Alyssa's POV
Hi! Ako nga pala si Alyssa Valdez. Graduate ako sa University of Sto. Thomas High School, kateammate ko noon ay yung best friend ko na si Kim Fajardo at si Dennise Lazaro naman ay kakilala ko nung high school ako. Nagkahiwalay na kami ng bestfriend ko na si Kim kasi nag-aaral na siya sa DLSU at si DenDen naman bihira ko na lang makausap kasi laging busy daw. Ewan ko ba dun, lagi namang ganun yun simula nung high school pa lamang kami. Laging tahimik at minsan lang makipag-usap pero sobrang bait naman nun lalo na pag nakilala mo talaga siya. Anyway, isa akong volleyball player nung high school ako at hanggang magcollege ako, maglalaro pa din ako.
Mama: Anak, gising na.
Ako: Uhhh.. Anong oras na po ba?
Mama: 5:45 na, gising ka na at baka malate ka pa.
Ako: Sige po ma...
*Ligo mode*
FF
Katatapos ko lang maligo at bumaba na ako para kumain.
Mama: Good morning nak.
Papa: Oh, good morning Alyssa.
Ako: Good morning mama at papa.
Papa: Oh? Excited ka na ba?
Ako: Opo naman po.
Mama: Mabuti naman kung ganon.
FF
Katatapos ko lang kumain at umalis na ako ng bahay...
FF
Ayun, kararating ko lang ng school. Ang laki talaga ng ADMU at ang ganda pa!!! Dream school ko talaga toh!! Teka, parang pamilyar yung babaeng nakaupo dun sa bench. Lapitan ko nga.
Ako: Hi...
Tumigin siya sa akin tapos inalis niya yung hoodie nya..
.
.
.
.
.
.
OH MY GOD, SI DENDEN! Ang ganda niya pa din talaga.... Urgh! Ano ba Alyssa, tigilan mo nga yan. Babae ka at babae din si DenDen!
Den: Ly?
Ako: Oo ako nga.
Den: Haha. Hindi ka pa din nagbabago, halika maupo ka.
Umupo ako sa tabi niya, edi ayun awkward silence. Nakikinig lang siya ng music sa ipod niya, as always....
Kami: Musta na?
Kami: HAHAHAHAHAHA!
Natawa na lang kami kasi nagsabay kami...
Den: Okay lang naman ako, ikaw ba?
Ako: Okay lang din naman. Wala ka pa ding pinagbago. Tahimik ka pa din. HAHAHA!
Den: Psssshhhh... Meron na din noh, himala nga eh.. Dahil nakikipag-usap na ako sa mga tao. Ikaw, wala ka pa ding pinagbago.. Makulet ka pa din. The same ol' Alyssa Valdez na nakilala ko. HAHAHAHA!
Aray ha.. So, ganun pa rin tingin niya sa akin? Yung childish Alyssa na nakilala niya.
Ako: Sus! Aminin mo Den, namiss mo tong pagiging makulet ko! HAHAHAHA!!