Experiment 11

34 2 1
                                    

Saira's Point of View

Maaga akong pumasok.

Dalawang araw na ang nakalipas mula ng isa-isahin ang mga kaklase namin.

Isang buong linggo, straight na walang ibang nangyari kung hindi patayan.

Hindi ko alam kung bakit, walang may alam kahit na ang dalawang mayor namin.

Ito na ang huling linggo bago ang moving up na gaganapin next week ng thursday.

Sa totoo lang, natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin at sa mga kaklase namin lalo na at kasama lang namin ang pumapatay.

Nanghihinayang ako.

Sobrang nanghihinayang.

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan magkaganito ng section namin.

Maayos naman ang lahat. Masaya at walang nagtatagal na away kahit may konting tampuhan. Mabait lahat, may pagpapahalaga sa bawat isa. Yun ang alam ko. At yun ang pinaniniwalaan ko hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi matanggap na isa sa amin ang gumagawa nito. Halos magkakapatid na ang turingan namin at napaka close ng lahat kaya parang napaka imposible.

Pero ewan.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin na panghawakaan ang pinaniniwalaan ko.

"Wala pa rin ba si Ana Mae?" Tanong ni Gracia kay Analyn na kakarating lang.

"Ano na kayang nangyari dun? Sana walang masamang nangyari sa kanya." Nagaalalang sabi ni Danica.

"Imposibleng wala! Baka nga patay na rin si Ana Mae eh!" Sabat naman ni Ken.

"Grabe ka naman Ken. Hindi naman siguro." Sabi ni Reyn na nagaalala.

Maya-maya dumating si Cyris.

Naglakad sya papunta sa upuan nya ng tahimik at nakayuko na parang napakalalim ng iniisip.

Sumunod namang dumating si Zy.

Pero di tulad ni Cyris, hindi sya pumasok ng room. Tumayo lang sya tabi ng hagdanan at sumandal habang nakatingin sa loob ng room.

Napansin kong tumingin sya na parang nagaalala sa isang mayor namin pero saglit lang din ay umiwas sya ng tingin na nabaling kina Margie na nag-uusap.

"Sana pumasok na si Ana Mae." Malungkot na sabi ni Gracia.

"Sana nga." Sabi naman ni Yannie na nasa likuran nina Danica.

Ilang sandali lang ay dumating si Jhun, yung kuya ni Ana Mae na kaklase namin.

"Kuya Jhun! Si Ana mae?" Nag-aalalang tanong nina Analyn.

Tahimik lang si Jhun na parang hindi alam kung sasagot ba sa tanong.

"Uy kuya! Nagaalala kami oh!" Sabi naman ni Gracia.

"Nasa ICU sya. Ilang araw ng comatose si Ana Mae." Narinig ng lahat ang sinabi ni Jhun kaya napatingin lahat sa gawi nila.

Nabaling din ang atensyon ni Cyris dahil sa narinig.

Pumasok naman kaagad si Zy.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Zy kay Jhun.

"Nabundol ng truck si Ana Mae." Naluluhang sagot niya.

Napatahimik lahat.

"Swerte sya may pag-asa pa syang makaligtas." Sarcastic na sabi ni Mylene.

Katabi ko sya kaya kinabig ko sya ng mahina.

Parang masyado naman syang insensitive.

"Bakit? Totoo naman ah. Atleast di sya natuluyan di ba kuya?" Parang nangiinis na sabi pa ni Mylene.

Tatayo na sana si Jhun dahil sa pagkapikon pero pinigilan sya ng mga katabi.

"Nung gabing umuulan. May nakakita sa kanya bago pa mabundol. May kasama syang isa sa inyo. Isa sa mga babae dito." Sabi nya habang tumitingin isa-isa samin.

"Ikaw Gracia? Ikaw dapat ang kasabay nya di ba?" Tanong ni Jhun.

Napatayo si Gracia sa upuan nya.

"Hindi pwedeng ako yun! Nauna ako! Kasama ko si Analyn. Di ba?" Kinakabahang sabi nya.

"Teka, wag muna tayong magbintang. Hindi pa tayo sigurado." Sabi naman ni Cyris na nakatingin kay Gracia.

"Kaya nga e. Kasi kung hindi nyo hinayaang umuwi mag-isa ang kapatid ko di sana wala sya sa ICU. Anong klase kaibigan ka ba Gracia? Puro sarili mo lang naman kasi iniisip mo." Lumalakas na sabi ni Jhun.

Naiyak si Gracia sa sinabi ng kapatid ni Ana Mae.

Tinamaan siguro sya sa sinabi nito.

"Wag na tayong magsisihan. Mabuti pa, dalawin na lang natin sya." Mahinahong sabi ni Zyrish.

Lumapit sya kay Jhun para magbigay simpatya.

"Okay lang yan kuya Jhun, magiging maayos din si Ana Mae."

Tumango lang sya kay Zyrish.

"Pano tayo dadalaw? San bang hospital yun?" Tanong ni Mark.

"Sa Quezon City pa." Sagot ni Jhun.

"Wala naman na tayong klase. Pwede na rin naman tayong servisan ng school. Di ba?" Sabi naman ni Ginalyn.

Nakita kong tumingin si Zyrish kay Cy siguro para kausapin sa gagawin pero napayuko na lang sya nang makita na pinapatahan ni Cy si Gracia.

"Zyrish!" Sabi ko.

Napatingin sya sakin na parang nabigla.

"Samahan na kita." Sabi ko ng nakangiti.

Ngumiti rin sya sakin.

Hinayaan nya kong sumama sa kanya papunta sa office.

Kinausap nya ang principal tungkol sa plano naming pagbisita at walang ano-ano ay sinangayunan ang sinabi nya.

Iba talaga pag sya ang kumakausap sa mga teacher maging sa principal. Sandali lang ay pumapayag sila sa mga sinasabi nya at di na kumokontra pa.

Ganun ba talaga pag rank 1? Pagfavorite? Madaling makuha ang simpatya ng madami?

Minsan nakakapagtaka pero nangingibabaw pa rin yung pagkabilib ko sa kanya.

Pagkatapos namin magpunta sa office, agad kaming bumalik sa room.

Kinausap nya ang mga kaklase namin para maghanda na dahil ilang minuto lang ay dadating na ang bus na inarkila ng school para sa pagdalaw namin kay Ana Mae.

Nag-usap sandali ang dalawang mayor bago magpunta sa harapan.

"Anytime, pwedeng may mangyaring masama. Hindi namin kayang bantayan ang bawat isa, dalawa lang kaming mayor. Kaya sana, ingatan nyo ang mga sarili nyo." Seryosong sabi ni Zyrish.

"Mas mabuti kung magsama-sama kayo. Grupo-grupo, para mabantayan nyo ang mga kasama nyo." Sabi naman ni Cy.

Sumangayon naman lahat sa sinabi nila.

Ilang sandali lang ay may dumating na isa sa mga teacher na galing sa faculty.

"10-Ruby! Pwede na kayong bumaba. Hinihintay na kayo ng service sa gate 1." Pagkasabi ng teacher ay umalis na rin sya agad.

Tumingin samin ang dalawang mayor na nasa harapan.

Sabay-sabay kaming lumabas ng room.

Gaya ng sinabi samin nila Cy, naggrupo kami.

Magkakasama ang mga magkakaibigan papunta sa gate 1 at nagtabi-tabi sa bus.

Katabi ko sila Mylene, Joyce, at ate Mich.

Nag-umpisang umandar ang bus nang makasakay na ang lahat.

Sana walang mangyarimg masama.

Sana abutin pa ng lahat ng nandito ang moving-up.

Sana.

Experimented [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon