Experiment 4

44 3 0
                                    

Cyris' Point of View

Nakatayo lang ako sa pinto habang nagaabang ng mga darating pa.

Naunang dumating si Maam Emy dahil sa pagtawag nila Gracia.

Naiinis ako.

Alam kong umpisa pa lang may mali na. Mula nung pigilan kami ng principal sa paglabas ng nangyari alam ko ng may kakaiba.

May tinatago samin ang principal. Sa tingin ko alam nya kung sino ang pumapatay at ayaw nilang ipaalam.

"Mayor." Mahinang sabi sakin ni mayora na ikinagulat ko.

Tumingin ako sa kanya na katabi kong nakatayo.

"Sa tingin ko may gustong sabihin si Patricia." Sabi nya habang nakatingin sa bangkay ng kaklase naming nilalabas na ng member ng faculty.

Di tulad ng una nyang reaction, naging mas mapagmasid sya at kalmado.

Mabuti ng may tumutulong sakin na alamin ang tinatago nila. Matalino sya kaya sigurado akong madali naming malalaman lahat.

"Mag-usap tayo mamaya." Mahinang sabi ko sa kanya.

Tumango lang sya.

Walang kahit isa ang nakalabas ng room dahil walang kahit isa ang pinayagan dahil sa utos ng principal na padating na.

Inutusan nila kaming lahat na umupo sa mga upuan namin at kumalma.

Ano ba sa tingin nila ang ginagawa nila?

Gusto nilang tumunganga lang kami habang isa sa kaklase namin ang namatay na? At nadagdagan pa ng isa?

Kung kailan magtatapos na ang taon tsaka pa nagkaganito.

Ilang sandali lang ay dumating ang principal.

Umalis ang mga member daw ng faculty, na sa tingin ko mga kakontsaba nilang forensic o kung ano man. Malinis na lahat at walang kahit anong bahid ng dugo.

Naiwan si Maam Emy at ang principal sa harap.

Walang kahit isa samin ang nagsalita liban sa umiiyak na si Angelica at Alex.

"Maam! Ano bang nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Angelica na di mapakali.

"Mga anak, kumalma kayo." Mahinahong sagot ng principal.

"Pano po kami kakalma? Dalawa na po sa kaklase namin ang namatay. Di namin alam kung may susunod pa." Matapang na sabi ni Eugene.

Alam kong nagmamasid lang din sya sa mga nangyayari gaya ng ginagawa ko.

"Wag kayong mag-alala. Kami ang bahala sa lahat." Sagot ulit ng principal na nakatayo sa harap at nakatingin saming lahat.

"Bahala saan? Sa killer? Alam naman naming di nagsuicide si Cherry Ann, at ngayon si Patricia. Tas sasabihin nyo na kayo na ang bahala? Bahala magtakip ng nangyari para sa susunod pang mamamatay?" Sabat ni Jonathan habang tumatayo.

"Jonathan! Respeto lang." Sigaw ni Maam Emy.

Ngayon parang kami pa ang masama.

"Makinig kayo mga anak. Di nyo na kailangan pang mabahala dahil gumagawa kami ng paraan para malaman ang may gawa nito. Kailangan lang namin ng kooperasyon ninyo." Seryosong sabi ng principal.

"Ano pong gusto nyong gawin namin? Manuod at manahimik?" Nakangising tanong ni mayora.

Napataas ng kilay si Maam Emy dahil sa expression na ginawa nya.

Huminga ng malalim ang principal bago magsalita.

"Mga anak, di natin matatapos ang kaso na to kung may iba pang makikialam. Alam nyo na siguro ang ibig kong sabihin. Gaya nga ng sabi ko kahapon, kami na ang bahala sa lahat pati sa pamilya ng mga kaklase nyo. Hinihiling lang namin na wag nyong ipagkakalat ang mga nangyayaring ito. Para rin sa inyo ang ginagawa namin."

Experimented [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon