Chapter 24

1.8K 99 34
                                    



Chapter 24


"May boyfriend ka, Lisa?!"

"Sino yan, Lisa?"


Napapailing nalang ako habang pinapakinggan sina hyung na sabay-sabay na pinapaulanan ng tanong si Lalisa. Binigyan pa ako ni V hyung ng isang makahulugang tingin na parang nagtatanong kung alam ko ba ang tungkol dito.


Syempre, alam ko.


"Excuse me. Sagutin ko lang," sagot ni Lisa sa kanila nang hindi sinasagot ang mga tanong nina hyung kaya nakanganga'ng pinanood nila si Lisa na naglalakad palayo samin.

"Oy, oy. Sino yung tumawag kay Lisa?" tanong ni V hyung.

"Boyfriend niya ba yun?" segunda naman ni JHope hyung.

"Hala, may boyfriend na si Lisa?" dagdag naman ni Jimin hyung.

Narinig ko ang mahihinang mga tawa nina Jisoo noona dahil sa reaksyon nila. Samantalang tahimik lang akong umiinom dito sa gilid. Nag-eenjoy kasi ako sa mga reaksyon nila eh.

"Wala bang sasagot samin?" nakangusong tanong ni V hyung nang makitang tawa lang ang naging sagot nina noona sakanila.

Tumikhim muna si Rose bago nagsalita, "Unang-una sa lahat, walang boyfriend si maknae." Napatango-tango naman sina Jisoo noona at Jennie noona dahil don. "Pangalawa, yung tumawag na si Baby ay isang babae." Napanganga sina hyung dahil don at akmang magsasalita na sana sila nang pinatigil agad sila ni Rose. "Pangatlo, babae si Baby at nakababatang kapatid siya ni Bambam-sunbaenim ng GOT7."

Nangibabaw ang ilang sandaling katahimikan sa table namin pagkatapos maipaliwanag ni Rose ang tungkol kay "Baby".


"Okay na?" sabay na tumango-tango sina hyung kay Rose. Mukhang naintindihan na nila.

"Alam mo ba ang tungkol dito, Kookie?" biglang tanong ni V hyung sakin.

Binalingan ko siya ng tingin bago tumango, "Oo. Matagal na."


Ako pa. Sa ilang oras na nakababad ako sa phone ko, puro tungkol kay Lisa ang inaatupag ko. At dahil sa sobrang pang-iistalk, nakita ko yung iilang pictures nila ni Baby na magkasama. May pinost pa nga si Baby sa instagram na selca nila ni Lisa na magkasama at parang pino-promote niya pa si Lisa sa caption niya. Saka, hindi na rin naman nakakapagtaka na magkaibigan sila.

Inismiran ako nina hyung, "Ano pa nga bang aasahan namin? Syempre alam mo ang tungkol don. Stalker ka eh," nakangiwing sabi ni Suga hyung sakin.

Hindi ko nalang sila pinansin saka tumayo na at magpapaalam lang sana para mag-CR nang biglang magsalita si Jisoo noona, "Magkalinawan muna tayo, Jungkook."

Napalingon agad ako sakanya dahil sa sobrang seryosong tono na ginamit niya. Bahagya pa akong napalunok dahil sobrang seryoso talaga ng aura niya. "Ano yon, noona?" tanong ko.

Tiningnan niya ako nang diretso sa mata, "May gusto ka ba sa maknae namin?"

Nakita kong nabigla sina hyung dahil sa tanong na yon pero hindi sila nagsalita. Nangibabaw na naman ang katahimikan sa table namin. Nabigla rin naman ako eh. Hindi ko inasahan na didiretsuhin niya ako pero hindi naman ako natatakot na sabihin sa kanila. Natatakot lang ako na sabihin kay Lisa.

Sinalubong ko ang tingin ni Jisoo noona bago ko siya nginitian. Sinuklian niya rin naman ako ng isang matamis na ngiti, "Well, yon lang naman ang gusto kong malaman." Kibit-balikat niyang sabi saka sumandal sa upuan nang nakakrus ang dalawang braso sa harap niya.

Boy Meets Her (LisKook Fanfic)Where stories live. Discover now