Isang sulyap , Isang tingin

3.5K 27 4
                                    

Nakakabighani ang iyong mga mata,
Mga matang nang-aakit.
Na sa isang sulyap , isang tingin ,
Nagbago na ang lahat.
Biglang tumigil ang mundo.
Tumibok bigla ang puso.
At wala ginawa kundi kumalabog,
Kumalabog na parang wala nang bukas.
Na akala mo sa isang lingat mo lang,
Maglalaho ka nalang bigla.
Kaya nilalasap ko ang mga oras, minuto , at segundo.
Mga panahon na nandyan ka lang sa paligid,
Kasama mo ang mga kaibigan mo.
Nakikita kong masaya ka.
Nakikita ko ang mga ngiti sa iyong labi na akala mo'y wala ng wakas.
Mga mata mong mapang-akit na kahit anong oras , pwede mo ako mapasunod.
Kisig mo'y naiiba sa lahat.
Subalit sa isang sulyap, tingin lang,
Biglang tumigil ulit ang mundo.
Kasabay nito ang paglakas ng ihip ng hangin,
At biglang paglakas ng ulan.
Ulan na rumaragasa sa aking mukha at katawan,
Na nagmistulang basang sisiw na dinadama ang sakit na nadarama,
Na makita kitang masayang masaya.
Masaya sa piling ng iba.
Masaya kayo at nagsasaya ng mga oras na magkasama kayo,
Ang mga ngiti mo ay ibang iba kaysa sa pang karaniwan na ngiting nakikita ko sa kanyang labi.
Pero samantalang ako?
Nilalasap ang mga sakit at hapdi,
Nang makita kitang masaya,
Masaya sa iyong sinisinta.
Pero wala akong ginawa,
Wala akong ginawa para makausap ka.
Hindi ako nagkusa mag first move para lang mapalapit ako sayo.
Kasi natatakot ako na kapag lumapit ako sayo,
Lalayuan at pandidirihan mo ako,
Dahil simple lang akong babae.
Yung tipong hindi kapansin pansin.
Sa madaling salita, hindi kaakit-akit.
Kaya hanggang sulyap / tingin nalang ako pagdating sayo.
Pero wala na palang mas sasakit pa kaysa sa mistulang hindi nag-eexist sayo.
Kaya heto ako ngayon,
Umiiyak sa kawalan.
Umiiyak na parang wala nang wakas.
Walang tigil na lumuluha at nasasaktan.
Pagkatapos ng lahat ng ito,
Sumalyap ako ulit ako sayo sa huling pagkakataon,
Pagkakataon na para tingnan ka ulit.
Tingnan ka mula ulo hanggang paa.
At pagkatapos ng lahat ng iyon,
Umalis ako,
Pumunta ako sa lugar na kailanman  hinding hindi na kita masusulyapan at matitingnan pa.
Pero makalipas ng ilang taon,
Hindi sinasadyang pagtagpuin tayo ng tadhana,
Ngunit nang masulyapan at makita ka muli,
Wala na kong naramdaman pa.

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon