Mahal Kita

2.4K 16 1
                                    

Bakit ba kita minahal?
Simple lang.
Mahal kita dahil mabait ka
Mahal kita dahil sa ugali mo.
Mahal kita kasi napapasaya mo ko.
Mahal kita kasi hindi ka nag aalinlangan tulungan ako.
Mahal kita dahil pogi ka.
Yung tipo makikita lang kita,
Mapapalaway ako sa iyong taglay na kapogian.
Mahal kita dahil napaka galang mo sa mga babae at lagi ko inaalalayan yung mga babae.
Mahal kita kasi may respeto ka sa mga babae.
Mahal kita kasi iba ka sa mga ibang lalaki na nakilala ko.
Mahal kita kasi sa tuwing makikita kang may ibang kasama,
Ako'y nagseselos sa inyo.
Mahal kita kasi dinadamayan mo ko sa tuwing may problema ako.
Mahal kita at wala akong pake kung may tutol sa atin,
Ang importante, mapaglaban natin ang pagmamahalan natin sa isa't isa.
Mahal kita hindi ito bola.
Totoo at walang halong biro.
Mahal kita kahit ang tingin mo lang sakin ay isang kaibigan lamang.
Mahal kita kahit may mahal ka nang iba.
Mahal kita kahit ako lang ang nagmamahal.
Mahal kita kahit dumating sa punto na sobra na akong nasasaktan.
Nasasaktan dahil una sa lahat, hindi mo ko mahal.
Na ang tingin mo lang sakin ay kaibigang maasahan.
Kaibigang nandyan upang damayan ka.
Pero nandyan naman ako para mahalin ka,
Ngunit bakit may mahal kang iba?
Natatanong ko sa sarili ko,
Ano ba meron sa kanya na wala ako?
Ano ba ang ugali niya na wala ako?
Mahal kita ngunit tila ako lang ang nagmamahal.
Isang pag ibig na ako lang ang nagmamahal.
Na ako lang ang lumalaban na kahit sa simula palang ,
Ay talo na agad ako.
Talo na ako.
At kahit ipaglaban ko ito,
Talo parin ako.
Kahit isugal ko pa ang buhay ko para sayo,
Talo parin ako.
Kaya heto ako ngayon,
Na kahit nasasaktan ako ng sobra sobra,
Mahal parin kita.
Mahal na mahal kita.
Pero mahal kita kaya pinapalaya na kita.
Pinapalaya na kita sa kanya.
Mahal kita kaya sana maging masaya kayo.
Mahal kita kaya hindi na kita gagambalain pa.
Pero wag kang mag alala,
Kahit wala na ako sa tabi mo,
Mahal parin kita.
At hindi ito magbabago.

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon