Chapter 39

1.6K 56 15
                                    



Chapter 39

Sobrang saya ko.

Heol, para nga akong lumulutang sa sobrang saya.

Ngiting-ngiti akong pumapasok sa elevator. Medyo natuyo na ang damit ko pero mamasa-masa parin ako. Damn, papagalitan ako ni Jin hyung neto. Pero wala akong pakealam.

Lumabas ako ng elevator at naglakad na papunta sa dorm namin. Hindi parin matanggal ang ngiti sa mga labi ko.

Hindi parin ako makapaniwalang mahal din niya ako. Damn! Akala ko mahihirapan pa akong suyuin siya. Akala ko may iba siyang gusto. Akala ko gusto niya yung lalakeng may mahabang nguso na iyon. Heol, akala ko nga sila na.

Akala ko magiging sulutero pa ako. Pero shit. Mahal din daw niya ako.

Mahal din ako ni Lisa!

"Holy shiteu! Ba't basang-basa kang bata ka?!" bungad ni Jin hyung sakin.

Nakangiti ko siyang inilingan at nilagpasan. Naabutan kong nasa sala sila. Mga naka-sweater, kanya-kanyang pwesto, maraming chips, at nanonood ng horror movie—base na rin sa takot na ekspresyon ng mukha nina Jimin hyung at Hobi hyung.

Sabay-sabay silang napalingon sa akin.

"Oh? San ka galing?"

"Magbihis ka na nga! Jusko, magkakasakit ka niyan eh!" bumalik si Jin hyung sa sala at pinamewangan ako.

Isa-isa ko silang tinignan at nginisihan bago talikuran para makaakyat na sa kwarto ko. Bahala kayo diyan, hyung. Basta ako, masaya ako dahil kami na.

Yes, kami na ni Lisa.

Hinatid ko siya sa dorm nila. Magkahawak-kamay kaming naglakad lang. Hindi rin naman ganon kalakas ang ulan. Pero sinabihan ko siyang maligo agad pag-uwi dahil magkakasakit siya.

"Tss. Ikaw din. Gago, may pa-kidnap kidnap ka pa kase," nakataas na kilay na sabi niya sakin nang nasa parking lot na kami ng building nila. Syempre, hindi pwedeng sa entrance talaga ng building o kahit sa bungad talaga ng pinto ng dorm nila.

Nginisihan ko siya, "Ano naman ngayon? Napaamin nga kita eh,"

Namula siya at hinampas ako. "Aray naman!"

"Shut up," inirapan niya ako. Aba!

"Asus, ngayon ka pa nagtaray eh tayo na?"

Tinaasan niya ulit ako ng kilay, "Sino nagsabing tayo na?"

Tinaasan ko rin siya ng kilay at nilapit sakanya ang mukha ko, "Bakit? Hindi ba?"

Pero hindi siya nagpatinag sakin, "Hindi! Sinabi ko lang na mahal din kita pero wala akong matandaang sinabi kong tayo na."

Ngumuso ako at tumango-tango, "Ah, ganoon. So, bakit pala tayo naghalikan kanina?"

Nanlaki ang mata niya at pumula siya nang husto.

Tumawa ako. Humakbang ako papalapit sakanya at pinulupot sa bewang niya ang mga braso ko. Nagulat siya sa ginawa ko pero ngumisi lang ako.

"Mahal kita. Mahal mo rin ako. O ano pang problema natin?"

Napakurap-kurap siya at hindi na nakasagot pa.

Come on, baby, stop frustrating me. Bumigay ka na.

Suminghap ako at ngumuso, "Bakit, ayaw mo ba?"

"Ha?" agad na sabi niya nang siguro'y nahimigan ang tampo sa boses ko."H-Hindi naman sa g-ganoon..."

Yon naman pala eh.

Boy Meets Her (LisKook Fanfic)Where stories live. Discover now