Chapter 1: Forethought

5K 57 1
                                    


"Huy, ano iniisip mo dyan?" Sinabi ni Aulie. Si Aulie isa sa pinakamagaling na player ng badminton.

"Wa-wala po, Ate Aulie"

"Ulol, anong wala? Makatitig ka sa bintana parang wala ng bukas. Anong oras ka pala uuwi?" Tinanong niya habang kumakain ng stick-o na baon niya.

"Ay hindi ko alam, may load ka ba patawag ako." Syempre may load siya rich kid iyon eh..

"Wala pero naka line ako." Inabot niya phone niya. 

Pagtingin ko may text siya.

Hey, I miss you.

Landi landi naman nito. "Uy Ate Aulie, I miss you daaaw!" Nilaksan ko para marinig ng lahat ng tao sa bus.

"Yiiieee sino yan si Clark ba yan? Kakaiba ka talaga, Aulie." Sabi ni Ate Nicole, isa sa mga seniors ng team.

Tinignan ako ni Aulie, na nakaupo sa tabi ko sa may gitna. Sa totoo lang, takot ako sakanya. Siya yung tipo ng babaeng mukang mataray at bitch? Hindi naman kami ganon ka-close kaya hindi ko alam bakit ko ginawa yun.

Pero teka, Sino si Clark?

Sinubukan ni Aulie abutin phone niya, "Akin na yan!"

"Ayoko, sino muna si Clark?" Onti na lang papatayin na niya ko.

"ATASHA, AKIN NA YAN!" okay paktay na talaga ako.

Inabot ko sakanya phone niya ng hindi nakatingin. Gusto siya ng buong team at sobrang taas ng tingin sakanya kaya kapag ayaw na niya sa akin, ayaw na sa akin ng lahat.

"Atasha, grade 8 ka diba?" Tanong niya na parang walang nangyari.

"Opo." Hindi na ko makatingin sa takot.

"Kilala mo ba si Mia?" Putangina, bakit kilangan pa niyang sabihin yung pangalan na iyon.

Si Mia ang pang-apat kong "kalandian"

Bakit kalandian? Kasi wala pa naman akong relasyong may label.

Yung una, pinaramdam sakin na ako mundo niya tapos bigla akong iniwan sa ere kasi studies first daw. Pero makalipas isang linggo ayun may boyfriend na.

Pangalawa si Louis. Parang lalaki pangalan pero babae parin. Sabi niya ako lang pero tatlo pala kaming pinagsasabay niya. Ako, batchmate ko at isang lalaki. Saming tatlo ang lalaki pinili niya.

Sumunod si Audrey, ang babaeng inakala mayroong kami. Pinagkalat na niloko ko raw siya pero nanahimik lang ako. Kaya ayun, daming nagbash sakin ng isang taon. Buti na lang nawala na rin yung issue. Nalaman ko one year after, boyfriend niya palang nagutos na gawin iyon. Kailangan raw niyang prove si Jef, boyfriend niya, lang ang mahal niya sa pamamagitan nang pag papanira sa akin.

At ngayon, si Mia. Nagsimula kaming masaya. Lahat naman diba? Sa una lang masaya. Ngunit onti-onti na siyang nagiging cold at nakakarinig na akong lagi niyang kasama si Gab. Teamcap ng isa sa pinaka sikat na school sa Manila.

Alat noh?

Sa kanilang apat, they have one in common. Sila unang nagkagusto sakin. Mayabang na sige pero hindi naman kasi ako naniniwala na pag girl to girl magtatagal.

No offense. I mean hindi lang naman ako ganon magisip. Naniniwala ako na pag alis ko sa all girls school i'll meet my one true love na lalaki. LALAKI.

Ngunit kahit ilang beses kong sabihin sa sarili kong hindi magtatagal. Hindi mapigilan ng puso kong madurog pag iniwan nila ko o pinagpalit. Kahit na sabihin nating sila unang nagkagusto pinaramdam ko parin naman sakanila na importante sila sa akin. Nagbibigay ako ng regalo, letters, pati walang tigil na paalala na mahalaga sila sa akin. 

Mahalaga. Hindi mahal. Hindi pa ko handa para gamitin ang salitang iyon.

Sige, sabihin na nating manhid ako. Iyon naman tawag sa akin ng lahat kahit mga kaibigan ko. Sige, hindi ako marunong makiramdam pero nasasasaktan ako. Kahit ilang ulit kong sabihing hindi ko sila mahal iniyakan ko parin sila.

Na-attach na kasi ako. Nasanay akong may nakikinig sakin. May nagpaparamdam na mahal nila ko tapos malalaman ko, kaya pala nila kong pagpalit? 

Pagpalit, isa sa mga rason bakit hindi parin umuunlad ang Pilipinas. Mapapaisip ka na lang, ano ba ang kulang sakin? Ano mayroon sa pinalit nila sa akin?

At marerealize ko. Ang pinalit nila sa akin, lalaki. Lalaki samantalang ako babae. Hindi ko naman sila masisi kasi nga diba pag babae, it's not meant to last?

Siguro karma nangyayari na iniiwan nila ko dahil nilalandi ko sila kahit, hindi ko naman sila "mahal." Patuloy ko na lang ba lolokohin sarili ko na totoo yung the one? Mayroon ba talaga noon? 

"Huy, Atasha bakit hindi ka makasagot." Ayan nanaman siya ano ba sasagot ko dito. Kung kelan hindi kami okay ni Mia doon pa ko makakatanggap ng tanong tungkol sa babaeng iyon.

"Nilalandi ako noon."

I'll Wait, I PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon