Hay pag-ibig nga naman
Kapag tayo ay natamaan,
Wala nang magagawa kundi sundin ito
Pero kapag nasaktan na tayo ,
Walang humpay na pagluha ng mga matang ito,
Nagkukulong sa isang sulok
At nag-iiyak at umaasa,
Umaasa na babalikan nila,
Babalikan nila tayo.
Na maibabalik pa ang dating tayo.
Pero,
Bakit ganun sila?
Makalipas na ilang taon, buwan at segundo,
Walang bumalik ni anino nila.
Paano kaya maghihilom ang sugat ng nakaraan natin.
Paano makakalimutan lahat ng pinagsamahan namin.
Ano kaya ang gamot sa masalimuot na pag ibig?
Paano kaya natin makakalimutan yung mga pinagsamahan namin,
Lalo na yung kanilang itsura at kanilang tindig.
Ano kaya gamot sa mga nasaksaktan tulad ko sa pag-ibig?
Saan kaya mabibili ito?
Yung tipong isang inom lang,
Mawawala na lang agad ito.
Mawawala ng parang bula.
Kaso nakalimutan ko pala,
Nakalimutan na wala palang gamot sa masakit na karanasan natin sa pag-ibig.
Kainis naman si kupido,
Matatamaan ka na nga lang,
Sa magbibigay pa ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Ang duga talaga.
Hay pag-ibig,
Balang araw,
Makakalimutan ko din yan.
Makakalimutan ko yung mga pinagsamahan natin,
Makakalimutan ko din yung panahon na magkasama tayo.
Mga panahon masaya pa tayo
Mga panahon na tayo pa,
At walang problema.
At balang araw din,
Makakalimutan rin kita kahit wala man gamot sa pag-ibig.A/N: Happy 2k Reads! Thank you sa mga nagbasa at magbabasa pa. Lovelots and Enjoy!