Prologue
"BLACKPINK IN YOUR AREA~"
Napapikit ako dahil sa sobrang ingay saka inis na bumangon sa kama ko at lumabas.
"BLACKPINK IN YOUR AREA~"
Naabutan ko sina Jhope, V, at Jimin hyung sa sala na pare-parehong nakatayo't nakaharap sa TV kung saan naka-play doon ang music video ng isang bagong girl group. Sinasabayan nila ang kanta. Si Jin hyung malamang nasa kusina. Si Namjoon hyung naman, tutok sa phone niya habang nakaupo sa sofa na nasa likod nina V hyung at sumasabay-sabay sa beat ng kanta. Si Suga hyung? Malamang tulog 'yon.
Ang guloooooooooo.
"Been a bad girl, I know I am." Kanta ni V hyung. Napapoker face naman ako. Kelan pa siya naging babae? -_-
"And I'm so hot, I need a fan." Kanta naman ni Jimin hyung sa sunod na lyrics.
"I DON'T WANT A BOY, I NEED A MAN."
Napaface-palm na lamang ako. Ang ingaaaaaaaaaaayyyyy.
"Mga hyung," sabi ko sakanila na syang dahilan kung ba't natigil silang tatlo at tumingala sakin na andito sa second floor ng dorm. "Kung ayaw nyo nang matulog, please lang. Parang awa. Patulugin niyo ako." Saka ako inis na napasabunot sa buhok ko.
"Gusto kong magpahinga dahil wala tayong schedule ngayon kaya please lang. Please lang hyungnim-deul, patulugin niyo na ako." At saka sila tinalikuran para pumasok ulit sa kwarto ko. Gusto ko pang matulooooog.
Inis akong humiga ulit sa kama ko at tinakpan ng unan ang mukha ko. Saglit din silang tumahimik sa labas pero tangina, umingay na naman bigla.
"BOOMBAYAH~!"
"Argh!" Napasabunot na lamang ako sa buhok ko saka inis na bumangon nalang ulit at pumasok sa banyo. Kingina, sobrang ingayyyy~!
Lumabas ako ng kwarto ko na nakabusangot. Hindi parin sila tumitigil kakasayaw at kakakanta. Kagabi pa yan sila. Napabuntong-hininga na lamang ako saka tuluyan nang bumaba.
Umupo ako sa sofa na kaharap ng inuupuan ni Namjoon hyung saka sinandal sa sandalan ang ulo ko. Nakipagtitigan ako sa kisame saka hinintay na matapos nila ang kanta.
"Good morning, kookie~" sabay na bati nilang tatlo sakin saka kanya-kanyang pumili ng pwesto.
Napairap ako. "Walang maganda sa umaga," saka sila sinamaan ng tingin.
Bigla namang dumating si Jin hyung saka sila isa-isang pinaghahampas ng sandok, "Anong sabi ko sa inyo, ha? Diba sabi ko wag maingay at natutulog pa si Jungkook, pero ano? Gumawa parin kayo ng ingay. Sobrang ingay," sermon niya sa tatlo na parehong napahawak sa parting nahampas. "Alam nyong pagod yan si Jungkook kakapanood ng yadong kagabi."
Napapoker face na lamang ako nang sabay-sabay silang humalakhak. Kingina, yon na yon eh. Matutuwa na ako. Dinagdagan ba naman.
"Salamat hyung ha?" sarkastikong sabi ko sakanya.
"You're welcome, maknae." Saka siya tumatawang bumalik ng kusina.
"Ah nga pala, Kookie," biglang sabi ni V hyung saka tumabi sakin. Hindi ko inaalis ang tingin sa kisame.
Pinakita ko sakanya ang palad ko, "Wag mo 'kong kakausapin, hyung."
Pero likas na may lahing sobrang kulit si hyung at hinawi niya lamang ang kamay ko saka mas dinikit ang sarili niya sakin, "Alam mo na ba ang bago ngayon?"
Bored na bored na bored ko syang tinignan, "Hindi ako interesado sa kung anong anime o hentai na naman yan hyung." Nagbabagong buhay na ako, please lang. Hehe
"Iiiiiiihh, hindi naman 'yon eh." Parang batang sagot niya pa.
Bumuntong-hininga naman ako. "Mamaya ko na ichecheck kung may bagong girl group ba na nagcomeback. Madali lang kumabisado ng steps, hyung." Gwapo ko kase. #PogiProbzzzz
"Ano ka ba, Kookie. Oo na, ikaw na magaling." Alam kong nakasimangot na yan ngayon. "Tungkol kasi 'to sa'yo."
Dun na ako kunot-noong tumingin sakanya, "Bakit, hyung? May hindi ba ako alam tungkol sa sarili ko?" Hindi naman ako nagka-amnesia ah?
"Tss," singhal niya sa 'hindi masyadong' sarkastikong sagot ko. "Wala ka nga talagang alam." Bulong niya na rinig ko naman. Tanga lang, hyung? Sobrang lapit mo saken. -___-
"Maliban sa gwapo ako, ano pang hindi ko alam tungkol sa sarili ko?"
Mas sumimangot naman siya sa sinabi ko."Hindi mo alam na sobrang dami na ng shippers ng OTP niyo ni Lisa." Napakurap ako.
"Pffft hahahahahaha. Oh tapos hyung? Ano bang bago dyan? Sobrang dami na ng ships ngayon, hyung. Wag ka nang magtaka kung may magsuluputan pang mga bago." Sabi ko saka siya pinitik sa noo.
Napa-tss nanaman siya. "Masyado ka na ata talagang outdated ngayon, Kookie." Saka niya pinakita sakin ang phone niya.
Napakunot naman ang noo ko, "Hentai 'yan ah?" sabay turo sa phone niya.
"Huh?" Dali-dali niya naman itong tinignan, "Hala. Hindi ito. Hindi 'yon, Kookie. Sandali, asan ba yon."
Napatawa naman ako. Ibang klase.
"Eto," sabay pakita niya ulit ng phone niya at hindi na yon hentai o yadong ngayon.
Kundi isang edited picture.
At hindi lang basta edited picture.
"OMG. JUNGKOOK'S IDEAL TYPE EXISTS."
----
A/N: JungSHOOK at the multimedia. Lmao, credits to the owner.
YOU ARE READING
Boy Meets Her (LisKook Fanfic)
أدب الهواة[MISS RIGHT SERIES #1: JUNGKOOK] When the golden boy meets the royal princess of the other kingdom... date completed: --/--/--