Chapter 5

28.8K 550 4
                                    

~Sleep~

Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Sienna habang pinagmamasdan niyang sinusuri ni Astro ang sugat niyang natalsikan nang mainit na mantika. Hindi niya alam kung ano ang gagawin para mawala ang tensyong nararamdaman. She felt so shy and nervous na hindi siya kaagad nakakapag-isip kung ano iyong susunod na gawin niya. Lalo pa at halata niyang galit ang binata.

"Does it hurts?" seryosong sabi ni Astro sa kaniya noong muli itong tumingin kay Sienna na ikinagulat ng huli. Mayroon talaga sa boses nito na sobrang nagpapakaba sa kaniya. She feels instantly melting just hearing those deep and husky baritone voices.

"Not really," she said in a soft whisper before she looked away from his intense gazes and when the man jaw clenched tightly. Tila galit ito ng husto sa kaniya dahil sa kasalanang nagawa.

Wala sa sariling inilibot niya ang paningin sa silid ng lalaki. It's plain grey. Walang kahit na anong display ang naroon. Ang malawak na kama'y nababalutan ng puti at makapal na bed sheet at comforter, bukod pa roon ay napansin niya rin ang maraming unan na nakahilera sa bandang headboard.

Kaagad na nakahinga nang maluwag si Sienna nang maramdaman ang maingat na pagbitaw ng lalaki sa kaniyang palapulsuhan. She feels the amusement building up inside her because she did not expect that a man like him that looks rugged and ruthless could be this gentle too.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng lalaki kaya muli siyang napatingin dito. Her heart is still beating very fast. Sa isip niya ay mas malala pa iyong nararamdaman niya ngayon kaysa noong minsa'y humarap ito sa libo-libong tao upang ipamahagi ang speech niya.

Sinundan niya ng tingin si Astro nang tumayo ito. Kaagad siyang nag-panic kung kailangan niya rin bang tumayo, magpasalamat at aalis na sa silid nito.

Ngunit bago pa man siya makapag-isip ng gagawin ay muli niyang narinig ang boses ng binata na kaagad na nagpatayo ng balahibo sa likuran ng kaniyang leeg.

"Stay here, I'm just going to take my bath."

Kaagad siyang napatayo at kaagad na nataranta na hindi niya naman alam kung bakit. Mahihimatay talaga siya kapag kaharap ang binata ng mas matagal. Hindi niya talaga makakayanan ang hatid nitong kaba sa kaniya.

"H-huh? But, uh... I need to clean the dirty plates and the... table," parang biglang umatras ang kaniyang dila nang tiningnan siya ni Astro gamit ang tamad na mga mata.

"I'll do it," medyo mariing sabi ni Astro. Sienna widened her eyes towards him.

"B-but this is your room," she insisted. Umaasang sana ay naiintindihan iyon ng kaharap at huwag nang magsalita pa.

She saw how Astro forehead folds even more. Wala sa sariling pinagpipisil niya ang mga daliri sa bawat isa para mabawasan ang tensyon at kabang nararamdaman.

Nakita niya rin ang mayamaya lamang na pagnguso ni Astro habang nakakunot pa rin ang noo nito. Mas lalo siyang kinabahan dahil doon. Hindi siya talaga maalam sa pagbabasa ng mga tao kaya hindi niya alam kung anong maaring iniisip ng binatang kaharap.

"Okay," Iyon lamang ang nasabi ni Astro bago tumungo sa banyo nito. Bigla namang nakahinga nang maluwag si Sienna na hindi man lamang niya namalayang pinipigilan nito ang paghinga.

Mabilis siyang lumabas ng silid ng lalaki at tinungo na lamang ang sink para makapag-toothbrush gamit ang toothbrush na ibinigay sa kaniya ni Astro.

Sienna scolded herself for being so reckless when she realized the lack of things she has.
Wala siyang pera, wala ring kahit na ano, kahit mga damit. Mabuti na lamang talaga at pinahiram siya ng binata noong damit nito. Atsaka, mabuti na lamang at wala ang binata noong umaga kaya kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag noong nilabhan ang suot niyang underwear at isinuot na lamang ulit noong matuyo na.

SMS 2: Astro's Erotica [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon