Chapter 41

826 27 8
                                    

Chapter 41

He really never fails to amaze me.

I mean, hindi ako makapaniwalang nakaya niyang gawin ang lahat ng ito. He made the rooftop very romantic and magical for me.

At the center, facing the busy city of Seoul, is the cream-colored sofa with pillows of different colors surrounding it. Sa baba ng sofa, may nakalatag na makapal na comforter na may nakapatong na gitara sa gitna at may unicorn stuff toy pa.
Napapalibutan ng petals ang gitna na hinugis sa isang malaking puso. May Christmas lights din na pinormang puso sa ibabaw ng mga petals.

Nang inangat ko ang tingin ko, may Christmas lights din na nakasabit sa ibabaw ng sofa. Sa kaliwang bahagi ng rooftop, may mga balloons na nakadikit-dikit at sinabit sa parang sampayan at Happy birthday, Lisa ang nakalagay.

“Ppan...” tawag niya sakin kaya napalingon ako sakanya na nasa likod ko. Masyado ata akong na-amaze sa ginawa niya at natulala talaga ako saglit.

“Happy birthday.” Inabot niya sakin ang isang box na nakabalot sa isang pink at violet na wrapper.

Inabot ko iyon, “Akala ko etong mga ‘to na ang regalo mo.”

He chuckled, “Hindi pwede ‘yon.”

Tumawa rin ako at napailing nalang sakanya. Kahit kailan, masyadong isip-bata nitong lalakeng ito.

“Kookie...” tawag ko.
“Hmmm?” aniya.

Huminga ako nang malalim saka lumapit sakanya para yakapin siya. Niyakap niya rin naman ako pabalik at ramdam kong nakangiti siya.

“Gomawo,” sabi ko. “Really...” [Thank you]

He gently stroked my hair and kissed it. I closed my eyes as I feel his warmth, his touch, his embrace, and his heartbeat.

“I love you...”

Napangiti ako at hinigpitan ang yakap sakanya nang marinig ang mga katagang iyon. Hinigpitan niya rin ang yakap niya sakin.

“I love you, too...”

It’s probably the best birthday I ever had. I’ve never felt so contented my whole entire life. Noon lang. Noong magkatabi kaming nakahiga sa comforter na nilatag niya. Nakaunan siya sa kanyang braso habang nakaunan ako sa dibdib niya at marahan niyang sinusuklay ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay.

“Kookie,” panimula ko matapos ang ilang sandaling katahimikang namutawi sa amin.

He hummed in response.

“Can you sing something for me?”

Naramdaman kong dinungaw niya ako kaya tiningala ko siya at nginitian, “Please?”

“Okay.” Tumango siya.

Umayos ako ng higa sa dibdib niya. Tumikhim siya at nagvocalization nang konti.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinanda ang sarili dahil maririnig ko na naman ang malamig pero nakakakalma niyang boses. Kaso...

“Twinkle, twinkle, little star...” panimula niyang nagpamulat sakin.

“How I wonder what you are...” Napasimangot ako. Talagang pinagpatuloy ng gago! “Up above the world so hi—Araaaaaaaay!”

“Kingina ka kahit kailan, Jeon Jungkook!” Gigil na gigil kong saad habang kinukurot ang tagiliran niya. Patuloy naman siya sa pag-aray dahil hindi ko talagang binitiwan agad ang pagkurot sakanya. “Panira ka ng moment kahit kailan! Bwisit ka!”

“A-Aray! Aray! Sorry na. Sorry na po, boss!” Pagmamakaawa niya kaya binitiwan ko na siya. Binitiwan niya ang pagkakayakap sakin saka tumagilid patalikod sakin habang hawak-hawak ang parteng kinurot ko.

Boy Meets Her (LisKook Fanfic)Where stories live. Discover now