facebook"

"May kilala ba akong Rye?" sabay pindot sa profile niya.

O M G

Yung lalaki!!!!

"Shit!," Nahulog yung phone ko gaya ng pag-fall ko sakanya. Hindi, biro lang. Ni hindi ko nga 'to kilala eh.

"Hey, thanks for accepting. I'm Rye, your Literature classmate," Ay oh? Kaklase ko 'to?

"Hi. Parang 'di ata kita nakikita?" Truth. Kahapon ko lang 'to nakita.

"Ah, that's because kalilipat ko lang sa school niyo. Uh, I know this is a bit fast, and I know you probably shouldn't trust someone you just met but I really need you to help me."

"Help? What kind?" Ano ba kasi sinasabi neto.

"Well, since I'm new hindi ko pa masyadong kabisado yung in and out ng school. Hindi tuloy ako nakakapasok sa classes ko just because hindi ko mahanap. I would be the happiest if you'd help me," Ah yun lang naman pala. He wants me to tour him.

"Sure. Where will I see you tomorrow?" Mabait ako ngayon eh kaya sige na nga lang.

A normal conversation usually lasts for a couple of minutes, pero what the heck. 5 hours later, hindi man lang naputol yung conversation namin. This Rye guy is really interesting. In 5 hours, ang dami ko ng nalaman tungkol sa buhay niya. He's an only child. He has a complete family. He writes. He plays the guitar, and sings too.

After a while, nakaramdam ako ng antok. "Rye, Inaantok na 'ko. Tulog na tayo."

"Sige Alliah. I'll see you tomorrow?"

"Grabe naman yang Alliah. Liah lang. And yes, I'll see you tomorrow." Sent. Pagbaba ko ng cellphone ko, pinikit ko na ang aking mga mata kasabay ng ngiti sa aking labi.

Chasing RainbowsWhere stories live. Discover now