Chapter 20 - Morning Problem

1.3K 33 1
                                    

CONTINUATION.....

"Anna, gumising ka na!!" rinig kong sabi ng isang familiar na boses, pero hindi ko siya pinansin. INAANTOK PA 'KO!! SHATAP NGA!!

"ANNA!! GUMISING NA SABI EH!!" kahit inaalog-alog na niya ako, hindi ko pa rin siya pinapansin.

"ANNA--!!" nagulat ako ng kilitiin niya ako kaya naputol din ang sinasabi niya.

Tsk, sabing inaantok pa ako e--

Lumaki ng sobra ang mata ko nang makita ko si Carlos. Hah?! Ang alam ko sa couch ako natulog ah!! Paano naman ako napadpad dito?!

"Oh, anyare sayo?" cold niyang tanong nang mapansin niya ang pag-laki ng mga mata ko.

Naka-patong ang siko niya sa kama habang naka-higa pa rin siya. Ako naman, naka-upo sa sahig at ang ulo't mga kamay ko ay nasa kama niya.

"P-paano ako n-napunta dito? D-diba kagabi, dun a-ako sa couch mo?" nauutal kong tanong.

Bakit nga ba? Hindi ko talaga maalala!! Nagka-amnesia ba ako?! Haha, chawot. Pero seryoso!!

"Aba ewan ko sayo. Ikaw naman 'yung natutulog diyan eh. Paano ko malalaman hah? Tsk." suplado niyang sagot.

"Suplado." bulong ko pero mukhang narinig niya 'yun, kaya sinimulan na niya ang panunukso sakin.

"Ah ganun pala ah. Baka naman ginapangan mo ako kagabi kaya ka nandiyan. If only I knew, crush mo ako. Hmm." panunukso niya.

Hah?! Pero paano niya 'yun nalaman?! Hindi 'yung ginapangan ko siya ah!! Pero, alam niya na ba na crush ko siya?! NOOOO!!

"A-anong crush ka diyan?! A-ako? Magkaka-crush sayo? 'Wag n-na lang noh. Baka manigas pa a-ako sa sobrang ka-hanginan mo. Pfft." masungit kong sabi.

Kairita naman kasi eh!! Umagang-umaga, tinutukso na ako agad. TSK!!

"Oh, then i-explain mo nga kung bakit ka nagsta-stammer?" napatulala ako sa tanong niya. HALA!! Ano na ang isasagot ko sakaniya?!

Nag-isip nalang ako ng pwedeng i-singit sa topic namin na 'to.

Bakit nga ba kasi ako nandito?! 'Flashback Anna!! Mag-flashback ka naman oh!!'

AHH, AYUN!! Naalala ko na din kung bakit ako nandito.

"AHH NAALALA KO NA KUNG 'BAT AKO NANDITO!!" sigaw ko kaya napa-kunot ang noo ni Carlos.

"Kagabi kasi, chineck ko kung may lagnat ka pa. Pero mukhang wala na. Hindi ko lang alam kung bakit dito pa ako nakatulog sa sahig at naka-patong pa ang ulo ko sa kama mo. Tsk." dugtong ko pa.

"Ahh sige, change-topic pa. 'Di mo lang masagot tanong ko eh." pang-aasar niya. NAAASAR NA TALAGA AKO!!

"Totoo naman 'yun eh. Ngayon ko lang ulit naalala." medyo naiinis ko nang sabi.

"Sus. Ayaw mo lang kasi aminin na crush mo nga ako. Nagsta-stammer ka pa nga kanina eh. Haha." confident na sabi ni Carlos.

"Aba, ang confident mo naman masyado!! Bahala ka diyang maniwala sa hindi naman totoo!! Nag-explain na nga ako eh, tapos babaliwalain mo lang?! Tsk. 'Ni hindi ka pa nga nag-pasalamat sa pag-aalaga ko sayo, tapos panunukso at sakit ng ulo lang pala ang ibabawi ko sakin?! Maiwan ka nga diyan!!" sigaw ko sabay tayo para maka-labas ng kwarto niya.

Patayo na sana ako ng bigla niya hilahin ang kamay ko kaya napa-upo nalang ulit ako sa sahig. MASAKIT 'YON HAH!!

"ARAY!! ANO NANAMAN?!" sigaw ko sakaniya. Mukha naman siyang nagulat. Eh kasalanan naman niya eh!!

Si Ms. Panget na naging Campus Queen [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon