Yannie's Point of View
"Overnight?" Mahinang sabi ko bago mapailing.
Nasa room kami at walang ginagawa.
1 of 2 days para maghanda sa overnight na sinasabi ng principal.
"Grabe naman. Matutulog tayo dito sa room e halos di nga ko makatagal dito dahil sa napaka-init." Sabi ni Ken habang nagpapaypay.
"Kung ikaw dahil sa init, ako naman di makatagal dahil nakikita ko sa bawat sulok yung mga kaklase nating namatay." Sabi naman ni Reyn.
"Nakakakilabot no." Sabi ni Ginalyn na tinitignan ang braso nyang nagtataasan ang balahibo.
"Pero parang di naman na nakakapanibago kung may mamamatay ulit." Sabi ko sa mga katabi ko.
Nakaupo lang kami sa mga upuan namin, sa hulihang row.
"Maski ako di na magugulat kung maya-maya lang may biglang humandusay sa harap." Sabi ni Ken.
"Kaso lang nanghihinayang ako guys. Nakakabigla pa rin lalo na at kaklase pa natin ang gumagawa." Malungkot na sabi ni Ginalyn.
"Di ko inaasahang may gagawa ng ganito. Halos magiisang taon na tayong magkakasama tas magmomoving-up na next week." Sabi naman ni Reyn.
"May matitira pa kayang buhay dito?" Natatawang sabi ni Ken.
"Ako! Pupunta pa ko sa Seoul, Korea. Magkikita pa kami ni Xiumin ko!"
Ayoko pa mamatay. Sayang talent ko tsaka magpapakasal pa kami ng Xiumin hubby ko.
"Ako din! May date pa kami ng boyfriend ko sa Busan." Sabi naman ni Reyn.
Grabe.
Napaka tragic naman ng mga buhay namin.
Sa bahay halos mamatay na ko para para ipaglaban sa family ko ang pagiging fan girl ko lalo na kay kuya, tapos pag dating dito, ewan ko kung mabubuhay pa ko.
Pero seriously, ayoko pa mamatay.
Gusto ko pa makasama ang mga kaibigan ko lalo na ang pamilya ko.
"Guys! Wala na daw si Ericka." Malakas na sabi ni Alex na parang maiiyak na.
"Panong wala na?" Tanong naman ni Bernard.
Sa pagkakaalam ko, naging sila kaya naman kahit papano concern sya.
"Wala na sya! Narinig namin sa office." Sabi naman ni Angelica.
Hindi ko alam kung maghi-hysterical sya o ano. Pero sino ba namang di mabibigla.
"Hindi na sya pumasok. Alam nyo na siguro?" Sabat naman ni Jonathan.
"Malamang pinatahimik na ng school." Sabi naman ni Eugene.
"Eto siguro yung pagbabanta ng principal sa mga gustong umabsent." Napatingin naman kami kay JD na nasa bintana.
"Edi ibig sabihin pinatay na nila si Ericka? Dahil lang sa absent sya?" Naguguluhang tanong ni ate Mich.
"Ano pa ba sa palagay nyo? Di nyo ba napapansin? Ayaw nilang may makalabas tungkol sa nangyayari sa section natin, kahit pa maubos tayo." Parang rebeldeng sabi ni JD.
"O baka naman plano talaga nilang ubusin tayo?" Tanong naman ni Joyce.
"Pag nalaman ko lang kung sinong letche ang gumagawa ng to, ako mismo ang papatay sa kanya." Pagpaparinig naman ni Jonathan.
"Magkaklase pa rin tayo dito." Sabat naman ni Anette na di nagustuhan ang sinabi ni Jonathan.
"Magkaklase? Sa tingin mo pano nya magagawa yung ganito kung ganon ang tingin nya satin?" Naiinis na sabi ni JD.
"Nakakainis lang isipin pero, sa lahat ng pinagsamahan natin, mukhang walang kwenta sa taong yun. Demonyo sya." Sabi naman ni Jared.
"Kahit sino pa sya, pag nalaman ko lang kung sino talaga sya, tutuluyan ko sya matapos lang to." Galit na sabi ni Jerome.
"Di hindi na kayo nagkalayo? Pareho na kayong mamamatay tao." Biglang sabi ni Zy.
Kanina pa sya nanahimik kaya nabigla ako nang magsalita sya.
Nakikinig lang pala sila ng isa pang mayor.
"Ayos lang. Atleast wala ng mababawas." Sagot ni Jerome.
"Tsaka pano kami magiging pareho? Eh tao yung mga pinatay nya, samantalang ako, pumatay ng Demonyo." Natatawang sabi ni Jonathan.
Wala nang sumunod na nagsalita.
Nabalot na ng katahimikan ang buong room.
Naghihintay ng magsasalita.
Naghihintay ng kung ano.
"Uhm. Guys!!" Nauutal na sabi ni Saira.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
Lalo na sa katabi nya.
Si Mylene.
Bumubula ang bibig nya habang nahuhulog sa kamay nya ang isang bote ng tubig.
Madaling nagpunta sa tabi nya ang mga officer lalo na ang dalawang mayor.
"Anong nangyari?" Tanong ni Cy.
"Uminom lang sya ng tubig tapos biglang bumula yung bibig nya." Sagot ni Joyce na katabi ni Mylene.
Tuloy-tuloy lang ang bula na lumalabas sa bibig ni Mylene.
Para syang inaatake ng seizure.
Unti-unting namumuti ang mata nya.
At di nagtagal may lumabas ng dugo sa tenga at ilong nya.
Yung mga bula sa bibig nya, napalitan ng dugo.
"Shit." Mahinang sabi ko.
Hindi ako masyadong okay pag nakakakita ako ng dugo.
Para ako nasusuka kaya ayokong tumingin.
"Ano bang laman ng bote na yan?" Naluluhang tanong ni Saira habang kinukuha ang bote sa sahig.
Hindi yata sya nag-iisip kaya nabigla kami nang uminom sya sa bote.
Wala pang isang minuto, bumula na rin ang bibig nya.
Gaya ni Mylene, namuti ang mga mata nya hanggang sa may dugo na lumabas sa bibig, tenga, ilong at mata nya.
Kinuha agad ni Zy yung bote at binuhos ang natitirang laman sa halaman na nakalagay sa tabi ng bintana.
Nagulat kami nang biglang natunaw yung dahon na nalagyan ng liquid.
Mukha syang tubig pero hindi.
"San galing to? Bakit may asido?" Tanong ni Zy bago ibato ang bote.
"Galing sa canteen." Di makapagsalitang sabi ni Joyce.
"Pano nagkaroon ng asido sa loob ng mineral bottle?" Umiiyak na tanong ni ate Mich.
"Grabe." Mahinang sabi ni Ken na katabi ko.
"Kung asido yung laman ng bote, bakit di natunaw yung bote?" Tanong naman ni Reyn.
"Hindi ko alam." Sagot ni Zy.
Napatingin na lang kami sa dalawa naming kaklase na nakahiga sa sahig na parehong di na humihinga.
"Minus two." Malungkot na sabi ni Ginalyn.
Limang minuto kaming tahimik na nakatingin lang sa dalawa, kay Mylene at Saira.
"Tatawagin na ba natin sila?" Tanong ni Jared.
Tumingin lang sa kanya si Cy at naglakad na sya pababa kasama sina Rence.
"Sino bang gumagawa nito? Please tumigil ka na!!" Umiiyak na sabi ni ate Mich.
"Kung sino ka man sana mamatay ka na!" Galit namang sabi ni Joyce.
Maya-maya may mga dumating ng mga lalaki para asikasuhin ang bangkay ng dalawa.
"Di na talaga tayo ligtas dito." Sabi ni Danica na nakaupo sa harap ng row namin.
BINABASA MO ANG
Experimented [COMPLETED]
Mystery / ThrillerGrade 10 Ruby, isang ordinaryong section para sa mga magaaral. May ibang magkakakilala na at may ibang kakikilala pa lang. Sa paglipas ng ilang buwan ay higit na naging malapit sa bawat isa at umusbong ang pagkakaibigan. Ngunit sapat na ba ang mga b...