Experiment 6

43 1 0
                                    

Cyris' Point of View

"Good morning!" Masayang sigaw ni Reyn pagpasok sa room.

Iilan pa lang kami sa room dahil medyo maaga pa naman bago ang unang klase namin.

"Anong pinapanuod nyo Zy?" Tanong ni Reyn na papalapit sa kinauupuan namin.

Agad naming isinara ni Mayora ang laptop bago pa man sya makalapit.

"Oh! Tagong-tago ah! Nanunuod siguro kayo ng porn." Tumatawang sabi nya bago bumalik sa upuan nya.

Tinawanan na lang namin sya.

Mahirap nang may ibang makaalam ng ginagawa namin. Mahirap na magtiwala lalo na at may anim kaming pinaghihinalaang pumapatay.

Si Ken.

Si Yannie.

Si Reyn.

Si Gracia.

Si Ana Mae.

Si Analyn.

Hanggang wala pang kasiguraduhan kung sinong inosente, hindi kami dapat basta-basta magtiwala.

"Lumipat kaya tayo?" Tanong ni Mayora.

Napatingin ako sa kanya at tumango.

Lumakad kami at lumipat sa computer room.

Nandoon ang isa sa malapit naming teacher kaya pinayagan kaming pumasok.

Pagkapasok namin ay agad naming tinignan lahat ng footage ng cctv na nakuha namin.

Ilang oras kaming nakatitig sa mga video ng surveillance camera.

Halos walang kurapan kaming nakabantay sa mga dumadaan.

Pero sa dinami-dami ng napanuod at nakita namin, kahit isa walang naitulong.

"Di ba may cctv na nakatapat sa hallway na dinadaanan natin? Bakit walang record dito?" Tanong sakin ni Mayora na busy sa paghahanap ng record sa laptop nya mula sa flash drive.

"Di ko lang alam kung gumagana yun. Gusto mo itanong natin?" Tanong ko naman.

"Sige, pero parang imposible naman na di gumagana yun. Ilalagay ba nila yun sa lugar na yun kung pangprops lang din?" Nagtatakang tanong nya.

"Pwede rin. Tara." Sabi ko na nag-aaya na magtanong sa mga teacher malapit sa hallway.

Nagpunta kami sa department na malapit sa hallway.

Values Department.

"Sinong magtatanong?" Tanong ko.

"Ikaw." Nakangiting sagot nya.

"Ha? Bakit ako? Ikaw na lang." Sabi ko naman na umiiwas sa teacher namin.

"Ikaw na. Ikaw nag-aya." Sagot nya sakin.

"Ayoko! Di pa nga ko nakakapagpasa ng notebook tsaka attendance dyan, baka pagalitan ako." Umaatras na sabi ko.

Tumingin sya sakin ng masama.

Lumapit at piningot ako sa tenga.

"Aray!" Sabi ko na inaawat sya sa paghatak sa tenga ko.

Binitawan nya rin naman agad.

"Napakasipag mo kasi! Tss. Ako na nga lang." Sabi nya na nilalakihan ako ng mata.

Lumakad sya palapit sa pinto ng department at sakto ang paglabas ni Maam Aurora.

"Oh Zyrish. Bakit?" Pambungad na tanong ng teacher namin sa values.

"Magtatanong lang po ako maam. Gumagana po ba yung cctv na yun??" Tanong nya na nakaturo sa cctv.

Experimented [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon