Alyssa's POV
Ay paktay! Galit si DenDen!! Kasi naman eh... Paano ba ako makakabawi dito? Nako, kelangan kong mag-isip ayokong galit sa akin tong babaeng toh.. Hirap hirap pa naman suyuin nito!! .
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
AH! Alam ko na, may try outs ng volleyball mamaya! Yayayain ko tong babaeng toh pero bago muna yun, kelangan ko munang mahanap si DenDen.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Den's POV
Hay nako, nakakainis naman talaga oh! Sige, kayo na sweet. Eh ako? Nganga na naman! Tanga tanga mo naman kasi DenDen eh!
Alyssa: Den!!
Eh?? Bakit ako hinahanap nento, akala ko ba kasama niya si Kiefer.. Pssshhhh..
Ako: Ano?
Alyssa: Sorry na Den.. *sad face*
Hala siya, hindi ko pa naman matiis pag ganito na mukha nento.. Hindi! Kelangan kong tiisin! Pride muna Den!
Ako: Sorry.. Tssss... Gumawa ka lang pala ng rason para makasama yung lalakeng yun eh. Edi sana sinabi mo na lang yung totoo, maiintindihan ko naman eh.. Hindi yung nagsinungaling ka pa.
Alyssa: Eh Den, alam kong magtatampo at masasaktan ka eh...
Ako: MAGTATAMPO?! MASASAKTAN?! EH MAS MASAKIT NGA TONG GINAWA MO EH. NAGSINUNGALING KA! KUNG SASABIHIN MO YUNG TOTOO NUNG UNA PA LANG MEDYO HINDI AKO MASASAKTAN KASI NAGSABI KA AGAD.. EH ETO?! ANO TOH?! EH DIBA HARAP HARAPAN KA NG NAGSINUNGALING SA AKIN AT SINAKTAN MO PA AKO!
Alyssa: *paiyak* Sorry na Den, promise babawi ako sa iyo. Wag ka ng magalit sa akin, Please. Hindi ko kasi kaya na nagagalit ka sa akin eh.. Den, sorry na... TT___TT
Nako, umiiyak na toh.. Kasi naman eh. Errrr.. Hindi ko din naman matitiis to..
Ako: *hug* Sige na, wag ka ng umiyak. Okay na tayo. Sorry na din sa mga sinabi ko.. Tama na, wag ka ng umiyak please.
Hindi ko kayang nakikita kang umiiyak ng dahil sa akin.. Sorry na mahal ko. :(
Alyssa: *hug ng mahigpit* Den... Sorry talaga... Babawi ako promise!