Chapter 10

2.5K 132 23
                                    


A/N: It's a double update, everyone. Since hindi ko alam kung kelan ako makakapag-update ulit. I crii ;;;;

Chapter 10

"YOU'RE WHAT?!?" histeryang sigaw ni Minju matapos ang sinabing yon ni Jaehyung.

"Joke." Saka niya natatawang dinilaan si Minju. Pilyong-bata.

"Putangina ha. Wag niyo nga akong tinatakot-takot nang ganyan. May phobia ako sa mga nang-iiwan." Seryoso niyang sabi kaya nagulat ako.

"Ano raw?" bulong ni Jin hyung.

"Sa Jeju Island lang kami, babe. Nag-request ng bakasyon si Jaehyung eh. Susulitin niya raw ang dalawang buwan niya rito." Nakangiti namang sagot ni Hyun Woo saka inakbayan si Minju. Tipong pinapakalma niya ito. Mukhang may pinagdaanan 'tong si Minju ah.

Napabuntong-hininga naman si Minju. "Edi mag-extend kayo kung gusto niyo."

"Oo nga, Hyun Ji. Masyadong nakakabitin ang dalawang buwan lang," singit naman ni Jisoo.

"Oo nga. Mukhang nag-eenjoy naman si Jaehyung dito eh," singit naman ni Lisa saka tinignan ni Jaehyung na nakaupo sa lap niya. "Diba, Jaehyungie?"

Tumango naman si Jaehyung bago sumagot, "Yes, noona. But, two months is already long enough for my mom. Especially when she's here in Korea."

Ngumiti lang si Hyun Ji sakanila saka tumingin kay Minju, "Baka gusto mong sumunod? Isang linggo kami dun."

Tumango naman si Minju, "Sige, susunod ako. Bukas siguro."

"Susunduin nalang kita. Ihahatid ko lang sina Hyun Ji dun bago ako babalik dito para sabayan ka." Suggest naman ni Hyun Woo at magrereklamo pa sana si Minju nang, "No buts, Minju." Kaya wala narin siyang nagawa at tumango nalang.

"Jungkook hyung," tawag sakin ni Jaehyung kaya napalingon ako sakanya. Kandong-kandong parin siya ni Lisa. Nainggit ako bigla—ANO RAW? Puta, Jungkook. Anong pinagsasasabi mo?!

"Bakit, Jae?" Pilit kong pinipigilan ang mata kong mapatingin kay Lisa na alam kong nakatingin sakin. Kalma, Jungkook. Please, kumalma ka.

"Can I take a photo with you and Lisa noona?" Pareho naman kaming nagulat Lisa sa sinabi niya kaya nagkatinginan kaming dalawa saka sabay na tumingin kay Jaehyung na ngayon ay nakangiti.

"Uhm, kung okay lang kay sunbae-nim, okay lang din sakin." Sabi niya.

Ngumiti naman ako saka hinawakan ang buhok niya, "Promise this to hyung first."

"What is it, hyung?" tanong naman niya.

"Hindi mo ia-upload ang picture sa kahit na anong SNS account," tumango-tango siya sa sinabi ko. "And you're not gonna share it to anyone. Even with your Minju noona, okay?"

Tumango siya, "Promise."

Ngumiti ako saka tumayo at itinabi ang upuan ko sa upuan ni Lisa. Lumipat sakin si Jaehyung kaya sakin na sya nakakandong ngayon. May kanya-kanya namang ginagawa ang lahat kaya walang nakapansin na magkakatabi kami. Perfect timing.

Binigay ni Jae kay Lisa ang cellphone niya na naka-set na sa camera. Kinuha naman ni Jaehyung ang kaliwang kamay ko saka ipinatong sa inuupuan ni Lisa dahilan para magmukhang inaakbayan ko siya. Napatingin naman ako sakanya dahil sa ginawa niya pero kinindatan niya lang ako. Ibang klaseng bata. San ba nagmana 'to? Tsk tsk tsk.

"Noona, lapit ka konti samin." Sabi naman ni Jaehyung kaya medyo lumapit naman si Lisa samin pero mukhang di nakuntento si Jae. Tsk. "Konting lapit pa, noona."

Boy Meets Her (LisKook Fanfic)Where stories live. Discover now