Chapter 17

22.2K 553 23
                                    

~Leave~

Nagising si Sienna na parang mayroong gumagalaw nang marahan sa kaniyang buhok. Gusto pa niyang matulog, lalo na at masarap sa pakiramdam iyong niyayakap niya.

Ang init at ang bango!

She moaned cutely and scooted more closely to the thing she's hugging.

Nakarinig siya ng isang malalim na paghinga at nakaramdam siya ng isang halik sa kaniyang buhok.

Ngunit hindi niya masyadong napagtuonan ng pansin iyon dahil sa nararamdaman pa nitong antok.

"Good morning."

Narinig niya iyong malalim ngunit malumanay na boses na dumagundong doon sa mismong hinigaan niya. Gusto na niya talagang magmulat ng mata para matingnan kung ano iyon ngunit tamad na tamad talaga siyang gawin iyon.

She annoyingly and cutely moaned before she buried her face on the warm thing where she's sleeping.
May narinig na naman siyang isang malalim na paghinga bago gumalaw ng bahagya ang kaniyang hinihigaan. Mismo kung saan nakahimlay ang pisngin niya.

Naramdaman niyang tumagilid ang kaniyang hinihigaan paharap sa kaniya. Napanguso siya bago muling sumiksik sa bagay na iyon. Hindi na napansin ang malakas na brasong pumulupot sa kaniyang beywang at ang muling pagpatak ng isang marahan at magaang halik sa kaniyang buhok.

Masarap sa pakiramdam ang init na bumabalot sa kaniya na sa tingin niya ay ayaw na niyang bumangon at manatili na lamang na nakakulong sa mainit na bumabalot na iyon sa kaniya.

Muli siyang nakatulog dahil doon, with a sweet and peaceful smile on her lips and also drowned by a calm and warm caress of someone in her hair. Hindi naman niya iyon naramdaman ng ganoon noong nanduon pa siya sa kanila. Kahit na minsa'y nilalambing niya ang ina na tabihan siya ay hindi ganoon ka komportable at kasarap ang kaniyang pakiramdam.

Kahit iyong dalawang kapatid niyang kambal ay hindi rin. Lalo pa at malikot siyang matulog kaya lumalayo ang mga ito sa kaniya.

Nagising lamang muli si Sienna noong maramdaman ang mainit na bagay na unti-unting kumakawala sa kaniya.

She moaned and stretched her arm to stop the warm thing.

"No!" nakangusong pagrereklamo nito habang nanatiling nakapikit ang mga mata. Natigil sa paggalaw ang bagay noong mahawakan niya ito.

Napangiti at tumakas ang isang payapang paghinga sa kaniya nang unti-unting bumalik sa pagyakap ang mainit na bagay sa maliit nitong katawan. May narinig na naman siyang isang malalim na paghinga ngunit hinayaan na lamang niya iyon bago muling ikinulong ang sarili sa bagay na iyon at inilibing ang mukha kung saan naririnig nito ang isang payapang tunog. It sounds like a heartbeat of someone and its lulling her to sleep again.

"Baby, I need to prepare our breakfast," the deep voice murmured.

Hindi iyon pinansin ni Sienna.

Ngumuso lamang at mahinang umungol bago ipinalagay muli ang sarili sa masarap at komportableng pakiramdam.

Once again she is lost in the warmth of the thing that cocooning her small frame. Hindi niya alam kung bakit ganoon siya ka antok at pakiramdam niya ay masyado siyang na pagod.

Tuluyan na talaga siyang nagpahila
sa antok.

Muling nakita ang ama sa kaniyang panaginip. Ramdam niya ang galit ng ama. Ramdam na ramdam na tuluyang nagpaiyak sa kaniya. Ayaw niyang magalit ito sa kaniya ngunit ayaw niyang maikasal. Ayaw niya sa naging desisyon ng ama dahil alam niyang habang buhay siyang makukulong sa isang desisyon lamang at pagsisihan niya iyon habang buhay.

SMS 2: Astro's Erotica [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon