Chapter 12

2.3K 99 21
                                    



Chapter 12

"Tol." Kausap ko na naman ngayon si Yugyeom. Nagpuntang BigHit sina Suga hyung, Namjoon hyung at Jhope hyung. Mukhang tatapusin nila ang ginagawa nilang kanta. Si Jimin hyung naman, umuwi muna ng Busan. Ewan ko kung bakit. Si V hyung, hindi ko alam asan. Umuwi na ata sa planeta niya. Ngayon, kami nalang ni Jin hyung ang natira sa dorm. Nasa kwarto ako at nagdo-drawing nang tumawag ang gago.

"Oh?" sagot ko.

"Alam mo ba?"

"Hindi pa. Hindi ko pa alam, Gyeom." Nakakatanga ko namang sagot sakanya. At ngayon, huhulaan ko, umikot na ang mata ng gago.

"Gago." Naaasar na sagot niya kaya natawa ako. "Seryoso kase."

"Ano ba kasi yon?"

"Alam na ni Bambam ang tungkol sa ship niyo ni Lisa."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano raw? Alam na ni nino ang tungkol sa ano namin ni nino?

Ulul ka talaga, Jungkook.

"Ha?"

"Gago. Sabi ko, ALAM NA NI BAMBAM ANG TUNGKOL SA SHIP NIYO NI LISA."

"Alam na ni Bambam ang tungkol sa ship niyo ni Lisa."

"Alam na ni Bambam ang tungkol sa ship niyo ni Lisa."

"Alam na ni Bambam ang tungkol sa ship niyo ni Lisa."

"Alam na ni Bambam ang tungkol sa ship niyo ni Lisa."

Ay tangina ha, Jungkook. Paulit-ulit?

Narinig ko ang malakas na pagtawa mula sa kabilang linya, "Huy! Buhay ka pa ba dyan?" saka siya tumawa ulit. Mabilaukan ka sana, gago.

"Actually, mukhang matagal niya nang alam. Tinanong ko kasi siya kung alam niya ba ang tungkol sa ship niyo at ang sagot niya," sabi niya saka tumikhim. "Ehem ehem. 'Ulol ka ba, Gyeom? Bakit ko naman hindi malalaman yan?' yun ang sagot niya sa tanong ko." Ginaya niya pa kunyari ang boses ni Bambam.

Hindi ulit ako sumagot kaya natawa na naman siya.

"Tinanong ko siya kung alam na ba ni Lisa na may alam siya tungkol dun at ang sabi niya, 'Masyado akong naging busy nitong nakaraang mga araw eh. Hindi ko pa siya nate-text o natatawagan man lang. Pero mamaya, te-text ko si Manoban.' Yun ang eksaktong pahayag niya, tol." Sabi niya.

Natahimik ako.

Textmates sila? Ay puta Jungkook. Paulit-ulit na naman? Saka, ano ba, Jeon Jungkook. Matagal na silang magkaibigan. Malamang sa malamang, may number sila sa isa't isa.

Sandali, ba't ka ba ganyan makareact ha? Argh. Nababaliw na talaga ako.

"Saka ko lang naalala 'tol." Nabalik ako sa ulirat nang sabihin yon ni Yugyeom. "Naalala ko lang kasi, mga, uhmmmm, tatlo o apat na buwan ata bago kami nakapag-debut pumu—"

"Kookie!" Naputol ang sinasabi ni Yugyeom dahil tinawag ako ni Jin hyung.

"Ano yon, hyung?"sigaw ko naman pabalik.

"Halika nga muna dito, maknae." Tawag niya sakin.

"Ah, Gyeom. Sa susunod nalang ah? Si Jin hyung kase eh." Pansin ko lang, masyadong hilig ni Jin hyung ang sumingit.

"Ayos lang, tol. Pinapababa na rin nila ako eh." At tama nga sya, narinig ko kase ang pagbukas ng pinto at ang boses ni Bam.

"Gyeom, kain na raw." Ang sabi niya.

Boy Meets Her (LisKook Fanfic)Where stories live. Discover now