A/N: Happy 31K reads everyone. Uwaaaaaah sobrang maraming thank you sa pagtyatyaga sa storyang ituu kahit na napaka--as in NAPAKABAGAL ng updates huehue. I am deeply sorry yeorubun. Huehue wala kasing wifi samin kaya ganun.
Anyways, thank you again and i sarang yall~
Chapter 35
Hindi nila ako kaagad na tinantanan pagkatapos noon. Sobrang dami pang mga pahabol na mga tanong ang ibinato nila sakin. Kingina, daig pa nila mga reporter eh. Bwisit.
"May bigay din si Lisa diba?"
"May nakita akong pulang box sa kwarto niya. Regalo niya yun sa'yo, no?"
"OMG. Anong laman?"
"Oo nga. Anong binigay sa'yo?"
Ilan lang yan sa mga tanong nila sakin. Pero syempre, dahil ako si Jeon Jungkook... I mean, dahil ako si Jeon Jungkook na sobrang makasarili pag si Lisa na ang usapan, hindi ko sinabi. Ano sila, sinuswerte?
Sobra silang nagmaktol nang hindi ko talaga sila sinagot. Ilang beses pa nila akong kinulit pero matigas ako.
Sa huli, sumuko rin sila.
Nagkakatuwaan na kaming lahat at halos mga nakainom na. Pasado alas diyes na ng gabi at kanina pa kami rito. Tulog na nga si Jaehyung eh. Nakatulog ito habang karga-karga ni hyung. Nakayakap sa leeg ni hyung si Jaehyung at nakahilig sa balikat ni hyung ang ulo nito. Nasa gilid nila si Hyun Ji noona na umiinom ng soju.
"Bukas na ba kayo aalis, noona?" tanong ko sakanya.
Napaangat siya ng tingin sakin mula sa pagkakatitig sa baso ng soju. "Oo," tumango siya.
Tumango ako at sinulyapan saglit si hyung na napatingin sa amin. Binalik ko kay noona ang tingin ko, "Anong oras po flight niyo?"
Nagsalin si noona ng isang shot. Nanatili kaming nakatingin lang ni hyung sakanya. Ininom niya muna ito bago sumagot, "4pm."
Tumango-tango ako sakanya.
Sa Japan sila nakatira ni Jaehyung. Other than that, wala na akong masyadong alam sa pagkatao niya. Nananatili parin siyang misteryo para sa akin.
"Hoy, Hyun Ji!" biglang sita ng mukhang medyo lasing na si Minju noona. Nasa kabilang dulo siya ng table namin. "Dahan-dahan sa pag-inom oy. Bawal kang malasing dahil may flight ka pa bukas."
"Ikaw 'tong lasing na, Minju," natatawang sagot ng katabi niyang si Hyun Woo hyung. "Isa pa, it takes 20 bottles of soju bago pa man malasing ang isang Shin Hyun Ji."
Dahil sa sinabi niya, napalingon ako sa lugar ni noona at nakitang halos apat na bote na ng soju ang nauubos niya MAG-ISA. Napatingin ako bigla sa mukha niya at nakitang parang wala lang sakanya iyon. Actually, umiinom na naman siya at taena, kung makainom siya, parang tubig lang ang iniinom niya.
Laglag ang panga namin pero mukhang alam na nina Jisoo noona ang tungkol don dahil tinawanan nila ang mga reaksyon namin.
Natatawang nagkibit-balikat si Hyun Ji noona, "That's exaggeration, though." Sabi niya kay Hyun Woo na nagkibit lang din ng balikat.
Bumaling si noona kay Minju noona habang nagsasalin na naman ng soju sa baso niya, "Saka hayaan mo na nga ako, Minju," sabi niya. "Susulitin ko na 'to total aalis na rin naman kami bukas."
"Now that you mentioned it," biglang singit ni Rose. "Bakit nga ba kayo uuwi agad, unnie? Sa February pa kayo dapat uuwi diba?"
Nagkibit-balikat na naman si noona habang iniinom ang isang shot. Nilapag niya ang baso saka ngumiti, "May konting problema lang."
YOU ARE READING
Boy Meets Her (LisKook Fanfic)
Fanfiction[MISS RIGHT SERIES #1: JUNGKOOK] When the golden boy meets the royal princess of the other kingdom... date completed: --/--/--