Salamat kasi nakilala ko ang isang tulad mo,
Isaang tulad mo na ang daming naitulong sakin.
Salamat dahil naging kaibigan kita.
Salamat sa pagtulong mo sakin.
Salamat sa walang sawa pakikinig sa aking problema,
Mapamaliit man na problema o mapamalaki man.
Salamat sa pagbigay sakin ng payo,
Payo na makakatulong o sulusyon sa aking problema.
Salamat dahil dinamayan mo ko,
Noong panahon na kailangan ko ng kausap.
Salamat kasi tinuruan mo ako magmahal,
Magmahal ng walang pag aalinlangan,
At hindi natatakot na masaktan.
Salamat dahil pinasok mo ako sa iyong mundo.
Salamat nang dahil sayo,
Nagkaroon ng kulay ang mundo ko.
Salamat sa pagmamahal na pinaramdam mo sakin.
Sa pagpaparamdam na mahalaga ako sayo.
Salamat dahil tinuring mo ako espeyal sa buhay mo.
Salamat sa pagpapatawa at pagpapasaya mo sa akin.
Salamat dahil pinagtiyagaan mo ang aking ugali.
Kahit napakamoody ko o napakaweirdo ko, tinanggap mo parin ako.
Salamat dahil inuntog mo ako sa maling akala,
Sa akala na mahal mo ako higit pa sa kaibigan.
Salamat sa pag untog sa katotohanan na walang tayo,
At hindi magiging tayo kailanman.
Salamat dahil sinaktan mo ako,
Oo tama ang iyong narinig.
Nagpapasalamat ako dahil sinaktan mo ako,
Bakit?
Kasi kung hindi mo ako sinaktan, hindi ko makikilala ang tunay na tinadhana para sakin.
Ang lalaking tinadhana para sakin.
Salamat sa lahat.
At salamat din dahil napagtanto ko na,
Tinadhana tayo magkakilala ngunit hindi nakatadhana para sa isa't isa.*************************
Author's Note
Para sa mga taong may nakilala at pinapasok sa kanilang buhay, pero hindi ibig sabihin nun ay nakatadhana kayo sa isa't isa. Siguro nakatadhana kayo magkakilala pero dahil may gusto ipagtanto sayo na mga bagay bagay.
By the way, Happy 1k reads! Thanks sa mga nagbasa☺