Do you want your book in bookstores? Plus Copyright

58.1K 918 139
                                    

Posting this now kasi maraming nagtatanong.

Self-publishing is not for everyone. Effort siya! But I do it because I like making my own books, and it's fun. Pero dapat alam mo muna ang gusto mong ma-achieve bago mag-self-pub. So, ano ba talaga:

1. Do you want your book to be in as many bookstores as possible in the Philippines?

Mas maigi siguro if you make a deal with a traditional publisher. Improving your reads, vote count, and making your reader community here in WP happy is the best way to get the attention of a traditional publisher now. Sila kasi yung may paraan na mas madaling malagay sa bookstore ang book mo.

But be careful about: Contracts that have you turn over copyright of your story to the publisher. (Hindi ito standard, at dapat hindi ito maging standard. Ang copyright ay iba sa "print rights." Ang pagbigay sa publisher ng karapatang i-print ang story mo is not the same as giving them copyright of your story. (OWNERSHIP ba.) Pag binigay mo ang copyright ng kwento mo, HINDI MO NA ITO KWENTO. KANILA NA. LAHAT NG CHARACTERS KASAMA. PATI SPIN-OFF, SEQUEL, CONTINUATION, DAPAT IPAALAM MUNA SA KANILA. Isa pa: Pwede na nilang IPASULAT SA IBANG WRITER ang spin-off, sequel, continuation at iba pa.

Hindi naman masama na ibigay sa kanila ang COPYRIGHT. Sayang lang. Baka kasi di mo alam na ito ang implication noon. Kung alam mo naman, at game ka pa rin, eh di decision mo yon.

- to be continued! -

Publishing and Self-publishing: Advice for WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon