Experiment 5

52 1 0
                                    

Cyris' Point of View

"Bakit mo ko pinatawag?" Tanong ni Jared na kaharap namin ngayon ni Mayora.

"Alam mo naman yung nangyari kay Cherry Ann di ba?" Tanong ko.

Tumango sya samin na parang biglang nalungkot.

"Hanggang ngayon di ako makapaniwala na wala na sya. Parang kailan lang nung inaasar ko pa sya dahil sa crush nya ko." Malungkot nyang sabi.

"Si Patricia? Alam mo ba kung anong nangyari sa kanya?" Tanong naman ni Mayora.

Napatingin sa amin si Jared.

"Wag nyo sabihing .." Napahinto na lang sya sa pagsasalita.

Napatahimik kaming tatlo.

Kasalukuyang nasa canteen kami. Napapaligiran ng maraming estudyante para di mapaghinalaan.

"Red, pwede mo ba kaming tulungan?" Mahinang tanong ko sa kanya.

Tumingin sya sakin na parang gustong umatras.

"Pre, ayoko sanang madamay dyan. Sa totoo lang ayoko ng pumasok. Gusto kong magsumbong." Nakayukong sagot nya.

"Wag na wag mong gagawin ang kahit ano sa sinabi mo. Walang dapat makaalam ng nangyayari sa klase natin. Alam mong delikado kaya wag mo ng dagdagan pa." Sabi ni Mayora na nag-aalala sa sinabi ni Jared.

"Tama sya Red. Nagbanta ang principal. Sa tingin ko nga alam na talaga nila kung sino ba at pinagtatakpan na lang nila." Dugtong ko naman.

Natahimik sya bago sumandal sa upuan at ngumiti.

"Ibig sabihin wala na talaga tayong takas? Lahat tayo?" Natatawang sabi ni Jared.

Tumingin kami sa kanya.

"Ano bang maitutulong ko? Tutal bandang huli, damay-damay naman na pala lahat." Sabi pa nya.

"Kailangan nating makita lahat ng cctv footage." Sagot sa kanya ni Mayora.

"Di ba nasa office yung mga monitor?" Tanong nya.

Tumango ako.

"Kailangan nating humanap ng daan na hindi tayo mapapansin." Sabi ko na nag-iisip na ng plano.

"May alam akong daan sa likod." Sagot ni Jared.

"Pero may mga nagbabantay sa loob ng room kaya imposibleng makapasok tayo ng walang gusot." Dugtong nya.

"Gumawa tayo ng eksena." Biglaang sabi ni Mayora.

"Sino naman ang gagawa nun?" Tanong ko.

"Mga kaklase nating lalaki.
Alam nyo yung cctv sa harap ng office. Dun tayo pupwesto. Sa oras na magka-riot, siguradong lalabas yung nakamonitor sa cctv para umawat at magkakagulo pati ang mga member ng faculty. Sa oras na yun, papasok ka Red sa likod ng office papunta sa mga data ng cctv. Kailangan mo lang i-copy sa usb lahat ng data sa linggo na to." Sabi pa ni Mayora.

"Di lang basta-basta ang pagcocopy Zy. Alam mo yan." Sagot ni Jared.

"Kami na ang bahala. Bibigyan ka namin ng sapat na oras sa pagkopya." Nag-iisip kong sabi.

Tumingin ako sa kanila.

"Gawin natin to sa oras ng uwian ng mga estudyante." Sunod kong sabi.

Mas maraming estudyante, mas malaking problema para sa mga faculty member.

"Okay. Kausapin na natin yung mga kaklase natin." Nagmamadaling patayo ni Jared.

Pero bago pa sya tuluyang tumayo pinigilan namin sya.

Experimented [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon