Cyris' Point of View
Bukas Thursday na.
Overnight na.
Kahapon nabawasan na naman kami ng kaklase. Dalawa sila. Si Mylene at Saira. Nakainom sila ng lason o kung ano man na halata naman na sinadyang ilagay sa bote ng mineral.
Kung sino man sya, hindi sya tumitigil hanggang di kami nauubos. Kahit anong paraan gagawin nya para lang makapatay.
Malapit na kong mawala sa katinuan dahil sa nangyayari samin pero pinipilit ko pa rin na kayanin para sa buong section namin. Para sa mga kaklase ko at para na rin sa akin.
Experiment?
Hindi pa rin malinaw sakin ang lahat pero pilit ko pa ring iniisip.
Gusto ko na talaga matigil lahat.
Napapagod na rin ako.
Nakaupo lang ako sa upuan ko. Sa upuan na nakikita ko lahat ng kaklase ko.
Nakaupo lang din ang mga kaklase ko, nakikipag-usap. Nililibang ang mga sarili para makalimot sa mga nangyari.
"Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos, pag-ibig di matatapos~."
Kumakanta sa bandang likod ang lahat ng lalaking natitira sa section namin.
Si William, Rence, Jared, Mark, Bernard, Jonathan, Jerome, Eugene, JD, at Nilo.
Si Jhun, tahimik lang dahil sa nangyari kay Ana Mae na kapatid nya.
Yung mga babae naman, nag-uusap lang.
Sina Yannie, Mich, Anette, Gracia, Analyn, Joyce, Margie, Reyn, Ginalyn, Angelica at Danica, kasama rin si Ken at Alex,
Si Mayora, kasama si Jhun na nanahimik.
Lumapit ako sa kanila.
Tumingin si Mayora sakin bago yumuko.
"Mayor." Mahinang sabi ni Jhun na parang tulala.
Umupo ako sa katabing upuan.
"Kilala mo na ba?" Tanong ni Jhun.
Wala kong masagot.
Ilan na ang nabawas samin pero di ko pa rin alam kung ano bang dahilan at kung sino.
"Gusto ko ako ang unang makakaalam. Papatayin ko sya. Ako ang papatay sa kanya." Nanggigil na sabi ni Jhun habang may tumutulong luha.
Ramdam ko ang galit nya.
Napatingin ako sa kanya ganun din si Mayora.
"Kuya Jhun." Mahinang sabi nya habang hawak sa balikat si Jhun.
Kumalma rin naman agad sya at huminga ng malalim.
"Kung may maitutulong ako, sabihin nyo lang." Sabi ni Jhun.
Napaisip ako sa kung ano bang pwedeng gawin.
"Yung phone ni Ana Mae? Nasa inyo pa ba?" Seryoso kong tanong.
"Gusto mo bang kunin?" Tanong nya sakin.
"Oo sana. Baka may makuha tayong impormasyon." Sagot ko.
"Sige dadalhin ko bukas." Nakangiti nyang sabi.
"Salamat." Sagot ko sa kanya.
Maya-maya, napansin kong tumigil ang kantahan sa bandang likod.
"Si Cyris po? Yung Mayor po ng Ruby?" Tanong ng babaeng istudyante sa bandang pinto.
BINABASA MO ANG
Experimented [COMPLETED]
Mystère / ThrillerGrade 10 Ruby, isang ordinaryong section para sa mga magaaral. May ibang magkakakilala na at may ibang kakikilala pa lang. Sa paglipas ng ilang buwan ay higit na naging malapit sa bawat isa at umusbong ang pagkakaibigan. Ngunit sapat na ba ang mga b...