Hawak-hawak niya ang kaniyang dibdib habang hinahabol ang hininga. Hindi niya alam kung saang lugar siya ngayon napadpad.
Masyado ng pagod ang kaniyang katawan sa kakatakbo sa mga tauhan ng kaniyang pamilya lalo na ang kaniyang ama.
She was always wishing that she's not born in higher society. Na sana ay isa na lamang siyang normal na tao, kung saan puwede siyang lumabas na walang nakabuntot na mga tauhan. Nagbabantay o nagsisilbi para sa kaniya, o puwede siyang lumabas na hindi nakakaagaw ng pansin ng mga tao.
Hindi niya alam kung bakit maraming naghahangad sa kaniyang buhay na kahit kailan ay hindi naman niya ginusto.
She preferred to be normal, an ordinary person. Sana ay naging ganoon na lamang siya.
Tila ang airport kung nasaan siya ngayon ay kay laking mundo sa dalaga. Dalawampung taong nabubuhay siya ngunit ngayon lamang ito nakalabas. She feels like she's been in jailed!
Maliksi ang bawat pag-aninag niya sa paligid. Tila nagmamatyag sa maaaring sumunggab sa kaniya kahit pa ilang oras nang walang humahabol sa kaniya matapos makapasok sa eroplanong patungo sa bansang hindi niya kilala. Ang tanging alam lamang niya ay ang pangalan nitong, Pilipinas.
Tumingin siya sa suot na halos bumakod sa kaniyang katawan sa malamig na kapaligirang pinanggalingan niya. Ngunit ang suot niyang makapal na tela na gawa sa balat ng hayop ay tila hindi angkop sa lugar na iyon.
Nakikita na niya ang daanan palabas ng airport. Tila isang paglaya ang kaniyang ginawang pagtakas at ang hindi pagsunod nito sa kaniyang ama sa nais.
Saktong paglingon niya ulit sa pinanggalingan, ay siyang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang iilang kalalakihang matamang iniisa-isa ang bawat tao at paligid kung saan puwede siyang kumubli.
Malalaking hakbang ang kaniyang ginawa habang tinutungo ang labas. Abo't-abot na niya ang kalayaan. Kasabay nang pag-inog ng kaba at kasabikan din sa ideyang makakalayo na siya sa mga ito!
If this is the only thing to have her freedom, then, she might as well continue whatever she started.
Kaya noong marinig ang isang sigaw mula sa kaniyang likuran ay hindi na siya nag-atubili pang tumakbo palabas. Nagpalinga-linga siya sa maaaring makatulong sa kaniya. Ayaw na niyang bumalik sa kanila. Ayaw na niyang may kumokontrol sa lahat ng kilos at desisyon niya. Ayaw niyang pumayag sa gusto ng kaniyang ama. Like any other normal girl or even princesses, she have her own dreams that she wants to achieve. She have her own set of ideal thing she wants to have. Ngunit nawala lamang iyon noong muling pakialaman ng kaniyang pamilya, lalo na ng ama nito ang buhay niya.
Malayang dumaloy ang mainit na luha sa kaniyang mukha. Naghahalo ang kaniyang luha sa pawisang mukha niya na kailan man ay hindi niya naranasan.
Isang tili ang namayani sa kaniyang bibig nang makabangga siya ng taong dapat ay papasok na sa sasakyan nito. Nanlaki ang mata niya nang makalabas ang mga tauhan ng kaniyang ama habang nagpalinga-linga ang mga ito sa paligid.
Sa takot na baka makita siya ay agad na siyang nagmakaawa sa taong nakabunggo niya.
Hindi na niya ininda pa ang pagka-irita sa mukha ng estranghero. Mas importante sa kaniyang matakasan ang mga sumusunod sa kaniya.
Napalunok ito upang gamutin ang tuyo niyang lalamunan. Alam ng dalagang ilang minuto man simula ngayon ay bibigay na ang kaniyang katawan. She's sleepless, tired, and feels light because of starvation, and feels numb.
"C-can you help me, please? I want to get out in here, please, please," she said, pleading for her life and safety and for her freedom as well.

BINABASA MO ANG
SMS 2: Astro's Erotica [COMPLETED]
General FictionMATURE CONTENT! DON'T READ IF I WERE YOU BECAUSE IN THE FIRST PLACE I.DID.NOT.FORCE you to read this! Desperate to leave her strict father, Sienna had a chance to fled away from her country and landed in a country named the Philippines. She wants h...