Chapter 17:

4 0 0
                                    

***

Ang saya kagabi, yung kahit maikling oras lang nakapag bonding pa kaming apat? Yung kahit di man kami buo dahil wala ang ibang boys masaya parin? Hindi ko akalain na makakasama ko pa sila ng ganun, yung tipong ine-enjoy lang namin yung moment na yun na walang iniisip kundi yung time lang na yun.

Ang sarap talaga mabuhay, kaya I need to move na para pumasok sa school ng di nako malate pa ulit.

Dumiretso ako sa ref ko sa kwarto at kumuha ng isang basong tubig. After that nag bath narin ako dahil medyo late akong nagising dahil pinuyat ako ng mga unggoy na yun. Pag baba ko gulat akong napatingin sa sala dahil nandun si daemon at feeling ko badtrip sya.

"Ayan na pala si danger eh kain muna kayo bago kayo pumasok."sabay tayo ni kuya at dumiretso sa kitchen.

Hahalik sana ako sa pisngi nya kaso niliko nya yung mukha nya.
"May problem ba tayo?"takang tanong ko, eh samantalang wala naman kaming napag awayan kagabi.

"Kumain kana malalate tayo, hintayin kita sa labas."tsaka sya lumabas ng bahay. Tsk, ano bang nangyayari sakanya? May nagawa ba akong di nya nagustuhan? Bat di kaya nya sabihin.

Pumunta na ako sa may kusina at kumain na, hinanap ni kuya si daemon pero ang sabi ko na busog sya at sa labas na lang sya mag hihintay sakin.

"Feeling ko may pag uusapan kayo ni utol, black aura ang bumabalot sakanya kanina habang kausap ko sya eh. Dont worry maayos nyo rin yan."sabay tapik ni kuya sa balikat ko atsaka dumiretso sa guest room nandun kasi yung babae nya eh.

Pag labas ko nakasandal sya sa kotse nya, di ko makita kong masama ba syang nakatingin sakin kasi nakasalamin sya eh.

Di nya ako pinag buksan kasi nung papalapit na ako sakanya agad syang umikot at sumakay sa kotse nya.

Kinakatok ko sya sa bintana pero imbes na buksan nya binaba nya lang yung salamin ng bintana.

"You can open the door why dont you open it by yourself?"sabay hawak nya sa manibela ng kotse nya at masamang tumingin sa harap.

"Kung ganyan kita makikita buong araw di na ako sasabay sayo, mabuti pang mag lakad na lang ako mauna kana!"tsaka ako nag lakad, pero sumunod din sya sakin dahan dahan nyang pinapaandar yung kotse nya.

"Pumasok kana dito danger."naiinis nyang tugon. Kahit magalit ka pa di ako papasok dyan ng ganyan yung pag mumukha mo.

"Fine sasabihin ko na just go inside malalate na tayo."tumingin ako sakanya ng masama tsaka ako lumapit sa kotse nya at binuksan ang pintuan sa likod. Mas mabuti ng dito umupo kakabadtrip kasi yung nasa harap eh.

"Bat dyan ka umupo?"tanong nya habang diretsong nakatingin sa kalsada.

"Pake mo ba? Eh sa gusto ko dito umupo may magagawa ka ba?"sabay cross arms ko. Patigasan pa la ah.

"Danger, ako ang galit dito tandaan mo yan."so? Tinatanong ko?

"Bat di mo ko tinext o tinawagan kagabi?"ay oo nga pala, naalala ko sabi nya pala itext o tawagan ko sya pag uwi ko.

"Oo nga pala sorry nakalimutan ko po."seryoso lang ang mukha nya ng sabihin ko yun. Kaya lumipat ako sa harap at tumabi sakanya.

"Sisirain mo ba yung kotse ko danger?"

"Mas mahal mo ba kotse mo kesa sakin?"sabay pout ko.

"Ofcourse not."

"Sorry na."niyakap ko yung braso nya at hinalikan sya sa pisngi. Sorry na mahal ah.

Stay(sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon