Cyris' Point of View
Thursday.
Tuloy-tuloy na ang araw namin hanggang bukas.
Dito kami matutulog sa room kung saan isa-isang namamatay ang mga kaklase namin.
Kahit anong sabihin namin para itigil walang nangyayari. Di kami pinakikinggan. Wala kaming palag.
Hindi ko alam kung ano ng mangyayari.
Hindi ko alam kung may mababawas pa samin o kung may matitira pa ng buhay pag dating ng umaga.
"Cy." Sabi ni Mayora habang naglalakad papunta sakin na nakatayo sa pinto.
"Samahan mo ko sa canteen." Sunod nyang sabi na mukhang may iba pang sasabihin.
Sinamahan ko sya papunta sa canteen.
Matagal na rin kaming di nakakapag-usap.
Importante siguro ang sasabihin nya.
Nag-usap kami habang naglalakad.
"Ano na sa tingin mo ang nangyayari? May idea ka na ba?" Seryosong tanong nya.
Magsasalita na sana ko para sagutin ang tanong nya nang maalala ko ang sinabi ni maam Emy.
Mag-ingat sa mga nakakasama ko.
Pero imposible talaga na may kinalaman si Mayora sa mga nangyayari. At higit sa lahat may tiwala ako sa kanya.
"Yung isang teacher na kasama sa faculty, may sinabi sakin." Tingin ko kailangan nya malaman ang napag-usapan namin.
"Anong sinabi nya sayo?" Tanong nya na nakatingin sakin.
"Nasa experiment tayo."
Ilang segundo kaming natahimik.
Pero parang hindi sya nabigla sa sinabi ko.
Yun lang ang napansin ko sa kanya.
Napaisip tuloy ako.
May alam na ba sya?
"Experiment pala." Mahinang sabi nya napangiti.
Napatingin ako.
"Ano sa tingin mo?" Tanong ko.
Umiling sya.
"Wala. Pero may nalaman rin ako." Tumingin naman sya sakin.
"Kay Ken galing yung bote na may lamang muriatic acid."
"Si Ken? Sigurado ka ba?" Tanong ko na di makapaniwala sa sinabi nya.
"Oo. Nakita ko." Sagot naman nya.
"Pano --- yung iba? Sya rin ba?" Tanong ko na hindi malaman kung anong dapat sabihin.
Si Ken?
Paano nya nagagawa to sa section namin?
Wala naman syang nakakaaway.
Sya ba yung tinutukoy ng faculty teacher?
Yung sa experiment?
"Alam kong nakakabigla pero, hindi sya ang may gawa. May isa pa." Kalmado nyang sabi.
"Anong may isa pa? Ibig mo bang sabihin dalawa sila sa section natin?"
Napahinto ako.
Di na kami ngayon kalayuan sa canteen.
"Oo. Hindi lang si Ken." Sagot nya.
"Pano mo naman nasabi?" Tanong ko.
"Basta alam ko lang." Sagot nya sakin habang nagpapatuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Experimented [COMPLETED]
Mystery / ThrillerGrade 10 Ruby, isang ordinaryong section para sa mga magaaral. May ibang magkakakilala na at may ibang kakikilala pa lang. Sa paglipas ng ilang buwan ay higit na naging malapit sa bawat isa at umusbong ang pagkakaibigan. Ngunit sapat na ba ang mga b...