Sabi Mo

9K 55 14
                                    

Nangako ka,
Nangako na sabi mo na lagi kang nandyan,
Nadyan palagi sa tabi ko.
Sabi mo gagawin mo ang lahat ng makakaya mo,
Para lang mapasaya mo ako.
Sabi mo tanggap mo ako,
Tanggap mo kung sino man ako.
Sabi mo mamahalin mo ako,
Mamahalin mo ako hangga't nabubuhay ka pa.
Sabi mo ikaw ang magsisilbing proteksyon ko,
At ipaglalaban ang pag-iibigan natin.
Sabi mo sabay natin papasanin ang nga problema,
Problema na dumating at dadating pa.
Sabi mo walang sukuan,
Kahit ano man delubyo o suliranin na dumating.
Sabi mo ako lang,
Na kailanman ay hindi na maghahanap ng iba.
Kaya habang tumatagal,
Nasanay na ako.
Nasanay sa mga "sabi mo"
At naging komportable.
Ngunit hanggang saan ba ang kaya ng mga sinasabi mo?
Na akala ko okay na.
Na sa mga "sabi mo" ay okay na ang lahat.
Pero nagkakamali pala ako.
Napagtanto ko na puro ka lang salita,
Wala ka sa gawa.
Sinanay mo ko sa mga "sabi mo"
Ang mga "sabi mo" ay mistulang salita lamang,
Na parang mahika ng mga salitang binitawan mo,
Bagkus ang mga "sabi mo" rin ay unti unting nawala.
At tila ito'y naglaho.
Naglaho ng parang bula.
Pero alam mo ba kung ano ang mas masakit?
Kung wala kang ideya,
Mabuti pa at sabihin ko na ito sayo.
Ang mga "sabi mo" o pangakong binitawan mo noon,
Ay ganoon na din ang mga "sabi mo" sa taong sinisinta mo ngayon.

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon