Larong Kalye

1.1K 6 1
                                    

Sa kalye may nga laro na paborito ng nakararami,
At may mga sadyang pinagpala at may sadyang nalulugi.
May mga tapat maglaro at mayroon ding ilan na mandaraya.
At normal na ang iyakan kapag may mga nadarapa.

Tulad ng Langit Lupa,
Hindi ka ba napapagod?
Hindi ka ba napapagod sa taong ayaw naman magpahabol sayo?
Hindi kaba napapagod maghabol sa isang tao na kailanman ayaw magpataya?
Meron mga taong napapagod,
Napapagod na maghabol sa isang tao kailanman hindi maabot,
Kasi langit siya at ikaw ay lupa
Sa sobrang taas niya, hindi mo siya maabot,
May limitasyon lang ang lahat.
Hanggang lupa ka lang, hindi mo siya mahahabol hangga't hindi siya bumababa sa lupa.
Baba nga siya sa lupa,
Pero babalik din siya sa kanyang pinanggalingan.
Nakakainis lang,
Kasi kahit ilan beses ka nang taya sa larong ito,
Patuloy ka parin lumalaban,
Hinahabol ang mga taong ayaw magpahabol sayo.
Ang lupa ang tangi mong masasandalan.
Ang lupa ang nagsasabing,
Magpahinga ka muna,
Uminom ka ng tubig,
At muli tumakbo pag muli nang handa.
Kahit sa habulang ito,
Ikaw lagi ang taya.

Tulad ng taguan,
Hindi ka ba napapagod hanapin ang isang taong ayaw magpahanap?
Paano kung meron naman iba dyan,
Pero siya parin ang hanap-hanap ng iyong mga mata,
Na handa siya magpahanap para sayo,
Pero iba parin ang iyong mga mata.
Hindi sapat ang liwanag para mahanap mo ni anino man niya,
Hindi sapat ang paghihirap mo para lang mahanap mo siya.
Hindi kaba naiinis na kung saan sulok mo pa siya hinahanap,
Pero hindi mo parin siya makita?
Na nasa likod mo na nga iyong hinahanap,
Handa mo siyang alisin sa iyong mga mata na para bang nakakapang-mahid na piring.
Yung tipong handa mong suyuin ang mga dagat,
Kahit maraming patibong sa iyong dinadaanan, handa mo rin suyuin ang gubat.
Lahat gagawin mo para sa kanya.
Handang sumugal kahit sa larong ito, ikaw parin ang sawi.
May mga hindi inaasahang lugar kung saan matatagpuan
Ang hinahanap mong tanglaw sa nakakakasawang hanapin.

At tulad ng patintero,
Hindi ka ba napapagod magbantay?
Kahit anong bantay mo ay nakakatakas parin sila,
Nakakatakas sila sa iyong bisig na iyong pinag iingatan.
Pinag iingatan na matalo nanaman sa larong ito.
Mapaglaro pero kailangan mo silang pigilan,
Bago man makarating sa kanilang pinaggalingan ulit.
Pero huli na ang lahat,
Narating na nilang lahat ang kanilang tagumpay.
Sa larong ito, kayo ulit ang taya.
Maya maya lang ay talo nanaman kayo
Na dumating sa punto na paulit ulit lang kayo natatalo,
Na kahit ano pang gawin niyo,
Sawian parin kayo.
Mahirap makipaglaro sa taong lubhang mapaglaro,
Na kapag pinalampas mo, mas mahirap hulihin.
Tumalikod ka lang, nakalampas na sila.
Isang uto lang nila sayo, nakaalis na sila.
At patuloy parin ang laro,
Sa laro kung saan kayo nanaman ang sawi.

Sa kalye may mga laro na paborito ng nakararami,
Kung saan may sadyang pinagpala at may sadyang nalulugi.
At kung minsan di na mahalaga kung umuwi ka man na talunan.
Basta naglaro ka ngayon, at bukas handa kang maglaro na naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon