SPECIAL CHAPTER: Lisa's Ideal Type
Isang ordinaryo at tahimik na araw para sa sikat na boy group na kilala sa tawag na Bangtan Sonyeondan o BTS.
Tahimik na tahimik dahil day-off nila ngayon at wala silang ginagawa kundi ang magpahinga lamang sa dorm nila.
Wala si Jimin dahil kasalukuyan itong nagpapractice para sa isang performance niya kasama ang iba pang idols sa isang nalalapit na awards show. Si Jin naman, umalis para maggrocery kasama si Taehyung kaya naman, naiwan sa dorm ang hyung line at ang maknae ng grupo.
Sobrang tahimik ng dorm at wala halos marinig na ingay mula sa mga lalake. Nakahiga sa sofa si JHope habang may suot itong earphone at nagpapamusic lang habang may kinakalikot na kung ano sa phone niya. Si Namjoon naman, nakaupo sa sahig at nakasuot din ng earphones. Si Yoongi naman na halatang inaantok-antok pa, nakaupo sa pang-isahang sofa habang nakapatong sa mesa ang mga paa. Sumuko na siya sa pagsubok na tapusin ang ginagawa niyang kanta dahil blangkong-blangko ang utak niya kaya naman, lumabas na lang siya ng kwarto at naisipang tumambay lang dahil hindi rin siya makatulog.
Habang ang maknae nila...
Well, what do you expect?
Kung siya pa yung Jeon Jungkook na hindi pa kilala ang BLACKPINK at hindi pa baliw na baliw kay Lisa, malamang, puro pagco-cover ng mga kanta ang ginagawa niya, o di kaya ay nasa practice room siya ngayon at nag-eensayo ng isang magandang sayaw, o kaya ay nagdo-drawing lang siya ng kung anu-ano.
Pero dahil hindi na siya ang lalakeng iyon, nasa loob lang siya ng kwarto niya, nakahiga sa kama niya at nakaharap sa cellphone niya.
Kani-kanina lang, nags-scan lang siya ng mga pictures sa google na related sa ship nila ni Lisa. Ngayon naman, nanonood siya ng mga video na bagong mga nai-upload na tungkol parin sa kanila ni Lisa.
"I don't want a boy, I need a man."
Lisa likes someone older than her.
Nakabusangot na siya at may iniisip na kung ano.
Balik sa tatlong nasa living room...
Ineenjoy nila ang katahimikang bumabalot sa kanila ngayon. Minsan lang kasi yan mangyari. Knowing bangtan? Once in a blue moon lang tumahimik ang dorm nila. At mukhang asul nga ang buwan ngayon dahil sa sobrang tahimik ng dorm nila.
Pare-pareho na silang mga nakapikit ngayon pero hindi naman sila natutulog. Parang kailangan lang nila ng saglit na pahinga sa mga utak nilang sobrang busy.
Akala nila, tatagal ito hanggang mamaya pero nagkakamali sila.
Dahil may isang pangahas na inistorbo ang pagrerelax ng mga utak nila.
"Mga hyung!!!!"
Isang kalabog mula sa itaas ang nakapagpamulat sa tatlo. Gulat na gulat sila dahil bigla-bigla rin ang kalabog ng pinto na mula sa isa sa mga kwarto sa itaas. Napabangon pa si JHope at halos mahulog siya sa sofa dahil sa gulat.
"Bakit? Bakit? May sunog ba? Saan? Saan?" Nasapak siya bigla ni Yoongi na ngayon ay hindi na halos maipinta ang mukha dahil sa bad trip.
Sakto namang bumaba ang salarin ng pagkakabulabog ng peace of mind nila, "Mga hyung."
Huminga nang malalim si Rapmon at pilit na kinalma ang sarili dahil baka masapak niya rin si Jungkook. Tinanggal niya ang earphones na suot niya at tamad na tiningnan ang maknae na mukhang may sobrang laking problemang kinakaharap, "Ano bang problema mo at ganyan ka makareact ha?"
YOU ARE READING
Boy Meets Her (LisKook Fanfic)
Fanfiction[MISS RIGHT SERIES #1: JUNGKOOK] When the golden boy meets the royal princess of the other kingdom... date completed: --/--/--