Fille's POV
Hi guys! Ang pangalan ko ay Fille Saint Merced Cainglet, isa akong volleyball player na hinahangaan ng marami. Naghigh school ako sa St. Scholastica at kateammate ko noon don si Angeline Gervacio, magbestfriend kami ni Dzi pero simula ng makita ko ang isang chinitang tahimik na kabigha-bighani ay parang nag-iba na ang takbo ng aking utak at sa tuwing makikita ko siya ay sobrang kinikilig ako at gumaganda ang araw ko, ano kaya ang dapat kong gawin para mapansin ako ng aking chinita princess?
Mama: Fille! Bangon na at umaga na.
Umaga na pala? Teka, anong oras na ba? Ah.. 5:30 a.m. na pala eh, oo nga.. Kelangan ko na talagang bumangon dahil ang bagal kong kumilos eh.
Fille: Opo eto na.
Tumayo na ako sa aking kama at dumeretso na ako sa banyo.
*LIGO MODE*
FF
Ayan tapos na akong maligo, inayos ko na yung gamit ko at bumaba na ako para kumain. Pagbaba ko andun na si mama at papa nakain.
Papa: Oh Fille, kain ka na.
Mama: Ihahatid ka ng papa mo kaya bilisan mo.
Fille: Okay..
Nagmadali na ako sa pagkain ko, tumayo na ako at kinuha ko na yung mga gamit ko.
Fille: Ma! Tapos na po akong kumain.
Mama: Oh sige, mag-iingat ka ha?
Fille: Opo.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay na ako sa kotse ni papa.
*FF*
Nakarating na ako ng Ateneo, ang laki talaga dito at ang ganda pa. Papalapit na ako sa bulletin board ng may makita akong babaeng chinita na ubod ng ganda. Shet! First day of school, star struck agad ako! At dahil medyo may pagkastalker ako, sinundan ko siya kung saan siya papunta. Siguro nakahalata siya na parang may sumusunod sa kaniya, bigla siyang lumingon sa likuran niya at nagtama yung mga mata namin. Bigla akong namula dun, ang ganda niya talaga. Shet! She's my Chinita Princess. Yes.. You read it right, MY. CHINITA. PRINCESS. Lakas lang makaangkin no? Yaan niyo na ako, minsan lang akong magfangirl ng ganito. Nyahahaha! Nung lumingon siya sa akin, ay bigla siyang ngumiti. Siguro nakahalata siya na ako yung sumusunod sa kaniya tapos naglakad siya papalapit sa akin. Ay shet! Anong gagawin ko?
konsensya: Just be yourself, wag kang parang tanga umarte diyan. Makakahalata yang "MY CHINITA PRINCESS" mo. Haha!
Ako: Talagang inemphasize mo pa ang "MY CHINITA PRINCESS" ah? Pwede ba? Manahimik ka nga? At sino bang may sabi sa iyo na magsalita ka diyan ha? Wala naman dba? Nobody asked your opinion, so shut up.
konsensya: taray. May period lang? Oh sige na nga, mananahimik na ako but you'll thank me later.
Ako: Che! Alis. Magiging panira ka pa ng mala-teleserye kong moment eh!
I came back to reality nung nagsalita na siya. "Hi." bati niya sa akin ng may kasamang mga ngiti, napatitig lang ako sa kaniya kasi ang ganda niya talaga lalo na nung ngumiti siya. Nakakastarstruck talaga! Shet! "H-hi." bati ko din sa kaniya, ay talaga naman Fille! Nagstutter ka pa! "Are you okay? It seems like you're nervous." sabi niya sa akin. "Yea, I'm fine." sagot ko na lang sa kaniya, tumango tango na lang siya saka ngumiti. Shet naman! Wag kang ngumiti please, nakakalaglag ng panty yung pagngiti ngiti mo na yan ah. "I'm Gretchen Ho, by the way." Pagpapakilala niya naman sa akin, ang ganda na nga niya tapos ang ganda ganda pa ng pangalan niya. Ano ba naman ito, nung umulan ng kagandahan naulanan siya ng bongga. "I-I'm Fille Cainglet." pagpapakilala ko din sa kaniya, "cute naman. Just like the owner." sabi niya na lang bigla kaya naman bigla akong napalingon sa kaniya, kitang kita kong nakangiti siya tapos ako naman. Heto, tulala ang lola niyo. "Uh... Ikaw din, ang ganda mo at ang ganda din ng pangalan mo.." sabi ko na lang sa kaniya at aakmang aalis na sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa aking braso, "hep hep. Wait, we're not yet finished." sabi niya sa akin. "h-huh? b-bakit?" tanong ko naman sa kaniya. "Well, I was thinking if I can invite you later." sagot niya sa akin. "Invite saan?" "Uhm. Lunch, just the two of us. If you don't mind though. I mean, I don't have anybody. So, I was thinking if I could ask you out for lunch. It's a great opportunity for us to get to know each other, right?" Natawa lang ako sa kaniya, ang haba kasi ng sinabi niya eh. Papayag din naman ako sa gusto niya, "ang dami dami mong sinabi. Oo lang naman ang sagot ko diyan." sabi ko naman sa kaniya at nakita ko sa kaniyang mukha yung sobrang pagkatuwa, alam niyo yung. Ngiting ngiti siya. Kaya lalong naningkit yung mga mata niya, ang cute cute niya. Juicecolored naman oh! "R-really?! Yes! I-I mean, that's cool.. So, what time am I going to pick you up?" "Siguro mga 12 nn na lang para saktong lunch dba?" "yea sure.. Well, I-I need to go. I still have classes and I'm really looking forward to our lunch date. I mean, lunch. Hehe." sabi na lang niya tapos napakamot siya sa kaniyang ulo, napangiti na lang ako sa kaniya tapos lumakad na siya papalayo. Nakakatawa yung reaksyon niya, ang cute cute niya. Napakagat ako sa aking labi at nailing iling na lang ako tapos naglakad na din ako papalayo.