Ang storyang ito ay patungkol sa mga volleyball players na nagmamahalan at patungkol din sa kanilang pagkakaibigan. Makikita natin kung gaano katatag ang kanilang relasyon, kung paano nila nalagpasan ang mga pagsubok na ito at kung paano nila maibabalanse at ipaglalaban ang relasyon nila. Marahil sa harap ng maraming tao ay mali ito, kumbaga ba ay " BAWAL NA PAG-IBIG" . Totoo nga, " LOVE IS THE SWEETEST SIN." pero ang mahalaga dito ay kung paano mo ipaglalaban ito, sabi nga nila.. Wag pakikinggan ang mga negatibong komento patungkol sa inyong pag-iibigan dahil ang mahalaga ay masaya kayo sa isa't-isa. Dahil hindi naman sila ang nagmamahal kundi kayo..
Makikita din natin kung gaano katatag ang pagkakaibigan nila sa kabila ng pagiging RIVALS ng unibersidad nila.. Ang akala kasi ng iba na porket rivals sila ay kahit sa labas ng court ay dala pa din nila ito, ang hindi nila alam ay simula nung hayskul pa lamang sila ay magkakakilala na sila. Ang kanilang pagkakaibigan ay sobrang tatag, para itong pader na sobrang hirap tibagin..
Sa storyang ito ay may masasaktan, magseselos at magpapaubaya pero sa kabila ng mga sakit at hirap ay may kasiyahan din ito. Sieympre, bago nila matamo ang kasiyahan at makakaramdam muna sila ng hirap...
Meron akong katanungan naiiwan sa inyo..
Hanggang sa huli ba ay sila pa rin ang magmamahalan?
Matatanggap na kaya ang bawal na pag-iibigan nila?
Magiging masaya ba ang kanilang pagmamahalan?
Kayo na ang humusga.