Anna's POV
GOOD MORNING! Excited akong pumasok ngayon kasi may tryouts kami for varsity. Kya~! Excited na ako. Hindi ko nga alam kung sa Varsity ng mga Singers ako mag tatryout or sa Volleyball Varsity. Sana nga pwede na lang both eh, haystt.
So yun nga, kakagising ko palang, and as always, magreready muna ako bago kumain ng breakfast.
Bumangon na ako tsaka kinuha ang towel at pumasok na sa cr. Nagshower na ako ng katawan at mukha, then nagtoothbrush nadin ako.
Lumabas na ako ng cr para makapagbihis na ako sa walk in closet ko. Since may PE kami ngayon, hindi na ako magskiskirt ng gaya kahapon. Kaya ang suot ko nalang, ay ang stretchable high-waisted jeans at cropped sweater na maroon ko. Nagsuot din akong maroon na NIKE shoes para pares sila ng sweater ko, hihi.
Nagmake up nadin ako, I'm sure alam niyo na ang steps ko sa paglalagay ng make up. Nakailang ulit ba naman ako sa pagsabi ng routine ko diba? Hahaha!
Nagpabango na din ako para fresh ang amoy ko hanggang mamaya, haha. Sinuot ko na ang eyeglasses ko at inayos na din ang bag ko para makababa na ako.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na sa hagdanan. Nang makababa ako, dumeretso na ako sa dining table para makakain. Nakahain nadin ang pagkain kaya naman agad na akong kumain, sabay naman non ang pagbaba nina ate.
"Oh ate, kuya, tara kain na tayo." yaya ko sakanila.
"Sige, thank you bunso." sabi ni ate.
"Morning, bunso." bati ni kuya.
"Good Morning din kuya." sagot ko sakanya.
Umupo nadin sila sa dining table kaya naman sabay sabay na kaming kumain.
~~~
Natapos na kaming kumain kaya naman dumeretso na kami sa sasakyan.
"Bye po manang, pasok na po kami." paalam ko kina manang.
"Sege eha, engat kayo hah?" sagot ni manang.
"Opo manang, ako na pong bahala sakanila." singit ni kuya.
"Haha, sige manang, bye po." paalam nadin ni ate.
Tuluyan na kaming pumasok sa kotse, sabay pinaandar ni manong ito papuntang school.
~~~
Nang makarating kami, bumaba na kami ng kotse saka nagbabye na kay manong.
Nakapasok nadin kami ng campus, at dahil laging nauunang pumasok sina Dom, pinuntahan nila ako kaya sama sama na kami ngayon. Sina ate naman, dumeretso nadin sa Senior High Building.
Pumasok na kami sa classroom at ng makalipas ang ilang minuto, pumasok nadin si Ms Magracia, kasabay ang Legacy5. Kya~, ang popogi nila ngayon. <3 Ugh, correction pala, ang popogi nila as always, haha OMG.
Wag kayong magugulat kung nakatingin ako ngayon kay Carlos ah? Kasi yun na nga ang ginagawa ko eh, hihi. Yun nga lang, derederetso lang ang tingin niya kaya hindi nagtama ang mata namin, sad.
~~~
PE time na kaya sabay sabay kaming pinababa ni Ms Magracia sa gymnasium.
"Okay class, go to your partner and then position yourselves with the ballroom position. After that, you're gonna practice the dance with the music, for the whole subject. I will be roaming around to check if you've already memorized the steps. Okay?" paliwanag ni Ms Magracia.
"Yes po." sabay sabay naming sagot sakanya.
Lahat na kami, nagsipuntahan na sa mga partners namin. Although, hindi ko makita si Carlos. Nasan na kaya si--
BINABASA MO ANG
Si Ms. Panget na naging Campus Queen [DISCONTINUED]
Novela JuvenilA not-so-beautiful girl in a not-so-beautiful world. A cliche story, turned to a not-so-cliche story anymore. A RomCom that turned into a Tragic Romance story. Ito ay tungkol sa isang panget na nerd, na magiging isang magandang dalaga. What if Mr...