Cyris' Point of View
Walang hiya sya.
Wala syang puso.
Wala syang kaluluwa.
Psycho nga talaga sya.
Tumingin sya sakin at ngumiti.
Iniwas ko sa kanya ang tingin ko at tumingin lang kay Gracia.
Umiiyak sya at alam kong nahihirapan sya.
Hindi ko namalayang lumapit pala sakin si Mayora.
Hinawakan nya ko sa pisngi para iharap sa kanya.
"Bakit ba lagi na lang sya? Kailan ka ba titingin sakin gaya ng pagtingin mo kay Gracia?"
Naiinis ako.
Hindi nya pa rin ba maintindihan na mahal ko si Gracia? Na kahit anong gawin nya hinding-hindi ko sya pipiliin.
"Hindi kita gusto at hinding-hindi kita magugustuhan." Seryosong tono kong sabi sa kanya.
Nagiba ang tingin nya.
Alam kong nainis sya at nagselos ng sobra dahil sa sinabi ko.
"Tanggapin mo na lang. Wag mo ng ipilit." Inis kong sabi sa kanya.
Lumayo sya sakin at ngumiti paglapit kay Gracia.
Kailangan ko na talagang makawala bago pa man sya gumawa ng kung ano mang kademonyohan.
Medyo lumuwag ang tali sakin at mabuting hindi napapansin ng mga guard sa gilid.
"Siguro hanggang nabubuhay si Gracia hindi mo ko magagawang mahalin. Pero sa oras na mawala na sya sa mundong 'to, ako na lang ang maiiwan sa tabi mo."
Ngumiti sya at tumawag ng mga guard.
May tatlong pumasok na may dalang mga tali at mahabang lamesa.
Lalo akong nagpumilit kumawala nang ihiga nila si Gracia sa lamesa at itali ang mga kamay at paa nito sa bawat kanto.
"Pakawalan mo sya!"
Sumisigaw ako pero hindi sya nakikinig.
Tumingin sakin si Gracia na sobrang takot at patuloy lang sa pagpipiglas.
"Mahal mo sya? Makikita mo sya ngayong magdusa." Tumawa sya ng malakas.
Tinanggal nya ang busal sa bibig ni Gracia.
"Tulungan mo ko Cy." Sigaw ni Gracia habang umiiyak.
"Pakawalan mo sya! Demonyo ka talaga!" Sumigaw ako ng sumigaw pero hindi sya humaharap sakin.
Napansin kong may kinuha syang parang scalpel sa gilid atsaka nilapit sa braso ni Gracia.
Dahan-dahan nyang sinusugatan si Gracia sa braso.
Wala kong ibang marinig kung di ang sigaw at iyak ni Gracia.
Parang unti-unting winawasak ang puso ko sa nakikita ko.
"Tumigil ka na!!!!" Sigaw ko pa.
Tumawa lang sya at kumuha ng gunting at ginupit ang buhok ni Gracia.
"Tama na Zy." Umiiyak na sabi ni Gracia.
Lalo akong nagwala ng itapat nya sa leeg ni Grace ang gunting.
"Manahimik ka." Mahinang sabi nya.
Pero bago pa nya isaksak ang gunting, may dumating na dalawang guard kasama si Ken.
"Buhay ka pa pala couz?" Natatawang sabi ni Mayora.
Parang nabigla sya tulad ko.
Akala ko pinatay na nya si Ken.
BINABASA MO ANG
Experimented [COMPLETED]
Mystère / ThrillerGrade 10 Ruby, isang ordinaryong section para sa mga magaaral. May ibang magkakakilala na at may ibang kakikilala pa lang. Sa paglipas ng ilang buwan ay higit na naging malapit sa bawat isa at umusbong ang pagkakaibigan. Ngunit sapat na ba ang mga b...