Paano Magmahal ng Hindi Nasasaktan?

2.6K 21 1
                                    


Maraming tanong ang pumapasok sa aking isipan,
Ngunit may bukod tanging tanong ang hindi mabigyang kasagutan,
Paano magmahal ng hindi nasasaktan?
Marahil naguguluhan kayo sa aking katanungan,
At madalas naitatanong niyo rin iyan.
Uulitin ko.
Paano nga ba?
Paano nga ba magmahal ng hindi nasasaktan?
Mukhang mas mahirap pa kaysa sa tanong na "Find the X and Y" o anumang katanungan.
Well ganito lang yan.
Kung magmamahal ka lang naman,
Dapat handa ka narin masaktan.
Kakambal ng pagmamahal ang masaktan.
Kakambal ng saya ang lungkot.
Kung natatakot kang masaktan ng taong gusto mo,
Bakit hindi mo subukan?
Subukan mo,
Kung hindi mo susubukan,
Kailan pa?
Hanggang sa may iba na siyang gusto?
Kaya hangga't hindi pa huli ang lahat,
Subukan mo magtapat sa kanya na gusto mo siya.
Malay mo,
Gusto ka rin niya.
Kung hindi naman,
Okay lang yan.
Atleast sinubukan mo,
At wala namang nawala sayo diba?
Senyales iyon na hindi kayo nakatadhana sa isa't isa.
At para sa susunod mong magustuhan, hindi ka na ganun masasaktan.
Pero paalala lang,
Walang nagmamahal ng hindi nasasaktan.
Kung gusto mo ang isang tao o mahal mo na siya,
Ihanda mo na ang sarili mo sa anumang sakit na dumating at dadating pa.

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon