Sa tuwing ika'y nasisilayan,
Ako'y kinakabahan.
Sa tuwing ika'y nandyan,
Ako'y pinagpapawisan.
Sa tuwing makakausap kita,
Tila naglaho ang aking mga salita.
Sa tuwing ika'y mapapatingin,
Wala pa ko sa alas kwatro kung makaiwas ng tingin.
Ano nga ba ang meron sayo?
Kapag mapapalapit ka, napapalayo ako,
Napapalayo dahil sa sobrang kaba,
Na aking natatamasa.
Hindi ko alam kung may sakit lang ako,
O sadyang tinamaan lang sayo?
Tinamaan na nga ba ako?
O may sakit lang ako?
Yan ang tanong naa pumasok sa aking isipan,
Na hindi ko mahanap ang kasagutan.
Kaya naman pumunta ako sa doktor ng aking ina,
Pero sabi naman sa resulta,
Wala naman akong sakit.
Kaya napagtanto ko nalang,
Na nahulog na pala ako sayo.
Tinanong ko ang aking sarili,
Nahulog na ko,
Masasalo mo kaya ako?
Kaso nakalimutan ko pala,
Na langit ka,
At ako naman ay lupa.
Imposibleng maging tayo,
Kasi ang puso mo,
Ay naglalaman ng iyong sinisintang iba.