"Why is my best still not good enough?
Why do I feel like I don't belong?
After all this time, I still think so
Listen to me, this won't be long."
Pagkatapos nun, sinara ko na rin yung journal ko.
Sabi ko kay Rye, Hindi ako papasok pero, papasok ako. Ewan ko ba, katangahan ko din umiiral minsan. Nag-drive na ko at pumasok sa eskwela. Excited na 'kong makita ang reaction niya.
Pagpasok ko sa school cafeteria, naka-rinig ako ng pamilyar na boses, "Oo nga. Kaibigan ko na siya." Rye. "Oh eto, tignan mo pa 'yung picture namin." Teka, picture namin 'yun ah.
"Oh, basta't ang usapan eh isang buwan lang. Na-fall na ba sayo?" sabi ng isang lalaking hindi ko kilala.
Usapan? Isang buwan? Na-fall?
Ang daming katanungan ang bumabagabag sa isip ko.
"Hindi ko alam, hindi pa siya umaamin. Pero alam kong gusto niya ako." Sabi ni Rye.
"Tapos, papaasahin mo't iiwan. Ganun ang usapan."
Hindi ko na nakayanan, hindi ko na kayang pakinggan pa. Parang buong mundo ang bumagsak sakin. Pagpasok ko sa CR, hindi na napigilan ng mga luha kong tumulo.
"Putangina!" sigaw ko. Mas malakas pa ang pag-hikbi ko kesa sa sigaw ko.
Bakit ako pa? May nagawa ba ko sakanya?
Inayos ko ang sarili ko't nag-panggap na walang nangyari.
Tinapos ko ang klase ko na parang wala akong nararamdaman na sakit. Pinapakita ko lang na masaya ako, pero hindi nila alam. Hindi nila alam ang sakit na nararamdaman ko.
Pauwi na sana ako ng nakasalubong ko si Rye. Hinawakan niya ang braso ko sabay ngiti. Oh great.
"Liah? Akala ko ba hindi ka papasok?" tanong niya.
"Well, surprise. Nandito ako, right? So pumasok ako." Galit kong pagsabi sabay ng paghila ko ng aking sarili sa hawak niya.
"Liah wait. What's wrong?"
"Go ask yourself."
"Liah, ano ba! Ba't ba nagkaka-ganto ka? Wala akong ginagawa sayo!" sigaw niya.
Wala na, sabi ko magiging matapang ako pag nakita ko siya. Pero ang hirap pala. Pinipigilan ko pero mahirap, nararamdaman ko na 'yung mga luha na para bang handa ng tumakas sa aking mga mata.
"I'm sorry. I didn't mean to shout. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bat ka nagkaka-ganito."
"Hindi, okay lang. Hindi pa kasi ako umaamin sayo, alam mo naman kasing gusto kita diba? Yun ba ang gusto mong marinig?"
"Liah," ani niya sabay hawak sa kamay ko.
"No. I don't want to deal with people like you." Lumabas na ko ng school grounds pero sinundan niya parin ako.
"I'm sorry, I can explain. Please."
"No, fuck you, Rye. Hindi mo alam kung gaano kasakit lokohin ng isang taong pinag-kakatiwalaan mo ng sobra! Hindi mo alam kaya tumahimik ka!" sigaw ko. "Ano bang nagawa ko sayo ha? Ano bang pumasok sa kokote mo at ako pa ang pinili mong lokohin? After all the shit I've been through, this is what you do?"
Umalis na ko't iniwan ko siya. Ayoko pang umuwi, kaya dumeretso ako sa sementeryo.
Nag-tirik ako ng kandila at kinausap si mommy, "Hi mommy. I miss you."
"Walang araw na hindi kita naisip," tumulo nanaman ang mga luha ko. Ano ba 'to, napaka-iyakin ko.
"Mommy, ang hirap po." Ani ko. "Ngayon na nga lang ako mag-titiwala sa isang tao, sa mali pa. Ganun po talaga, mommy? Bakit ngayon pa kung kelan nagka-gusto ako sakanya?" napatingin ako sa langit, "Bakit?"
"Why do we do the otherwise
We love all those who hurt our being
Why do we think that we could rise?
When all we have isn't worth seeing."

YOU ARE READING
Chasing Rainbows
Teen FictionAlliah Lynelle Kai is a college student trying to find the colors at the end of a dark path called life. On her way, she meets certain people who would either act as a blessing, or a curse. Will she ever find the colors she's been searching for?