CONTINUATION......
Anna's POV
After that situation, hindi ko mapigilang mapa-isip sa mga nangyayari.
'Yung tipong feeling mo may nangyayari pero hindi mo alam kung ano 'yun.
Lalo na 'tong si Carl, he became weird. Parang sinasadya niyang "pagselosin"--hindi sa assumera ako ah--si Carlos.
Siguro naman napapansin niyo sa tuwing nagkakasagutan o nagaaway sila ay biglang ngingisi ng patago si Carl after. W.E.I.R.D
Hinarap ko si Carl, "Carl, may itatanong sana ako."
"Ano 'yun ARA?"
"Ano kasi.. Uhh.. Ano.." Haystt, hinga ng malalim Anna. "B-bakit madalas na kayo mag-away ni Carlos? Like, diba close friends kayo. Tapos minsan nahuhuli pa kitang naka-ngisi na para bang ginusto mo 'yung pag-aaway niyo."
Hindi siya maka-sagot. May sinabi ba akong mali?
"Narinig mo ba 'yung tanong ko, Carl?" tanong ko kaya biglang nataranta 'yung itsura niya.
"A-ahh.. Pshh.. W-wala 'yun noh.. Natural din naman sa m-mag-kakaibigan na mag-away." sagot niya pero hindi ako kumbinsado kaya medyo nag-tampo ako, medyo lang naman. Tsaka hindi pala niya sinagot 'yung isa ko pang tanong, tsk.
"Carl, medyo 'di ako kumbisado sa sagot mo. Utal-utal ka pa. Alam mo nakaka-tampo ka, close naman na tayo pero 'di mo man lang masabi ng maayos 'yung sagot mo tapos bitin pa. And another thing, parang may tinatago ka." pag-tatampo ko. Pero actually, acting lang 'yan. Syempre para makumbinse ko siya na sabihin ang lahat ng nangyayari pati narin 'yung sikreto niya hahaha.
Sinubukan ko pang mag-walk out sa lagay na 'yan pero buti naman dahil hinablot niya ang kamay ko. Just what I was waiting for.
"O-okay fine. Sasabihin ko na lahat lahat sayo." napilitang sabi niya. Buti naman.
"Tsaka bukas na din naman ata mangyayari ang lahat so I guess pwede ko nang sabihin?" tanong ba 'yun sa sarili niya? Tbh, hindi ko siya maintindihan. Anong bukas mangyayari? Like, ang dami nang tanong ang magagawa mo sa sinabi niyang 'yan.
Nakita ko siyang tumingin sa Legacy5, or should I say Legacy4 kasi wala si Carlos? Hahaha joke. Lol corny.
So 'yun nga, nag-kakatinginan silang lahat. 'Yung Legacy5 naman, iling ng iling na parang sinasabing wag niyang ituloy 'yung gagawin niya.
Binaliwala lang sila ni Carl at hinila ako papunta sa isang private place.
Well, hindi sa private na private na place kung saan walang makaka-kita samin pero sa place kung saan wala lang makaka-rinig sa pag-uusapan namin.
Then that was when he explained everything. And guess what?
IM SHOOKT
---
Halloo friends.. So this is just a short update kasi '.2' lang ito ng mismong Chapter 23. So basically magkadugtong sila.
That's all. I hope you enjoyed reading this chapter and the previous one. See you next week!! (Promise na talaga)
ANNYEONGGG xoxo
BINABASA MO ANG
Si Ms. Panget na naging Campus Queen [DISCONTINUED]
Novela JuvenilA not-so-beautiful girl in a not-so-beautiful world. A cliche story, turned to a not-so-cliche story anymore. A RomCom that turned into a Tragic Romance story. Ito ay tungkol sa isang panget na nerd, na magiging isang magandang dalaga. What if Mr...